The Juan

256 4 1
                                    



What a day. Tag-ulan na naman. Nakahalumbaba ako sa counter ng shop ko. Nakakalungkot lang kasi wala masyadong customer, palibhasa maulan, wala masyadong bata na namamasyal ngayon.

Alas onse na ng magkaroon kami ng isang bata na ihahabilin sa play pen. Seriously ihahabilin? E malaki naman na yung bata e parang nasa 10 years old na. Yaan na nga wala namang customer na iba e.
Just the usual, my staff let them in para mag inquire, wala ako sa mood na ako ang humarap kaya hinayaan ko na yung staff ko ang mag interview.

"Ge lang ikaw na tinatamad ako." Sumubsob ulit ako sa desk at pinakinggan na lang ang pag-uusap ng staff ko at nung tatay ng bata.

"Hello, good am, you are?" Tanong ni Gela.

"Hi I'm Luke, and he is my daddy." malamng yung bata yung nagsalita.

"Iiwan mo po siya sir? Ilang taon na po?" its Gela.

"11. Pwede ba?" Wow. Ang sexy naman ng boses pang sexy star. Halaaa?

"Naku sir, bawal na po, nakasulat po sa labas ang mga rules ng play pen na hanggang 7 years old lang po." Taranta na ang ate girl Gela mo. Baka pogi? Sisilipin ko sana kaso wala talaga ako sa mood. Bahala siya jan.

"Please? Just this one. Paano ako magkakaanak nan kung kabuntot ko yan?" Huh? Anong connect?

"Ano po?" Gela asked. Lol. Nambababae ata yung tatay nung bata kaya bawal isama yung anak? Ays pake ko ba?

"Naghahanap pa ako ng girlfriend. Wala na akong time. Pero hindi ako makakahanap kung kasama ko yan. Palaging sinasabi sa pinopormahan ko na anak ko siya. Magbabayad ako kahit doble maiwan ko lang yan kahit saglit. Nakakairita." Aboridong sagot nung lalaki.

"Naku sir, sa bayaran na lang kayo magsabi." Gela's final answer. Mukhang ako na ang makikipag-usap. Kainis naman pwede naman niyang paalisin na lang e. Tinatamad talaga ako!

"Bayaran? Talaga? Oo nga ano bakit di ko kagad naisip?" The man asked.

"Opo. Sa bayaran kayo magsabi para mabilis. Para wala na po kayong problema. Teka tatawagin ko." Hay nako, sabi ko na nga ba e. Anong magagawa ng kahera ko jan? Malamang ang ending ako pa rin makikipag usap jan.
Kaya mas mabuti pa na di ako nakikita nitong si Gela e, nakakadiskarte ng kanya.

"Cristel, ikaw na nga ang makipag-usap." Sumang ayon naman ang kahera ko pero pinigilan ko siya. Ako na at ng matapos na. Padabog akong tumayo at pinuntahan na yung mag-ama. Papalayasin ko sila! Wala ako sa mood. Daling-dali e.

Naabutan ko na naka upo na sa carpet yung bata habang naglalaro ng mobile games, mukha namang mabait e bakit iiwan pa tsaka damulag na? Nakatalikod ang tatay nito sa akin kaya hindi namalayan na nakalapit na ako. Malaya kong pinagmasdan ang kabuuan ng likod nito. Matangkad, maganda ang tindig ng katawan, naka white tshirt at black pants tapos naka rubbershoes na white. Medyo matambok ang pwet. Lol. Sexy pa ang pwet sakin.

Mukhang ang bata naman ata nitong nagkaanak? Kainggit naman malaki na anak niya samantalang ako wala pa. Bwisit bat ko ba naiisip to. Dahil lang sa pwet? Seryoso ka ghorl?

Kinulbit ko sya, napabigla ang baling niya dahil nagulat siya sa ginawa ko. Pagkaharap e parang ako ang mas nagulat sa kanya. Aba e ang gwapo nga naman ng gago! Kaya naman pala hindi makapagdesisyon ang babaeng yon e. Pinilig ko ang ulo ko dahil baka nahalata ako sa pagkakagulat ko.

"So ikaw ba yung sinasabi nung kausap ko kanina?" Nakangiting tugon niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng hiya, ramdam ko ng magtagal ang tingin niya sa dibdib ko! Nakamini skirt lang ako tsaka kamusta naman yung sleeveless satin crop top ko. Nakalimutan kong isuot yung cardigan ko kasi nga dali-dali ako pagpunta sa kanya. Malay ko bang manyakis to!

"Pwede ka ba ngayon?" Huh? Anong sinasabi nito?

"Umalis na lang po muna kayo kasi " He did not let me finish and said,

"Sabihin mo lang sa akin kung magkano ang kailangan mo. Please wag mo ng patagalin nagmamadali ako." Nagmamakaawa ang mukha ah? Problema nito?

"Ano bang sinasabi mo? Hindi nga pwede malaki na yung anak mo. Umalis na po kayo. Sa iba na lang." Okay. At least mabait pa ako nan. Konti na lang talaga masisigawan ko na to. Pasalamat siya ang pogi niya. Kire.

"The f*ck. Hindi ko nga anak yan. Wag na nating patagalin ang usapan Miss. I need you now." Sobrang lakas naman ng tama nito?

"Hoy ano ba talagang sinasabi mo huh? Hindi ko maintindihan!" Yan, level 3 na ako. Naiinis na talaga ako promise.

"Ikaw yung bayaran na sinasabi nung kausap ko kanina di ba? Ano pang inaarte-arte mo jan? Magbabayad naman ako." Naiirita na ding sagot nito.
Wait, what? Bayaran? Ako? Does he mean..

"Name your price. Babayaran kita kahit magkano. Wala kang ibang gagawin kung hindi humarap sa magulang ko. Kahit hindi na yang katawan mo, yang presensya mo lang."

Huh? Did you hear that? Ako naging bayaran? Ayy ang tanga niya lang? Cashier kasi yon e! Cashier hindi pokpok! Patay ka talaga sakin Gela. Wala ka ng trabahong bruha ka. Bakit kasi hindi na lang sinabing ipapakausap sa may ari.

I can't believe it, sa buong buhay ko hindi pa ako napapagsabihan ng malandi o kahit ano pero sa ngayon parang hindi ko talaga matatanggap. Napagkamalan akong pokpok?

Teka, tutal kailangan ko na rin namang magkaanak bakit hindi ko na nga lang din sabihin sa kanya na kahit isama na rin niya ang katawan? Mukhang maganda naman ang lahi nito e. Ayy putaaaa desperada level 100 na ang lola nyo!

"Hey. I'm waiting. The clock is ticking." He said.

Hinila ko siya palabas ng shop at sinabing..

"Isasama mo ba pati katawan?" Yumuko ako sa kahihiyan. Ramdam na ramdam ko ang titig niya at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagngisi niya.

"I'm Juan Carlos, meet me later, 7pm at this place." Inabot ko ang card na ibinigay niya at tatakbong bumalik sa loob ng office sa shop ko.

Bahala na. Gamitan na to.

Bayaran.Where stories live. Discover now