Gave in.

130 5 0
                                    



Sa loob ng mall ay balisa ako. Pinagiisipan ko ang mga alok na sinasabi niya. Try lang naman di ba? Susugal ba ako? Hindi ko na inabala ang sariling tawagan si ate kasi alam ko na ang magiging sagot niya. Isugal mo na yan. At least sa huli, magsisi ka man at least nasubukan mo.

Should I take the risk? Risk na nga yung pagkakaroon namin ng one night stand e! Ilang risk pa ba?

Si JC ang namili ng damit at siya na rin ang nagbayad. Alam niya na wala ako sa mood. Pinagmasdan ko siya. May pag asa nga kaya kami? Baka saktan niya lang ako.

"Baby, naghanda naman daw ng pagkain si mommy sa bahay, pero kung gusto mo ng chicken skin, take out na lang tayo?" Tumango ako. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa noo.

"Sorry, promise, gagawin ko ang lahat para mapatunayan sayo na nagbago na ako para sayo." Nakakunot ang noo niya pero nginingitian ako. Ngumiti naman ako. Ang sarap sa pakiramdam marinig. Sana mawala na ang takot ko.

Pag dating sa mansyon nila e sa kwarto niya kami pinatuloy ng mommy niya. Tutal nga naman at buntis na ako! Tsaka fiance na din naman daw.

"Don't worry wala akong gagawin sayo. Sa sofa ako matutulog." He rest assured that. Tinitigan ko lang siya. Ang bait naman?

"Hmm, nga pala gusto kang makilala nila mommy." Nakasimangot ako ng sinabi ko.

"Yes baby. Sasama rin daw sila mommy." Naghuhubad siya ng polo niya at nagpalit ng puting tshirt. Ugh! White tshirt na naman. Naalala ko tuloy nong..nevermind.

Nagising ako na uhaw na uhaw. Tiningnan ko ang wristwatch ko and it's 1am.

Sinulyapan ko si JC na nakahiga sa sofa. Nakakaawa naman. Baluktot na siya sa pwesto. Ang tangkad niya para sa sofa nito. Lumapit ako sa kanya at ginising ko. Natatakot rin kasi akong bumaba para maghanap ng gatas. Wala kasi sa mini ref niya dito e.

Ang sarap titigan ng mukha niya. Lalo siyang nagmukhang maamo kapag tulog. Hinipo ko ang mukha niya kasi hindi pa rin siya nagigising sa yugyog ko. Hinuli niya ang kamay ko at ngumiti siya! Aba aba gising na pala?

"Hmm baby, bakit?" Napapadalas pagbebaby niya ahh! Nakakainis kinikilig ako.

"Nauuhaw ako. Parang gusto ko ng gatas." Napabalikwas naman siya at dali-daling tumayo.

"Wait, I'll get you some." Tinalikuran na niya ako.

Ilang minuto lang nakabalik na siya. Ininom ko naman agad ang gatas. Tinanong niya ako kung may gusto pa ba ako. Umiling ako kaya naghanda na ulit siya para humiga sa sofa. Naginat naman muna siya kaya lalo akong nakonsensya. Baka masakit na ang katawan kawawa naman.

"Hmm, dito ka na matulog sa tabi ko." Pagkasabi non e nahiga na ako at nagtalukbong ng kumot. Bahala siya kung anong iisipin niya. Basta naaawa lang naman ako.

"Ohhh, my baby wants me beside her huh?" Pagpaparinig niya. Naramdaman ko na humiga na siya sa tabi ko. Kahit nakatalikod e amoy na amoy ko ang bango niya. Grrr ang sarap kagatin.

"Pwedeng payakap?" Bulong niya. Kunyare wala akong narinig. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi nagtagal e nakatulog na ulit ako.

Pagkagising e masama na naman ang pakiramdam ko. Papalipasin ko lang to ng ilang oras at okay na ulit ako. Hindi ako maselan sa pagkain at amoy pero ito lang ang problema ko habang nadaan ang araw. Normal na sa akin ang magsuka tuwing umaga!

Nakahawak ako sa sentido ng magbukas ang pintuan. Lumapit agad siya sa akin ng makita ang itsura ko.

"Okay ka lang? Gusto mo wag ka na munang umuwe? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod na sunod ang tanong niya.

"No, I'm okay. Ganito lang talaga ako twing umaga." Sabi ko. Pagkasabi non e tatakbo na ako sa banyo niya! Sumunod naman siya at hinilot ang likod ko. Naksss sana all. Sarap sa pakiramdam.

Pagkalipas ng sama ng pakiramdam ko e naligo na ako, hindi pupwedeng hindi kami tutuloy.

"Napagisipan mo na ba yung sinabi ko sayo kagabi?" Tanong niya.

"Yeah. Kaso may ipagtatapat ako sayo." Totoo, napagisip-isip ko na rin naman. Sasabihin ko sa kanya lahat ng takot ko. This time susugal na ako.

"Sorry kung hindi man ako magiging perpektong partner sayo. Buong buhay ko halos, isinumpa ko ang love love na yan dahil sa karanasan ni ate," ikinuwento ko sa kanya ang history ni ate bago nagpatuloy.
"-kaya alam mo naman siguro na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Wala man lang akong karanasan hindi katulad mo na kabaligtaran." Mahabang paliwanag ko.

"Baby, wag kang matakot. Itatak mo sa isip mo na hindi ikaw ang ate mo. At lalong hindi ako yung gagong lalaki na yun. We are all different. I dont believe in love too but I am ready to gave in if it's you. Pareho tayo, kailangan nating sumugal para malaman. At kung may mangyare man, malalampasan natin basta tayo lang ang nagkakaunawaan." He kissed my hand after saying that.

Am I ready to give in? Yes. Sometimes in life, we always have to take the chance as long as its here and regret once it is gone. You may failed, but at least you've tried.

"Okay. I'll give us a chance. Its for myself and of course for our baby." He then hugged me tight and kissed me again in the forehead.

We talked some other things, we just heard Aria's voice saying that we are about to go kaya bumaba na kami.

Masaya ako ng magkahawak kamay kaming bumaba ng hagdan.

Kahit di mo sabihin, I already gave in. Handa na akong magmahal JC. Come what may.

Bayaran.Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu