I'M SORRY

211 9 23
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Matapos ibigay ni Sejun ang cure na hindi nya naman sigurado kung gagana ba, pinayagan silang umalis ng tahimik.  Syempre kasama si Ira at Yanna. Hindi nila iiwan ang dalawa, may paraan para bumalik ang dalawa sa dati.

Ang cure.

Buti nalang at naisipan ng dalawa na takpan ang bibig nila para hindi sila makagat. Ang tanging ginawa nila Josh ay tinalian ang mga kamay nila at nilagay sa likod ng sasakyan.

Ngayon andito na sila sa treehouse nila. Nasa kwarto ni Ken si Ira at Yanna. Tinali nila ng mabuti sa upuan para di makatakas.  Wala na sa katinuan ang dalawa—hindi na nga makakilala. 

Nakaupo silang lahat sa sala ngayon, ang iba nag iiyakan pa ang iba naman malalim ang iniisip.

Hindi nila kayang isipin na mangyayari to sakanila. Ang gusto sana nila makauwi sila dito sa treehouse ng masaya ngunit mukang hindi ganoon ang mangyari. Umuwi silang malungkot.

Napayukom ng kamao si Ken, nakita to ni Stell dahil nasa lamesa nakapatong ang kamay ni Ken. Nakatingin ng malalim si Ken sa sarili nyang kamao at kitang mo sa itsura nya na galit sya.

"sinasabi ko na hindi maganda ideya to.." bulong ni Ken, napatingin sakanya ang iba na nasa lamesa.

"pero hindi kayo nakinig..."

"ngayon ganito ang nangyari..."

"Sana hindi nalang kami sumama"

"Ken.." tawag ni Stell pero mukang hindi sya narinig ni Ken. Halos pumuti na ang kamao nito at tumulo nanaman ang luha nya.

"S-sana..hindi na kami umalis sa Grandstand..."

"Sana nanahimik nalang kami"

Tiningnan ni Justin si Ken. Mukang hindi na alam nito ang sinabi nya dahil nakain na sya ng emosyon nya. Napayukom narin ng kamao si Justin dahil naiirita na sya sa sinasabi ni Ken. Sa tono ng pananalita nya parang may sinisisi sya.

"Sana—"

Agad na hinampas ni Justin ang kamao nya sa lamesa kaya nagulat ang lahat maski si Ken.

"ANO BA!? TUMAHIMIK KA NGA! ANO SINASABI MO!? KASALANAN NAMIN!?!" Galit na sigaw ni Justin, agad syang sinamaan ng tingin ni Ken at tumawa ng mapait.

"Bakit? Hindi ba? Una palang hindi na ako sangayon pero gusto nyo magpaka-hero!! anong nangyari ngayon!?" Sigaw rin pabalik ni Ken, agad namang hinawakan ni Stell si Ken pero marahas itong inalis ni Ken at tumayo. Napuno naman si Justin at hinampas ang dalawa nyang palad sa lamesa at tumayo. Puno ng galit syang nakatingin sa lalake.

"Wow, so sinisisi mo nga kami? Sana alam mo na walang may gusto sa nangyari. Wala naman pumilit sayo na sumama ka" Sabat pabalik ni Justin.

"Justin, kumalma ka" ani ni Sejun, hindi naman nakinig si Justin.

Oo, walang pumilit kay Ken. Sumama sya dahil wala na syang choice. Ayaw nyang maiwan mag isa dito.

"Ah, sumama ka kasi ayaw mong maiwan dito mag isa  kasi hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Simula una palang umaasa ka lang kay Ira para mabuhay kasi duwag ka" mapait na ani ni Justin, mukang nabigla naman si Ken doon dahil aminin nya nasaktan sya doon.

Kasi totoo yon.

"Alam mo, Ira deserves better. Hindi ko nga alam kung paano ka natagalan nun eh puro sex lang naman laman ng utak mo. Parang jinowa mo nga sya para sa sarili mo lang sarap. Ano? Ginawa mo na nga syang naga ligtas mo ginawa mo pa syang taga subo sa ano mo—" hindi natuloy ang sasabihin ni Justin ng bigla nalang sumugod si Ken sakanya sabay suntok sa muka nya. Natumba ang upuan ni Justin at nahiga sya sa sahig. Umibabaw naman si Ken sakanya sabay hawak sa kwelyo nya. May dugo na lumabas sa ilong ni Justin pero hindi nya na to ininda at tiningnan nalang din ng masama si Ken.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now