Chapter 13: Jealous?

51.2K 1.6K 172
                                    

Kenley's PoV:

After naming mag lunch, dumiretso na agad ako ng uwi. Chos. Joke lang syempre.

Of course, I went straight back to my work. Gumawa na lang ako ng kapani-paniwalang excuse kaya na late ako. Buti na lang talaga at hindi nagtaka yung head manager.

The Jimenez offered me a ride. I mean si Sir Tyler lang pala. But I refused. Hindi naman makapal yung mukha ko atsaka, nahihiya pa rin kasi ako sa kanila.

I'm working pero parang lumilipad yung isipan ko sa napag-usapan namin kanina. Fuck. Hindi talaga agad na-absorb ng utak ko yung mga bagay-bagay. Parang ang bilis, grabe. Hindi ko man lang napansin. Sa isang iglap lang, nagbago bigla lahat ang sitwasyon namin.

Ang isa pang gumugulo sa isipan ko ay kung paano ko sasabihin ang nangyari sa family ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nila. It's either bad or good. Because I can impregnant someone, titigil na siguro si Dad sa gustong nyang pagpapakasal sa akin.

I heaved a sigh. I hope na tama ang naiisip ko. Atsaka apo na rin naman nya yun diba?

Pero alam kong matalino si Dad. Baka iniisip nya na plinano ko ang lahat including ang pambubuntis sa iba. He knows na ayaw ko talaga sa gusto nya. Idagdag mo pang hindi ko pa talaga masyadong kilala si Blaire.

Speaking of Blaire, hindi ko maimagine kung anong magiging lagay namin sa mansion nila kapag lumabas na yung bata. Will she treats the child as her own or not? Ang hirap nyang basahin sa totoo lang. Hindi mo alam kung galit ba sya o natutuwa.

On the other hand, I'm happy dahil may matatawag na akong sarili kong pamilya. Gosh. Talagang babae talaga ang nakalaan sa akin dahil na rin sa extra package ko.

I gotta admit that Blaire is one of a heck gorgeous women. Hindi mo mahahalatang nasa 30s na sya. Kaya maybe, marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Para ngang nasa kanya na ang lahat eh. Money, Power, Beauty, Intelligence, Reputation, at marami pang iba.

I hope I won't catch any feelings to her. Mahirap na. Alam ko namang talo na agad ako kapag nagkataon. Lalo na't hindi pa nga kami nagkakasama ay parang may nararamdaman na akong something. I'm new to this but I'm not dumb. Alam ko ang ibig sabihin non base na rin sa sinasabi sa akin ni Farrah.

Napailing na lang ako sa kawalan. I should not think of those things. Instead, I must hurry up so that I can finish my work. Para na rin makauwi ng maaga. Nami-miss ko na yung bed ko huhuhu.

_____//_____

"Yasss finally! Tapos na rin ang office hours." Turan ni Timothy, one of my workmates at nag inat-inat pa. Natawa naman ako bigla. Nawala kasi bigla ang poise nya.

"Babaeng-babae ah." Asar ko sa kanya. Well, he's a closeted gay. Nagulat nga sya nung nalaman ko agad eh. I don't know why pero para kasing nasesense ko sya.

"Che!" Eksklamaha nya. We both giggled.

Mabilis na lumipas ang oras nang hindi ko namalayan. Siguro ay dahil marami akong ginagawa na hindi ko napansin na uwian na pala. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Katulad nga ng sinabi ko sa inyo kanina, I badly want my bed. Baka kasi mamaya, panaginip lang lahat to.

We started to chitchat for a while. Nahinto lang ito nang may tumikhim sa likuran namin.

"Excuse me but tapos na ang office hours. Pwede na kayong umalis." Sabat ng kung sino. Sabay kaming napalingon ni Timothy sa nagsalita. It was Miss Blaire.

Nagulat kaming pareho ni Timothy but I remained calm. As long as wala naman kaming ginagawang masama ay hindi namin kailangang matakot sa kanya.

Nakataas ang kilay ni Miss Blaire na animo'y hindi natutuwa sa kanyang nasasaksihan. Pero hindi yun nakaapekto sa ganda nya.

Huhuhu.... Bakit naman ganon? Ang unfair talaga ng life kahit kelan.

"We're sorry Miss Blaire." Nakayukong saad namin ni Timothy. Umatras pa kami ng kaunti para bigyan sya nang paggalang.

We received a hissed from her. "Of course, you guys must be sorry. This is a workplace and I'm not tolerating any kind of flirting activities here! Kung gusto nyong maglandian, huwag dito. Instead, pumunta kayo sa pinakamalapit na motel." Masungit nitong saad sa amin. Parehas kaming naguguluhan ni Timothy sa aming narinig.

Huh? Ano raw? Landian? Motel? Anong connect? Atsaka, we're not flirting kaya.

Nanatili kaming nakatungo hanggang sa maglakad na sya papalayo sa amin.

"Tss. What a flirt!" Narinig kong saad ni Blaire nang tumapat sya sa akin. O baka mamaya ay namali lang ako ng rinig. Aish. Hindi ko talaga sya maintindihan minsan.

Maya-maya ay naiproseso na ng utak koang lahat. Finally I get it! I guess namisinterpret nya kami ni Timothy. Hello! Hindi naman kami naglalandian eh. Nag-aasaran lang naman. Tsk. Napaka advance mag-isip eh. Just the thought of me and Timothy fucking sents shivers to me.

"Grabe teh! Kinabahan ako ron bigla. Akala ko tatanggalan na tayo ng trabaho!" Asik ni Timothy nang makabawi sya.

"Pano yung kinabahan? Tingin nga?" I said. He rolled his eyes. "Argh! Kaasar ka talaga kahit kelan." Nakasimangot nitong saad. I chuckled because of that.

"Speaking of, may ideya na ako kung bakit biglang dumating si Miss Blaire out of nowhere." Panimula nya. Wow. Ang galing naman. Nagka ideya sya agad.

"Ano naman yun?" Curious kong tanong.

"Hmm... Just by the looks on her eyes, I can say na nagseselos sya!" Excited nitong saad. Napamaang naman ako bigla.

Huh? Ano raw? Selos? Si Miss Blaire magseselos? Edi wow.

"Luh. Ang feeler mo naman!" I said.

"Pero seryoso teh! Kitang-kita ko talaga. I swear." He said at itinaas pa ang kanyang kanang kamay. "Oh well, mukha atang nagseselos sya sayo. Mukha atang tinamaan ng charms ko eh hihihi..." He added.

Wala sa sariling nabatukan ko sya bigla.

"Gaga. Libreng mangarap." I said. He was about to say something nang may bigla na namang dumating.

"Hindi ba't sinabi kong umalis na kayo?" May himig nang pagkairitang saad ni Miss Blaire. Konti na lang talaga at maniniwala na akong may lahi syang kabuti. Laging lumilitaw kung saan-saan eh.

We nodded as an answer. We can't utter any single word.

"Tsk. Dumbass!" She murmured and I startled nang simulan nya akong hilahin. Wala na akong nagawa pa kung hindi magpaubaya sa kanya.

I glanced at Timothy and gave him an apologetic look. Tinignan ko ang ekspresyon ni Miss Blaire at nakitang nakasimangot sya. Nadako ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa aking pulsuhan.

I can't explain it but it sends a tingling sensation to me. Fuck. Delikado to.

I decided na magtanong. "Miss saan po tayo pupunta?" I didn't received any answer from her.

"What was that?" She asked nang huminto kami. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Eh? Anong tinutukoy nya?

"Sa susunod, kung manghaharot ka ng iba, siguraduhin mong hindi ko nakikita!" Nanggigil nitong saad sa akin. I was just staring at her deep-shallow eyes. Makikita ang galit sa kanyang mata. Parang nakakahipnotismo.

"Tsk such an idiot. Binabawi ko na ang sinabi ko sa inyo ng lalaki mo. Umuwi ka na. Shoo!" Dagdag pa nya bago ako tuluyang binitawan. Napailing na lang ako sa kawalan nang magsimula na syang maglakad papaalis.

Tignan mo itong babaeng to, paiba-iba talaga ng mood. Hmp.

I guess, she's right. Kailangan ko na ngang umuwi. Siguradong bobombahin na naman ako ng napakaraming tanong ng bestfriend ko.

_____//_____

Edited.

The CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon