Chapter 18: Something New

48.8K 1.7K 492
                                    

Kenley's PoV:

'Oh shit.' I mentally cursed nang makitang naglalakad si Miss Blaire sa department namin.

Fudge. Anong meron? Anong kailangan nya? Anong gagawin nya sa department namin? I don't want to assume things na ako ang ipinunta nya rito pero hindi naman kasi binibisita ni Miss Blaire ang kanyang mga empleyado. She'll just stay in her office kapag walang mga meeting with her partners and business.

I mean, chinecheck nya naman kami pero every month lang at kakatapos lang ng 14. I don't have any idea kung anong ginagawa nya ngayon dito.

I noticed na she looks pale. Kinakain nya ba yung mga dinadala kong foods? O baka naman may nae-experience syang problema ngayon. Hindi ko maiwasang mag-alala. I have the rights naman diba? She's the mother of my child and I must take care of her too.

'Paano? Eh ayaw nga nya sayo. Atsaka, hindi ba't sinabi ni Blaire na she's a strong independent woman na hindi kailangan ng alalay?' Sabat ng mahadera kong utak.

Anyways, if you'll look at Blaire, hindi mo masasabing buntis sya. Hindi pa kasi lumilitaw ang umbok ng kanyang tiyan. Baby bump kumbaga sabi ng doctor. She still has a sexy figurine. I think nasa 2 months pa lang ang batang nasa sinapupunan nya. 

Atsaka napapansin ko na these past few days ay gumaganda sya sa paningin ko. I mean, she's already beautiful pero mas nadagdagan. Parang blooming.

I guess, kailangan ko na talagang magpatingin sa espesyalista.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang makita kong babagsak si Miss Blaire. I didn't think twice at agad na tumakbo papalapit para saluhin sya. I held her with so much carefulness.

Ayokong may mangyaring masama sa mag-ina ko.

Hindi ko na inisip pa ang sasabihin ng mga nakakita ng pangyayari. Madali lang naman yung lusutan. Tamang gawa lang ng kapani-paniwalang excuse. Alam kong nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga naririto. But for now, wala akong pake sa kanila.

"Miss Blaire. Miss Blaire." I said while gently patting the face of Miss Blaire to check kung meron pa syang malay. But to my dismay ay wala.

Agad akong kinabahan. Fuck. Anong nangyayari?

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. I quickly checked her pulse. Mabuti na lamang at normal pa rin ang tibok ng puso nya.

I composed myself para marelax ang aking sarili. Walang mangyayari kung maghihysterical ako at magpapanic.

'Bakit nahimatay si Miss Blaire?'

'Hmm... There's something fishy.'

'Wait, magkakilala si Miss Blaire at Kenley?'

'Omg. Anong meron sa kanila?'

Marami pa akong narinig na sabi-sabi pero hindi ko na lang sila pinansin. Bahala na. Agad kong binuhat nang pangbagong-kasal si Blaire. Kumakabog sa kaba ang dibdib ko.

I was carrying her nang makasalubong ko ang kanyang pinsan. Nakita kong nanlaki bigla ang mga mata nya.

"Fuck. What happened to Blaire?" Naghihysterical na tanong ni Miss Ash.

"She passed out. Anong gagawin natin?" Sagot ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nangyari. "Damn. Come on! Dalhin natin sya sa pinakamalapit na hospital!" Aligagang saad ni Miss Ash.

I quickly agreed and followed her. Nakita ko kung paano gumilid ang mga taong nakakasalubong namin. Katulad ng mga nauna, they looked surprised nang makita kung sino ang dala-dala ko but they didn't utter any words.

The CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon