VAN

209 7 13
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Maayos na tumatakbo ang van nila patungo sa susunod na unit na pupuntahan nila.

Si Justin naman ngayon ang nag mamaneho ng van nila dahil sa Sejun ang kahapon. Habang abala si Justin sa pag mamaneho, kumakain naman ang iba sa likod dahil nakalimutan nila kumain kanina.

"Ira, masarap ba yang orange flavor?" Tanong ni Yanna kay Ira na nanahimik na kumakain sa tabi. Napatigil naman sya sa pagkain at tumingin kay Yanna.

"Oo" tipid nyang sagot sabay kain.

"Pahingi nga" ani ni Yanna sabay bukas ng bibig nya na parang nag sasabi kay Ira na subuan sya nito. Tiningnan lang sya ng babae.

"Alam mo, sabi ni Ken, wag daw ako mag share ng pagkain sayo" ani nya sabay nguso, napa sara naman ng bibig si Yanna dahil parang narinig nya na yan.

"At bakit?"

"Kasi sinusubo mo daw ang saging ni Josh" malakas at klaro nyang ani kaya agad na nasamid si Yanna pati narin si Josh.

Napatigil naman ang mga nasa likod at napalingon si Stell.

"Payback bitch" dagdag ni Ira at pinagpatuloy ang pagkain.

Namula naman agad si Josh at Yanna habang tawang tawa si Khayla sa nangyayari.

Napabusangot naman si Justin habang nag mamaneho. Naiinis sya kasi di sya makakasama sa kaguluhan sa likod.

"Jah, turn left" ani ni Stell sabay turo doon, tumungo naman sya.

Huminto ang van nila sa harap ng isang gate na mukang pinagtagpo-tagpo lang ng mga tao doon. Medyo mataas rin ito, yung siguradong walang infected ang makakalusot.

Kinuha naman ni Sejun ang metallic suitcase at binuksan ang pinto ng van. Napatingin sya sa tahimik na paligid.

Nakarinig naman sya ng pag sara ng pinto ng van kaya napatingin sya doon, nag tagpo ang mata nila ni Stell. Hawak hawak ni Stell ang baril nito, sumunod namang bumaba si Ken na kinataka nila.

"oh? Bakit ka bumaba?" Tanong ni Sejun sakanya, nag tama lang ang dalawang kilay ni Ken.

"Bakit, bawal na pala ako ngayon bumaba?" Simple nyang ani, nag tinginan naman si Sejun at Stell.

Nakakapanibago lang kasi na sumama ito sakanila. Lagi kasi yang naiiwan o di kaya naka dikit sa girlfriend nya.

Bumukas nanaman ang pinto ng van kaya napalingon nanaman sila doon, ngayon si Josh na ang bumaba. Dala-dala rin nito ang baril nya.

Nag tinginan lang ang apat bago napunta ang atensyon kay Ken na naka lagay pa ang katana nya sa balikat nya na akala mo isang anime character.

"Ba't ka andito?" Tanong ni Josh sakanya, medyo na-hurt naman si Ken doon.

"Bakit ba kayo nag tatanong kung bakit ako nandito? Gusto ko sumama eh" ani nya, pinanliitan lang sya ng mata ni Josh bago nanaman sya napatingin sa van.

Si Justin lang ang naiwan na lalake doon. Pero kahit andoon si Justin wala rin naman magawa yon.

Teka, bakit ba ako nag aalala? Kaya naman pala nila ipagtanggol sarili nila. Kung maiwan man si Ken at Justin baka yang mga babae pa ang magtatanggol sakanila eh.

"Nevermind, mabuti pa pumasok na tayo para matapos na to" ani ni Josh at nag-unat pa ng katawan nya. Napatungo naman sina Sejun saka sila nag lakad papunta sa gate.

Napatingin lang si Justin sa apat na lalake na kumakatok sa gate. Nakalagay pa ang dalawa nyang braso sa manubela ng van.

"Jah, ikaw lang pala naiwan dito?" Tanong ni Gwen, napalingon naman si Justin sakanila.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now