CURE

271 13 22
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Tunog ng bakal na nag tama sa kahoy ang tanging maririnig mo sa baba ng treehouse. Tapos na nilang linisin ang mga kalat-pati ang labi ng mga infected na tinapon nila malayo sa kanila.

Pati yung kawali na ginamit ni Khayla tinapon narin nila dahil, sino bang gustong kumain sa kawali na bumaon sa ulo ng infected? Baka mamaya ma-infect pa sila.

Nag sisibak ng kahoy si Ken, tamang flex lang ng katawan nya-joke.

Minsan na kasi syang tinatawag na batugan.

Biglang may sumipol sakanya kaya napatingin sya sa taas, tumambad sakanya si Ira na naka tingin sa kanya.

"wag ka magulo, Ira. Nag sisibak ako" ani nya at pinagpatuloy ang ginagawa nya, napatawa naman si Ira.

"Bakit ka ganyan saakin, Daddy?" Biro ni Ira kaya napatingin nanaman sakanya si Ken at pinanliitan ng mata ang babae. Tumawa nanaman si Ira saka bumalik sa loob kaya napailing nalang sya.

"baliw" bulong nya sa sarili nya at nag sibak ulit. Lumabas naman si Josh dahil naintriga sa ingay sa labas,nag tama lang ang dalawang kilay nya habang may hawak na kape sa kanang kamay nya.

Nag tataka sya ba't nag sisibak si Ken.

"Ken, bat ka nag sisibak?" Tanong ni Josh.

"Duh, para pang gatong" mataray na ani ni Ken at pinagpatuloy ang pag sisibak nya.

Pinigilan lang ni Josh ang sarili nya na matawa sa ginagawa ng lalake.

"Ken, naka electric stove tayo" simpleng ani ni Josh, natigilan si Ken sa ginagawa nya at binitawan ang palakol na hawak nya at tiningnan si Josh na parang may dalawang ulo ito.

"What the fuck? Bakit hindi ko alam?" Reklamo nya, napa buga ng hangin si Josh sabay kamot sa batok nya.

Hindi naman kasi observant si Ken sa paligid kaya wala syang alam.

"Isang taon ka ng nakatira dito, tapos hindi mo lang alam na naka electric stove tayo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Josh, napa irap lang si Ken.

"Nag sayang pa ako ng pawis at lakas" bulong nya at sinipa yung kahoy na sinisibak nya kanina at umakyat na din.

Papasok na sana sya ng may naalala sya kaya bumalik sya kay Josh.

"Dre" mahinang tawag ni Ken, kaya napatingin si Josh sakanya. Sobrang lapit nilang dalawa.

May kinuha naman si Ken sa bulsa nya at kinuha rin kamay ni Josh.

Wierd lang na naka tingin si Josh kay Ken. Binuksan ni Ken kamay ni Josh at may nilapag doon-alam mo yung mga nag pupuslit ng droga.

Parang ganoon sila ngayon.

"Sayo na yan" bulong ni Ken sabay tapik sa likod ni Josh at kumindat bago pumasok. Napanganga lang si Josh na tumingin kay Ken hanggang sa nawala na ito sa paningin nya.

Tumingin sya sa kamay nya at halos hindi nya alam ang magiging reaksyon nya.

Binigyan lang naman sya ng condom.

"Tangina ka talaga Suson" bulong nya.

Nakarinig naman sya ng sigawan sa loob kaya napatingin sya sa pinto. Mas lumakas lang yung sigawan kaya nag mamadali syang pumasok sa loob sa pag aakala na may panganib.

"N-NAHANAP KO NA! ALAM KO NA!" Sigaw ni Gwen, kitang kita mo ang tuwa sa muka nya. Naka suot ito ng lab coat at may surgical gloves pa sya.

"ang alin?" Tanong ni Sejun, kasalukuyan sila na nasa dining table at nag kwe-kwentuhan.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now