Confirmed.

167 5 0
                                    


Parang kahapon lang nangyare ang lahat pero that was almost two months ago. Excited akong malaman kung nagbunga nga ba ang kahihangan ko. Lately, may mga sintomas na akong nararanasan pero ayoko lang maging advance magisip kasi mahirap ng umasa.

After that day, umuwi muna ako sa sarili kong bahay sa batangas para makaiwas. Nagbilin na rin ako sa mga staff ko sa branch ko sa Laguna na if ever na may maghanap na lalaki sa akin e wala silang alam at wala silang sasabihin. Anyway, natatandaan naman daw ni Gela at Cristel ang mukha ni JC kaya alam naman daw nila ang gagawin. Ang kaso e, halos dalawang buwan na ang nakakalipas pero wala naman silang nababanggit na lalaking nagagawi doon!

Sabagay, paano niya ako hahanapin e hindi naman niya alam ang totoong pangalan ko. Haysss kainis as if naman na hahanapin niya nga ako e ano? I'm sure sa dami ng babae niya baka hindi na niya ako maalala?

Sa naiisip ko pa lang, naiirita na ako. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas pero bakit hindi ko talaga siya makalimutan? Oh, no, I know its not that fucking love. Asaa

Papunta ako ngayon sa hospital para magpalaboratory ng ihi ko. Ayoko ng basta pt, iba na yung sigurado.

Kinakabahan ako. Almost 1 hour ako naghintay ng resulta pero worth it! I am pregnant! Thank you Lord. Oh, I mean thanks Juan sharp shooter ka!

Nagpacheck up na rin ako at bumili ng ilang mga vitamins para sa amin. Sobra-sobra ang saya ko! Imagine nanay na ako.
Walang kahirap-hirap na nakakuha ako ng sperm! Nakakatuwa. Sabagay, ginamit niya rin naman ako that time and napakinabangan. Tsaka siguro naman kahit papaano nag enjoy siya kahit wala akong kaalam-alam. Aba ang swerte na kaya niya no!

Now, my problem is kung paano ko sasabihin kina mommy na buntis ako? Naku, baka mapalo pa niya ako kahit matanda na ako kapag nalaman niya na nagpagamit akonsa hindi ko pa naman kilala!

I need your help ate! Umuwi muna ako sa bahay at tsaka tinawagan si ate para puntahan ako. Mahirap kasi kung sa cellphone ko lang sasabihin. Mabibingi lang ako kasi matik sisigaw yun!

Napaidlip ako sa sofa habang hinihintay siya. Hapon na nung nakarating siya. Nagising ako dahil sigaw na siya pagtawag ng pangalan ko akala mo naman walang susi!

"Ate I'm here." Itinaas ko ang paa ko lara makita niya. Nakatalikod kasi sa may pinto ang pwesto nitong sofa na hinihigaan konkaya hindi agad kita. Ayokong tumayo, inaantok pa rin ako.

"Aba e baka gusto mong tumayo na jan. Hapon na nakahilata ka pa. Baka wala ka ng maitulog mamaya." Lunapit siya sa akin at niyapos ako. "Namiss kita bunso." Sus makabunso naman to akala mo naman e baby pa ako e magkakababy na nga!

"Miss you too. Nasaan si Karrie? Dito ka ba tutulog?" Tanong ko. Napansin ko kasi na medyo malaki ang bag na dala niya.

"Oo dito na para direcho na ako pagpasok bukas. Sabay na tayo. Si Karrie iniwan ko muna kay Kuya. Hindi na yun nagsasa-sama kasi dalagahin na. 12 years old na yun ano ka ba!" Ang kuya na tinutukoy niya e yung nakakatanda naming kapatid. Doktor si kuya Micheal pati ang asawa nito pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Isa pa yun sa dahilan kaya nagmadali na akong mabuntis, 35 na sila kuya at ate at mukhang hirap na nga silang magkaanak!

"Ano bang problema na sinasabi mo huh bunso?" Tanong ni ate. Nga pala siya si ate Mary Denise Alcantara. Mula ng nabigo ito sa first love niya,  di na mula itong nagtangkang magmahal. Kaya hindi imposible na ganon din ako! As if naman na love ko yon duh.

"I'm pregnant ate." I seriously stated. But she laugh instead. Sabi ko na nga ba e. Hindi talaga ti maniniwala agad. Buti na lang nagpatest ako kanina!

"Here. It is clearly stated there that I am pregnant. Really." Kinuha niya sa akin ang lab results na hawak ko at nanlaki ang mata.

"Lintik ka Kara Ailan! Nasaan ang boyfriend mo? Bakit ni hindi mo man lang ipinakilala samin? Kahit sa akin man lang!" Kinurot ako ni ate sa tagiliran. Ano ba yan, anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo?

Wala na akong nagawa. Kinuwento ko sa kanya ang totokng nangyare at lalo niya akong pinagkukurot sa tagiliran.

"Aray ko naman ate nasasaktan na ako." Reklamo ko.

"Talagang masasaktan ka. Napakatanga mo! Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yun? Sinabi ko naman sayo di ba, hindi naman lahat ng lalaki e katulad ng hayop na Edmond na yon. Talagang tumulad ka pa sa akin!" It's too late ate.

"Naku, bahala kang magsabi kina mama asa ka pang sasamahan kita baka naman sabihin kinunsinti pa kita jan sa katangahan mo." Hindi mo ako matitiis Im sure.

"Okay lang. Ako na nga lang siguro. Sana all na lang dinadamayan kapag may problema. Sana samahan ako nung ibang mga sinamahan ko nung sila ang may problema." Yes. Pinapatamaan ko siya.

"Bwsit ka pinapatamaan mo ko no?" Nakasimangot siya ngayon. Tumayo siya at nagdirecho sa kusina. Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Mukhang magluluto na siya. Lol di mo ko matitiis ateeee

"Buntis na palaka anong gusto mong kainin?" Tanong niya after 5 minutes din siguro.

"Kahit ano ate, di naman ako maselan e. Feeling ko wala namang nagbago pagdating sa taste bud ko." Oo totoo yun. Naging antukin lang ako at mabilis mapagod tsaka naging sumpungin, don ko lang naramdaman na parang buntis nga ako, plus the fact na I am claiming it!

"Okay sige. Take a nap ulit." Sabi niya bago ako tinalikuran. Ahh, sarap sa feeling ng may taga luto, lolokohin ko pala siya mamaya na kukunin ko muna siyang katulong dito, for sure mapipikon na naman yun! Lol.

Kumakain kami ng maisipan niya na buksan ulit ang topic namin kanina. This time mukhang di na siya iritable.

"Hindi ako papasok bukas, uwi tayo sa laguna. Sabihin mo kina mama na buntis ka pero hanggang doon lang. wag mo ng sabihin yung iba." From the look on her face alam ko na di ako mananalo kung sasagot ako. Hinayaan ko na lang siyang magsalita.

"Wala kang ibang sasabihin naiintindihan mo? Matanda ka na naman, hindi mo na siguro maririnig yung iba kong narinig na salita sa kanila noon kasi ako bata pa that time, basta wag mo na lang sabihin na hindi mo kilala yung ama nan okay? Malay mo magkita pa kayo non at panagutan ka, e di hindi ka na mahihirapang ipaliwanag ulit sa kanila." Then she smiled after saying that.

I love the idea of that but is that even possible?

Bayaran.Where stories live. Discover now