Chapter 9: Meeting The Ceo's Dad

49K 1.7K 374
                                    

Kenley's PoV:

To say I was shocked was an understatement. Ni minsan, hindi ko maimagine na mamemeet ko uli si Ms. Stranger. Fuck. Idagdag mo pang sya ang magiging boss at owner nitong kumpanya. Para akong naestatwa sa harapan nya kanina.

Jeez. Natampal ko ang aking sarili. Bakit kasi hindi ko sya nakilala? She's on top of the corporate world. Oh shoot, I remember now. Hindi nga pala ako sumama sa mga business gatherings.

Why can't life be normal at once?

Hindi ko alam kung nakikipaglaro ba sa akin ang tadhana o ano eh. I met again the woman in my mind. The woman who keeps on bugging me on my dreams. But I can't deny that she's really something. She's sophisticated, gorgeous, and she has a body that screams perfection. Ramdam mo ang authority sa kanyang boses.

But I kinda find it uhm.. sexy.

Tsk. Parang naman akong pervert. I should stop thinking that way. Kailangan kong magfocus at wag na syang isipin pa. Huwag kang magpapa-distract Kenley.

Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari sa aming dalawa.

I heaved a sigh and composed myself. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa aking trabaho at nagpakabusy. I need to be professional. I need this job and I don't want to waste this opportunity. Ayoko pang bumalik sa bahay hangga't hindi pa nareresolba ang lahat.

_____//_____

Isang buwan na rin ang nakakalipas nang magsimula akong magtrabaho rito sa Jimenez Company. I'm trying my best to avoid her or to not make any interaction with her. So far so good pa naman sya. At sa tingin ko ay ganon rin ang ginagawa ni Miss Blaire.

Kapag may pinepresent akong mga reports sa board of directors ay hindi ko man lang sya tinatapunan ng isang tingin. Baka kasi mamaya, hindi na ako makapagbawi ng tingin. I can't take my eyes off her at hindi ko alam kung bakit.

On the other hand, nakilala ko na rin ang mga co-workers ko at mababait naman sila. Halos nga lahat ay naging kaibigan ko na. Ang friendly ko talagang tao. Mas masarap kasing magtrabaho kapag magaan ang atmosphere sa paligid mo.

Mabuti naman at hindi na muli nangungulit si Dad sa kung anong gusto nyang gawin sa akin. Basta kahit na anong mangyari, I stand with my decision.

Nagsimula na akong ligpitin ang ilan sa mga gamit ko. Lunch time na rin kasi at may usapan kami ni Farrah na magkikita kami. I'll just continue my work later.

"Kenley sabay ka na sa amin." One of my co-workers said. I shooked my head. 

"Sorry guys, hindi ako makakasabay ngayon. May lakad kasi ako eh. Sa susunod na lang ha." Saad ko. They looked sad at maya-maya ay naging okay na rin sila.

"Ikaw ha. Siguro may date ka noh. Dali na, umalis ka na masamang pinag-aantay yun." Pang aasar pa nila. We talked for a little bit bago tuluyang umalis.

Now, sakay na ako ng elevator. Tatlo lang kaming sakay nito. I secretly glanced to the other two. Dalawang lalake sila at mukhang magkasama. They're wearing a suit and shades. Kahit nakashades ay masasabi mong gwapo sila. 

Para silang Men In Black sa totoo lang. Kailanman ay hindi ko pa sila nakita rito sa company so I assume na hindi sila nagtatarabaho rito.

I shrugged and continued with my business. I quickly exited the elevator when it reaches the ground floor. Katulad ko ay naglakad na rin palabas ang mga MIB. Inshort for Men In Black.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan, nakaramdaman ako na parang may sumusunod sa akin. I secretly looked with my surroundings at nakita na nakasunod pa rin ang mga MIB.

I remained calm. Hindi pwedeng magpanic kapag ganito ang sitwasyon. If ever man na may gawin silang masama ay kaya ko namang idefend ang sarili ko. Self-defense kumbaga. Well, inenroll kami dati ni Dad sa ganon for safety purposes.

I felt relieved nang makita kong may paparating na jeep. But to my surprise, may naramdaman akong humawak sa aking balikat. I quickly took a glance to the owner of the hand. One of the MIB.

Shoot. Ako nga talaga ang pakay nila.

"Miss sumama ka samin." B1 said. In short for Boy 1. Dalawa kasi sila diba, para di kayo malito. "Bakit naman po?" I said innocently.

"Secret walang clu--- este basta! Sumama ka na sa amin kung ayaw mong masaktan." B2 said. I decided to play clueless. "Po? Pano po yan eh hindi ko naman kayo kilala. Bakit ako sasama sa inyo?" Tanong ko.

"Ako si Johnny, sya naman si Bravo. Ayan alam mo na ang name namin. Sumama ka na. Gusto kang makausap ng boss namin." B1 said. 

"Eh sino naman pong boss nyo?"

"Secret nga ang kulit! Sumama ka na para malaman mo kung sino." B2 said which I quickly nodded. Napag isip-isip ko kaseng sakyan ang trip nila. I can handle myself naman.

Sumakay kami sa isang sasakyan. Masasabi kong isang mamahaling modelo ito ng sasakyan. Naks. Ang bigatin naman ng boss nila.

The ride was silent at ang kanta lamang mula sa radio ang maririnig sa loob ng sasakyan. Maya-maya pa ay naramdaman kung huminto ang aming sinasakyan. I looked outside at nakitang huminto pala kami sa isang restaurant.

I quickly took a picture of it pati na rin ang dalawang MIB na kasama ko. Isinend ko yun kay Farrah.

To: FARRAHBELLS

Teh, andito ako. Dito na lang tayo magkita. Pengeng back up. Tinangay ako ng dalawang Papa.

"Miss Kenley tara na." B1 said and dragged me inside the restaurant. Tsk. Sasama naman ako eh.

Pagpasok pa lang namin ay mahahalata na talagang highclass itong kainan. Fancy ang theme at magarbo ang loob. 

The two MIB escorted me towards one of the table. Mayroong taong nakaupo roon at masasabi kong lalaki sya kahit na may takip na dyaryo ang kanyang mukha.

"Boss heto na po si Miss Kenley. Mauna na po kami." B2 said at tuluyan na silang umalis, leaving me behind with this man.

"Upo ka hija." The man said. Nagkaroon ako ng maayos na tsyansa upang tignan ang kanyang mukha. Kahit na maedad na sya ay mababakas pa rin ang kanyang kakisigan. I think, kaedad lang sya ni Dad.

I don't know why pero parang pamilyar sya. Hindi ko lang mapoint-out kung sino.

"Uhm.. sige po." I said at awkward na umupo sa kanyang harapan.

May tinawag syang isang waiter. Maya-maya pa, may sinerve sa aming napakaraming pagkain. Yung iba ay kilala ko. More on Italian Cuisine kasi sya.

"Kumain ka muna hija. I know you're already hungry." The man said. Nag-aalangan akong kumain dahil baka mamaya ay may lason o pampatulog na inilagay dito sa pagkain. Mahirap na.

I let him to take a bite first bago ako tumikim. Halos magningning ang aking mata dahil sa sarap. Wow. 

"Thank you po sa food Sir." I said. He just nodded his head as an answer. "Uhm... bakit nyo nga po pala ako gustong makausap?" Tanong ko nang maalala ko. Gusto kong malaman kung bakit ako pinapunta rito.


"Oh yeah, I almost forgot." He said and chuckled. "So I suppose you're Kenley Jewel Cohen right?"

"Yes po. May nagawa po ba akong mali?" I asked. My hands are a little bit fidgeting. As far as I remember, wala pa naman akong nagagawan ng atraso.

"Yes, if ever you don't take responsibility for what you've done." Seryoso nyang saad. Nakaramdam ako bigla ng kaba. "Okay, I'll introduce myself first. I'm Tyler Jimenez. Does it ring a bell?" Gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

Napaayos ako bigla ng upo. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Fuck. So it means, ang kaharap ko ngayon ay ang Daddy ni Miss Blaire? 

I'm doomed and that's for sure.

_____//_____

Edited.

The CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon