BACK TO BATTLE

303 16 31
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Isang malakas na pag tama ng pinto sa dingding ang gumulat sa mga natutulog na Ken, Stell at Josh.

Agad na napaupo sa pagka-higa ang tatlo at kabado na medyo alertong tumingin sa paligid.

"boys, chill" ani ni Gwen, napatingin sila doon at doon na sila kumalma.

"Bakit ka naman nanggugulat!?" Inis na ani ni Ken sabay kamot sa ulo nya at nahiga ulit sabay talukbong ng kumot.

"Gumising na kayo! Diba maypag uusapan tayo? May sasabihin din kami ni Sejun sainyo!" Masayang ani ni Gwen halos tumalon talon pa nga sya.

Napakunot lang ang noo ni Josh at Stell na nakatingin sa babae na masayang nag tungo sa lamesa.

"Sasabihin nya bang ikakasal na sila ni Sejun?" Bulong ni Ken kaya agad syang tiningnan ni Stell sabay irap.

Labag sa loob namang tumayo ang tatlo at nag tungo narin sa lamesa.

Kumuha ng kaldero si Gwen at sandok sabay hampas nito ng malakas kaya napa takip ng tenga ang tatalo. Parang nagising diwa nila doon.

Bigla namang bumukas ang mga kwarto at lumbas doon ang mga mukang nabulabog na tulog na mga tao.

"tangina?" Ani ni Khayla.

Labag sa loob din silang umupo sa lamesa at tumingin kay Gwen.

"Sige, ano meron?" Tanong ni Justin sabay kamot sa ulo nya.

Sarap ng tulog kagabi nyan, walang ka-alam alam sa nangyari.

Napa buga naman ng hangin si Sejun.

"Okey, guys. Makinig kayo"

Natuon naman ang atensyon sakanya ng mga kasama nya.

"May naka bantay saatin at mukang may hindi sila magandang balak lalo na sa mga babae dito" simula nya, napa gasp naman si Weedad.

"what?"

"Sila ang Unit A-yung lalakeng may balak pumasok dito kagabi-"

Nanlaki naman ang mga mata ni Justin sa narinig nya, wala kasi syang ka-alam alam.

"GAGO!? MAY PUMASOK DITO!?" Galat na sigaw ni Justin kaya weird lang na tumingin ang iba sakanya.

"Anyways, mukang kailangan na nating kumilos"

"Aalis ba tayo dito?" Bulong ni Yanna. Ayaw nyang umalis sa bahay na to dahil madami na syang memories dito at sila ang gumawa nito. Bakas yung lungkot sa muka ni Ken nung narinig nya ang sinabi ni Yanna.

Umiling naman si Sejun kaya nakahinga sya ng maayos.

"Aalis tayong lahat kasi may gagawin tayo"

Napuno ng pagtataka ang mga muka nila.

"Ano yon?"

Napangiti ng bahagya si Gwen at Sejun, nag tinginan pa sila.

"Mag bibigay ng cure sa ibang Unit" simpleng ani ni Gwen, tumungo naman ang iba-ngunit, dahan dahan itong pumasok sa utak nila.

Mag bibigay ng cure sa ibang Unit.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat nung napagtanto nila kung ano yon.

Mas lumawak lang ang ngiti ng dalawa nung nakita nila ang reaksyon ng mga kasama nila.

Agad na napatayo si Stell sa upuan nya at nilapag ang dalawa nyang kamay sa lamesa. Tiningnan nya ng mabuti ang dalawa.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now