Unit A

264 9 19
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"Anong ginagawa ng Unit F, dito?" Mariin at madilim na ani ng isang lalake sa matanda.

Nakadikit ang pisngi nito sa madaming sahig habang inaapakan ng nasabing lalake ang ulo nito upang hindi makatayo.

Napa-inda sya sa sakit—walang balak na sabihin kung bakit pumunta ang Unit F sakanila.

"h-hindi ko-ko alam!" Nahihirapan nyang ani kaya napa 'tsked' ang boss ng Unit A sakanya.

Marahas naman syang sinipa ng isa pang lalake sa tyan nya kaya napa ubo sya.

Nangako sya na hindi nya sasabihin, nangako sya sa kanila na mananatili iyon na sikreto.

"Pag hindi sasabihin kung anong ginawa ng Unit F dito, ititigil namin ang pag supply ng pagkain dito sa Unit nyo. Gusto mo bang magutom ang sakop mo?" Madilim nitong ani, halos naipon ang hininga ng matanda sa lalamunan nya.

Hindi nya kayang makitang na mag hihirap ang sakop nya.

Madaming bata ang magugutom. 

Hindi nya na namalayan ang pag tulo ng luha nya at pumatak ito sa sahig. Napa hagulgol sya ng mahina.

Hindi alam kung ano ang gagawin.

Alam nyang hindi maganda ang gagawin ng Unit A sa Unit F.

Mga bata lang ang mga yon.

Pasensya na, mas importante saakin ang kaligtasan ng sakop ko....

Napapikit sya at huminga ng malalim.

Labag man sa kalooban nya ngunit walang syang magagawa.

"C-cure.." mahina nyang ani, napatigil ang boss nila—hindi alam kung tama ba ang narinig nya. Agad na naalis ang pagkakatapak nya sa muka ng matanda at umupo sa harap nito.

"Anong sabi mo?" Ani nya ulit, napatingin sakanya ang matanda—nanggigilid ang luha nito.

Hindi lang sya nag salita kaya mas nainis ang lalake sakanya. Marahas nitong hinawakan ang buhok nya at pinilit na tumingin sa mga mata nya.

"ANG SABI KO! ANONG SABI MO!?" Marahas at madilim nitong sigaw, mas bumilis naman ang kabog ng dibdib ng maganda at napa pikit sa sakit.

"P-pumunta a-ang u-u-uni-unit F dito pa-para mag bigay ng c-cure.." nahihirapan nyang ani, lasang lasa nya na ang dugo sa dila nya.

Tiningnan sya ng boss ng ilang segundo bago napa ngisi ng madilim bago marahas na binitawan ang buhok nito kaya humalik ang pisngi ng matanda sa sahig.

Tumayo ang boss nila at tiningan ang mga kasama nya.

"Susundan natin ang Unit F" 

Sa kabilang dako naman, sakay ng isang puting van—nag sisigawan naman ang sampu, bakit? Kasi meron lang namang mga infected sa harap mismo nila. Kung naka Humvee sila walang problema dahil may pang barilan sa taas, ngunit van lang ang meron sila ngayon.

Agad na kinasa ni Josh ang baril nya, sobrang gulo na sa loob.

"shit shit shit shit!" Sunod sunod na mura ni Ken—natataranta sya kasi hindi nya alam ang gagawin nya.

"BABARILIN KO ANG NASA HARAP! STELL! TULUNGAN MO AKO!" Sigaw ni Josh, agad namang tumungo si Stell at binuksan ang bintana ng van na nasa tabi nya. Agad na lumipad ang buhok nya dahil sa hangin—sobrang bilis rin ng takbo nila.

Halos bumaon ang kuko ni Sejun sa manubela ng van, direkta lang syang nakatingin sa harap.

Binuksan naman ni Josh ang bintana nya at nilabas ang kalahati ng katawan nya sabay tutok ng baril nya sa harap.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now