Simula

473 8 0
                                    




"Kara, you eat first huh. Hayaan mo na ung mga staff mo ang mag-ayos diyan." It's Mariel my friend. Today is her daughter's first birthday.

Another children's birthday party! Ano pa nga ba, guest na naman ako sa isa sa mga kaibigan ko dahil sa mga special candies na gustong-gusto ng mga bata. Bite size, bubble gums, candy canes, candy bars, brittle candies name it, I owned a candy shop at nagke-cater lang ako for candy or sweet corners kapag kaibigan ko or kapamilya ko ang nagrequest. Hirap kaya no!

I love sweets kaya pagkatapos ko sa kolehiyo  ay hiniling ko na sa mga magulang ko na pahiramin ako ng pera para magkaroon ng sarili kong negosyo. Labag man sa loob ni Daddy noong una kasi kaya niya pinakuha sa akin ang kurso ko na may kinalaman  sa bussiness ay para sana sa aming munting manpower agency pero dahil talagang buo ang pasya ko para magkaroon ng sariling negosyo, sa kalaunan ay pinayagan na rin niya ako.

Limang taon na ang aking candy shop at meron na akong 3 branches sa loob ng mga kilalang malls, kaya masasabi ko naman na kahit papaano e hindi ko naman nasayang ang puhanan at tiwala na binigay ng pamilya ko.

Kinukuhanan ko ng pictures ang set up na ginawa ng mga staffs ko ng tawagin ulit ako ni Mariel.
"Hoy Kara, ano? Halika na muna, kain tayo. Hayaan mo na sila diyan." Yakag niya sa akin. Tumango ako at sumunod sa kanya sa lamesang puno ng mga college friends ko.

"Oh, the sweetest candy is here. Dito ka sa tabi ko girl." It's Ashley. Lumapit ako sa upuang itinuturo niya at pasimpleng kinurot ang pisngi ng baby na kalong-kalong niya. Of course it's her baby. Umiyak naman ng malakas kaya pinanlakihan ako ng mata ni Ash.

"Sorry Ash, he's so cute. Pahiram nga ako." I said. Inilayo naman niya sa akin ang bata at ibinigay sa daddy nito. Ang damot. Kikiss lang naman e!

"Hay nako, Kara. Wag ka na ngang mamihasa kakahiram lang. Hindi ka ba naiinggit sa amin? Look oh, lahat kami may bitbit na." Nagtawanan lahat sila dahil sa sinabi ni Jona. Kaibigan ko na may anak na lima! Sus, hindi lang bitbit sa'yo, may kilik na may bitbit pa at may akay pa! Malanding to. Wag ako. Duh.

"Wag nyo ng pilitan yan. Kapag nagkaanak at asawa yan wala na tayong mauutangan ng candy corner pag nag birthday ang mga anak natin." Singit naman ni Ashley na lalong nagpatawa sa kanilang lahat.

Mga OA! Anong nakakatawa don? Mga engot na to, paano ako magkakaanak e wala naman akong boyfriend? Tsk.

Ako ang topic nila habang kumakain. Nakakairita talaga. Ipinapamukha sa akin na matanda na daw ako ayaw ko pang mag asawa. Nilumumot na daw ang pusa ko. Baka daw hindi na magustuhan at napapanis na. Huh? Pusa ko? Tapos napapanis? Ano yun? Ano bang sinasabi nila? Asar! Matanda na ba ang 27? Akala ba nila hindi ko naisip na magkaanak? Gustong-gusto ko kaya ng baby!

Naging malapit na ako sa mga bata because of my pamangkin at simula na rin ng magkaroon ako ng candy shop kasi majority talaga sa customers ko ay mga bata. Lalo na sa main branch ko na nasa Laguna, hindi lang ito basta candy shop, mayroon din itong play pen na pwedeng pag iwanan sa mga bata habang namimili ang mga nanay nila, doon ako laging nagsstay kaya sa pag-aalaga at pang-uuto ng naiyak na bata expert na ko jan mga idol.

Natapos ang birthday party at pauwe na ako pero wala pa rin ako sa mood. Naisip ko na naman ang mga napag-usapan nila kanina tungkol sa akin. Pag hindi pa raw ako nagkaanak habang maaga pa, baka mahirapan na daw akong magbuntis kapag umabot pa ang edad ko sa 30. Tsaka baka magsara na daw ang lagusan. Lagusan naman ngayon kanina pusa? Taenang mga to, what a term?

Aba e anong gusto nilang gawin ko? Tumihaya sa gitna ng kalsada at maghintay sa isang ari na aksidenteng mababangga yung ano ko tapos buntisin ako?
Geeez. Nakakakilabot naman ang iniisip ko.

Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa love love na yan. Kung iniisip nyo na nabroken hearted na ako kaya bitter ako, aba e hindi pa naman. Sa ganda kong to? No way.
May mga nanligaw naman sa akin, pero hindi ko talaga alam kung bakit wala man lang akong nakilala na nakapukaw ng interes ko.

Siguro dahil na rin sa nalilibang ako sa trabaho ko kaya wala na rin akong time? Ewan ko din. Ahh, baka gawa ng past experience ng ate ko sa love kaya feeling ko pati sa akin mangyayari din? Ayy baka nga?

Ganito kasi yun, si Ate nainlove sa let's say walang wala sa buhay. At dahil nakakaluwag-luwag naman kami, pinag-aral ni ate si guy, hanggang sa nabuntis si ate tapos nagtanan sila, at ng wala ng maibigay si ate don sa guy, ayon iniwan na siya. Yung hinayupak na lalake, nawala na parang bula. Iniwanan na nga si ate at yung pamangkin ko, lahat pa ng savings ni ate dinala! Hinintay lang pala na makagraduate bago nagdissappear ang gago. Ang ending, umuwi sa bahay si ate na may dala-dalang trophy, si Karrie.

I was 2nd year college that time. Kaya parang simula non, lahat ng magkagusto sakin feeling ko, they will do the same. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ganon pero wala e, ayon ang natatandaan ko. Kung may naiiba man sa kanila, sana dumating na siya at baka sakaling magbago ang isip ko when it comes to that fucking thing called love.

Pero kung hindi man siya dumating, sana may isang lalaki na magprisinta na lang na anakan ako. Desperado ka ghorl.

Makapagpost na lang kaya online? Tutal naman ganon na rin ang tingin ko sa mga lalaki e mga manggagamit, why not prove it?

Hahahaha wanted baby maker with good pleasing personality. Lol

Hala ka. No. Wake up Kara. Tumigil ka. Patience is a virtue.

(Maghintay ka pa. Baka nasa next chapter na. LOL 😂)

Bayaran.Where stories live. Discover now