Chapter 10: Wait... What?

49.1K 1.8K 261
                                    

Blaire's PoV:

Pagkatapos kong sabihin that night sa parents ko ang aking sitwasyon, Dad wants Kenley to be responsible. Pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Aish. Hindi naman na kailangang umabot pa sa ganon.

'Baka mamaya maisip ni Dad na ipakasal kami sa isa't-isa.' Sabat ng utak ko.

I can't help but to slapped myself by thinking that thought. Err... wait what I mean is, I clearly disagree if ever man na yun ang plano ni Dad. 

Unang-una ay hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Mahirap iwork ang marriage kapag ganon ang sitwasyon.

Pangalawa, hindi naman pwede ang kasal ng dalawang babae sa bansa natin.

And pangatlo, I'm kinda afraid kung anong sasabihin ng iba.

It's hard to admit pero I'm starting to like Kenley.

Jeez. This is not my thing! Hindi ko kailanman naimagine ang sarili ko na maattract sa kapwa ko babae. I know naman na meron syang extra package but she's still a girl for me.

I heaved a sigh. Nakakailang buntong-hininga na kaya ako? Hanggang ngayon ay shocked pa rin ako sa lahat ng nangyari. I shrugged my negative thoughts away. Hindi ko na dapat yun iniisip pa. Alam kong makakasama ito sa batang dinadala ko. Gusto ko syang lumabas na healthy.

Naputol ang aking pag-iisip when someone barged into my office. At obviously, si Ash uli yun. Sya lang naman ang may lakas ng loob na guluhin ako rito eh.

"Hey Cous, come on. Tara, punta tayo ron sa sinasabi ni Red na restaurant. Itry natin." She said energetically.

"Okay, let's go." Walang pag-aalinlangan kong sagot. It's weird pero parang nakakaramdam ako ng kakaibang gutom these past few days. That is not so me. I think kapag normal days lang ay nakakaisa or dalawang kain lang ako. At more on healthy foods pa.

"Wait, nagseserve ba sila ng ice cream?" I asked. She nodded at natuwa naman ako.

I guess nagiistart na ang cravings ko. Tsk. Baby, sana naman hindi mo pahirapan si Mommy para bati tayo palagi. I'm sorry kung wala akong alam sa parenting.

My mind started to travel on its own. Ano ng mangyayari kapag tapos na akong manganak? Do I still have my own lifestyle? Do I still continue being The CEO of this company o mag-iistay na lang ako sa bahay?

I quickly shooked my head. Ni hindi nga ako mapirmi kapag nasa bahay lang namin. I always want to be a productive person. Mahalaga ang oras at pera sa akin.

Itinabi ko muna ang mga papeles na nakakalat sa aking desk bago tuluyang tumayo. I walked beside Ash and now, we're heading to the parking lot. Hindi ko na ginamit pa ang kotse ko dahil wala ako sa mood na magmaneho.

Ash turned on the engine and started to make her way to the restaurant.

Masasabi kong malapit lang naman ang destination namin dahil maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang aming sinasakyan.

Pagkababang-pagkababa pa lang namin, ramdam na ramdam ko na agad ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. I guess, they know who we are.

I mean who wouldn't right? Ganyan talaga kapag famous.

We walked inside at nagsimulang maghanap ng mauupuan. Hmm... Masasabi kong maganda ang interior design nitong restaurant na ito. Italian ang motif.

"Wait, is that Tito Tyler?" Tanong ni Ash habang nakaturo sa isang direksyon. Agad kong sinundan ang kanyang daliri at hindi ko maiwasang magulat. Si Dad nga yun! I wonder kung anong ginagawa nya rito?

The CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon