Chapter 28 ✔

7.3K 165 2
                                    

MATALIM ang mga mata ni Jeva habang nakatingin sa taong nakaupo sa lupa matapos niyang itulak ito ng malakas. Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa galit.

"I already warned you, didn't I?" - Jeva said between her gritted teeth. "It's okay for you to hurt me but not my friends and family!" - she roared.

The person in front of her looks like a mess. Punit-punit ang damit at puno-punong ng kalmot ang mukha nito.

Marahas na napabuntong-hininga si Jeva. "May those scars on your face will remind you how cruel and selfish you are. Hindi ka sana patatahimikin ng konsensya mo." - she cursed. "Isinusumpa ko na hinding-hindi ka patutulugin ng konsensya mo at gabi-gabi kang mumultuhin ng mga kabaliwan mo." - turned her back against the person and walk towards her friend who was sitting on the ground and assists her to stand up, dahil naubusan na rin ng lakas matapos makipag-away sa taong pinagbayad nila sa kasalanan nito sa kanya.

She looked towards the person from her side. "Ano kaya ang masasabi ng mga taong humahanga sayo kapag nalaman nila na baliw pala ang taong sinusuportahan nila?" - ngumisi siya dito.

"Walanghiya ka! Wala kang puso!" - sigaw nito sa kanya.

Humarap siyang muli sa babae. "Talaga ba? Ako nga ba ang walang hiya? O baka tinatawag mo ang sarili mo." - binigyan niya ng nakakainis na ngisi ang taong nasa harapan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. "Baka gusto mong ipaalala ko lahat ng mga kahayupan mo?"

"How dare you?!" - nagngangalaiting sigaw nito.

She laughed devilishly. "Of course, I dare." - inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. "Hindi ba tinangka mong patayin ang asawa ng bestfriend mo? Ay hindi pala, PINATAY MO NA SIYA! PINATAY MO ANG KAIBIGAN KONG WALANG HIYA KA! YOU KILLED SHYLANE!" - umiiyak sa galit si Jeva. "Ngayon, sabihin mo sa akin, sino sa atin ang walang hiya? Sino sa atin ang walang puso? Hindi ba ikaw? Hindi ka tao, demonyo ka!" - sigaw niya rito.

"Hindi ko siya pinatay!"

Malaki ang bawat hakbang ni Jeva papalapit sa tao. She gripped the latter's jaw. "Baka nakalimutan mong kusa itong lumabas sa bibig mo? At lahat ng ebidensya nakaturo sayo. Pinatay mo na nga ang kaibigan ko, papatay ka pa ng isa?" - sabi niya pagkatapos ay marahas na binitawan ang baba nito.

"Hindi ko siya pinatay! Kung pinatay ko siya bakit hanggang ngayon buhay pa siya?!"

Nanlaki ang mga mata ni Jeva sa sinabi nito at naging dahilan para mas lalo siyang nagalit sa taong ito. "Anong pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba?!"

"Hindi ko siya pinatay!"

"Hindi ko siya pinatay!"

"Hindi ko siya pinatay!"

"Hindi ko siya pinatay!"

"Hindi ko siya pinatay!"

Paulit-ulit na sigaw nito. Hinayaan na lang nila na nagsisigaw ito doon na parang baliw. She held her friend's arm and assisted her to walk.

"Mga punyeta! Lumabas kayo diyan at tulungan niyo ako rito!" - sigaw ni Jeva sa iba pa niyang mga kaibigan.

Umaktong parang kinikilabutan ang mga ito matapos na lumabas sa pinagtataguan ng mga ito. "You sound like Kyza. Hindi ka talaga pwedeng sumama sa babaeng yun. Andali mong mahawa sa kanya." - sabi ni Mari habang nililigpit ang camera.

She hissed. "Anyways, nakunan mo ba?" - mabilis namang tumango si Mari. Bumaling si Jeva sa kanyang pinsan. "Ano namang naiambag mo dito?"

"I'm your silent cheerer." - nakangising sabi ni Gwyn.

RENOWN SERIES 1: Doubtlessly Mine ✔Where stories live. Discover now