SUNDOWN

218 8 25
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Dahan dahan na napadilat ng mata si Sejun at inangat ang ulo nya. Agad syang napahawak sa noo nya at halos pikit mata na napatingin sa paligid nya.

Agad syang napaupo ng maayos nung nakita nya si Stell na naka sandal ang ulo sa bintan at may dugong tumutulo sa noo nya papunta sa leeg nya, wala rin itong malay. Agad na bumilis ang tibok ng puso nya at tiningnan ang mga kasama nya sa likod,ngunit mas lalo syang kinabahan sa nakita nya.

Wala ang limang babae.

"Stell!" Sigaw ni Sejun, sabay galaw kay Stell. Napakunot naman ang noo ni Stell at dahan dahan na dumilat ang mga mata nya. Agad syang napahawak sa noo nya at laking gulat nung nakita nya ang mga dugo.

Napatingin sya kay Sejun at sa oras na nag tama ang mga mata nila agad na napatingin si Stell sa likod.

Nakahiga si Josh sa upuan wala syang ano mang sugat maliban sa pasa sa sintido nya na mukang tumama sa tabi ng van. Habang si Ken naman ay naka sandal sa bintana at may sugat sa noo nya. Hindi naman nila maaninag si Justin sa likod kaya mas lalo silang kinabahan.

Agad na tumayo si Stell kahit nahihilo pa sya at hinawakan ang balikat ni Josh.

"Josh? Josh? Gising" ani nya, umungol naman si Josh at nagising rin. Dahan dahan na umupo si Josh at bakas ang gulat sa muka nya nung nakita nya ang duguang muka ng dalawa.

Agad syang napatingin sa tabi nya para tingnan si Yanna ngunit wala syang nahagilap na Yanna.

"A-asan si Yanna!?" Taranta nya sabay tingin sa paligid. Nakita naman nila sa Justin na umupo—mukang nabalik na sa ulirat at naka hawak sa ulo nya. Naka-higa rin sya sa upuan kaya di sya kita kanina.

Napansin naman ni Josh na wala ang limang babae na kasama nila.

"Asan sila?" Bakas ang takot sa boses ng lalake. Umupo naman si Sejun sa tabi ni Ken sabay gising dito.

Dahan dahan namang dinilat ni Ken ang mata nya at kumurap-kurap pa.

Tumingin sa labas si Stell at wala rin syang nakitang Yanna o kahit sino sa mga babae.

Bigla namang may tumunog kaya nagtinginan sila.

Sa pag kakaalam nila, wala silang cellphone.

Napatingin sa paligid ang mga to hanggang sa napansin nila na galing to sa bulsa ni Ken. Puno ng pagtataka namang kinapa ni Ken ang bulsa nya at kinuha yung cellphone.

"Teka, wala akong cellphone diba?" Ani nya, habang nasa kamay nya ang cellphone.

Napatingin ang mga to doon at nakitang may tumatawag.

"Sagutin mo" ani ni Stell, napa lunok naman si Ken at sinagot ang tawag sabay loud speaker.

Naka-ilang tawag na pala tong number na to.

"Unit F"

Biglang natigilan ang lima nung narinig nila ang boses na yon. Pamilyar ito sakanila.

"Buti naman at buhay pa kayo" tawa nito, himigpit ang hawak ni Ken sa cellphone.

"tangina mo, sino ka!?" Inis nyang ani, tumawa nanaman yung lalake na nasa kabilang linya.

"Dapat kilala nyo ako, Unit F. Diba sabi ko babalikan ko kayo?"

Dahan dahang pumasok sa utak nila ang lahat.

Unit A.

"Mukang may hinahanap ata kayo"

Parang binuhusan ng malamig na tubig silang lahat.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎حيث تعيش القصص. اكتشف الآن