Chapter 22 ✔

6.4K 150 0
                                    

"WHERE is your other boss?" - kaagad na tanong ni Champ kay Teresa na sekretarya nilang mag-asawa.

Hindi maituon ni Teresa ang kanyang mga mata sa kanyang lalaking boss dahil kakaiba ang awra nito ngayon. Malamig ang pakikitungo nito sa mga empleyado ng kumpanya at basta-basta nalang naninigaw kapag hindi nito nagustuhan ang iyong sagot o ginagawa.

"H-hindi ko po alam, sir." - kinakabahang sagot nito habang nakayuko at nilalaro ang kanyang mga daliri.

"BULLSHIT!" - napaigtad si Teresa sa biglaang pagmumura ng kanyang boss. "You are the secretary and yet you don't know your boss is?!" - sigaw ng lalaki sa kaniya.

"S-sir, I only knew Miss Villaflor's schedule inside the company. Wala po akong alam tungkol sa schedule niya sa labas." - hindi alam ng sekretarya kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para sagutin ang kanyang boss.

Nakakunot ang noo ni Champ habang nakatingin sa sekretarya. "What do you mean, Miss Villaflor?"

"Ah, eh? Hindi po ba si Miss Villaflor lang po ang isa ko pang boss?" - saad nito saka napakamot sa kanyang batok.

"Mrs. Quiroz not Miss Villaflor!" - he corrected his secretary which made the latter dropped her jaw. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang boss na lalaki. "What the fuck, Miss Dimagiba?!"

Napakurap ng ilang beses si Teresa at biglang tumawa ng malakas habang pumapalakpak. Mas lalong nalukot ang noo ni Champ dahil sa inasal ng sekretarya. "What the hell is there to be happy, Miss Dimagiba?!"

"Ikaw naman, sir. Sinira mo naman ang pagiging happy ko." - she joked.

"What the fuck?!"

Teresa raised her hands in defeat. "Masaya lang ako sir dahil boto ako sa inyo ni Ma'am." - malaking ang ngiti nito sa kanyang labi habang pumalakpak ulit. "Alam mo po kasi idol na idol ko po yung si Ma'am sobrang ganda ng boses magaling pang magdrums. Iniisip ko lang kung bakit hindi siya mag-artista. Sure akong sisikat."

"How did you know that?"

"Alam mo kasi sir, lagi ako dun sa café ng kaibigan niya si Kriza ba yun. Yung palaging galit sa mundo. Matatamis naman ang meron sa café pero yung may-ari parang inilipat lahat ng tamis sa binibake niya kaya ang naiwan sa dugo niya ang puro kabitteran at kamalditahan." - Teresa explained.

"I think you mean, Kyza." - he corrected her.

Teresa snapped. "Oo, nga pala." - she giggled. "Ikaw naman kasi, sir. Bakit hindi mo sinabing asawa mo pala yun si Ma'am? Kaya pala mag spark spark akong nakikita sa pagitan niyo."

"The hell?"

"I mean, I feel something fishy between you, sir. Kaya pala biglang nawala sa mood si Ma'am noong nalaman niyang sinundo mo yung Higad-- este si Ma'am Suella sa airport."

Napahilamos si Champ ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad. "She knew that?"

"Of course! Kasi ibinalita nga yun, diba? Tsaka, nasabi ko rin sa kaniya--" Teresa slowly zipped her mouth when her boss eyed her. Oopsie! Parang kasalanan ko pa ata.

Mabilis na tumalikod sa kanya si Champ at mukhang aalis na ng kumpanya.

"Siiirr!! Hindi ko po sinasadya! Wag niyo po akong isesante. Wala po akong makakain!" - sigaw ni Teresa sa lumalayo boss. "Bakit mo kasi sinabi sir na mag-asawa pala kayo?" - she murmured. She's doomed.

"Hoy, Teresa! Anong ginawa mo kay sir?" - hinihingal na tanong ng isang empleyado.

"Ano?! Wala no?!"

"Anong wala?! Ikaw ang huling kinausap ni sir. Ayon, lahat ng nakikita niya sa paligid tinatapon o sinisira niya. Sinigawan niya rin yung ang mga humarang sa dinadaanan niya." - saad nito.

RENOWN SERIES 1: Doubtlessly Mine ✔Where stories live. Discover now