Fiancé

130 4 0
                                    



Pagkatapos kumain ay umalis na din ahad kamj. Halos ilang minuto lang naman at ngayon nga e nasa harap kami ng ospital! PGH.
Sasabihin niya lang daw kung anong ginagawa namin dito kapag sinabi ko kung anong full name ko katulad ng tanong niya sa akin kanina.

"Kara Aislan Alcantara. Now anong gagawin naten sa ospital?" Nakakunot ang noo niya. Ang cute lang, mannerism nya yun?

"Aislan? Sabi ko na e you looked familiar. Have you ever been to MMA? The manpower agency in Laguna?" Malamang! Samin yun e.

"Oo bakit? Anong connect?" Nagtatakang tanong ko, bakit niya alam yung agency ni Dad?

"Nakita na kita doon way back 5 years ago. Wala ka bang natatandaan? Or hindi mo man lang ba ako namumukhaan kahit konti?" Tinitigan ko siya, wala naman akong matandaan. At ako natandaan niya? Wow huh. Ang ganda ko? Umiling ako.

"Grabe ka. Sabagay suplada ka nga pala, ako yung nagtanong sayo kung bakit ka umiiyak, akala ko hindi ka natanggap sa work, tapos sinabi mo na naiinis ka noon sa pamilya mo. Kasi ayaw ka atang bigyan ng pera. Natatandaan ko pangalan kasi namispronounced ko pa. Ang cute mong umiyak noon naaalala ko." At nagpacute pa ang Juano na to! Ahh, siya ba yun? Siya yung kameeting ni Dad noon kasi nagrequest sila ng ibang mga tao for hoesekeeping?

Sorry mahina ako sa pagmemorya ng mukha kasi nga hindi ako palakaibigan. Pero noong panahon na yun, approachable ang mukha niya kaya napakwento na ako. In fairness mas pogi siya ngayon.

Umirap lang ako. "And? That doesnt answer my question, anong ginagawa natin dito?"

"Bumaba na tayo ng malaman mo." Katulad ng nakasanayan siya ang nagbukas ng pintuan at inalalayan ako pagbaba. Ang sweet totoo kaya to? Nakakainis. Bakit parang kilig ba tong nararamdaman ko?

Pagpasok pa lang sa may main lobby e may bumati na agad sa kanya.

"Good afternoon, Dok." Bati ng gwardya tapos tinanguan ako. Wow? Hindi ko alam na doctor pala ang tatay ng anak ko!

Habang naglalakad kami ay maraming nabati sa kanya kaya nahihiya ako. Nakatungo ako habang naglalakad kaya nagulat ako ng makitang nasa tapat kami ng ob-gyne room!?

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. So may hinala pala siya na buntis ako? Baka alam niya kasi sabi nga ni ate alam ng lalaki kapag makakabuo sila di ba? Halaaaa no way. Sakin lang ang anak ko.

Binabawi ko ang kamay ko sa kanya pero umiling lang siya. Kumatok siya sa pinto ng clinic at nagbungad ang isang magandang doktor na halos hindi nalalayo ang edad sa akin.

"Oh Kuya, nakita ka na ba nila Dad? Bakit dito ka nagpunta?" Kuya daw? Kapatid siguro? Kamukha e.

"Busy ka ba? Abot pa ba kung magpapaconsult sayo itong girlfriend ko?" Nakangiti ang gago. Nakakainis umiiling ako pero hindi niya ako pinapansin. Yung kapatid niya ata ang nakapansin kaya kinausap niya ako.

"Ate, kinakabahan ka ba? Halika pasok kayo. Out na sana ako pero dahil special ang guest ko sige check upin na kita." Ang ganda naman niya, napapangit tuloy ako kahit naiinis ako!

"Kuya? Akala ko ba hindi ka nakikipag-sex ng walang proteksyon tsaka wala ka namang pakealam sa mga babae mo ahh kahit pa nga minsan sabihin nila na buntis e never mo pang pinansin o kaya katulad ngayon, himala huh ikaw pa ang sumama! Totoo na ba talaga yan?" Biro niya sa kapatid tumawa lang ng malakas si JC at sinabi na iba daw ngayon bago bumaling sa akin si Dra.

"Sorry ate huh, ganan kami mag usap ni kuya. Hindi ko alam na may girlfriend pala yan kung hindi pa naulit ni mommy sakin. At mukhang ikaw nga ata yun." Paliwanag niya. Aria and name niya. Nabasa ko sa table niya.

"Ahm, pwede bang wag mo na akong i-check up? Okay naman ako. Hindi ako buntis." Pagsisinungaling ko. Pinisil naman ni JC ang kamay ko.

"Baby, wag kang kabahan. Sure ako na buntis ka. Wala akong ginamit na proteksyon sayo dahil iba ka sa lahat ng nakilala ko." Hindi pa siya nakuntento at may ibinulong pa sa akin.

"Alam kong ako lang ang nauna at paulit-ulit pa nating ginawa, hindi ako makapagkontrol pag dating sayo kaya sigurado ako, buntis ka. Kaya matagal na kitang gustong makita." Kinikilabutan ako. Kinikilig ata ako? Ewan ko. Basta yung puso ko nagwawala na sa loob, hindi na ako masyado makahinga, hinihingal ako sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Wow, maybe that is what you called love kuya huh? First time yan ate, kaya swerte mo or ewan ko din." Tumawa na lang ako sa kaniya pero yung puso ko ganon pa din. Hindi natigil sa bilis ng pagtibok!

Ano nga kayang gagawin ko kung mahal nga ako ni JC? Magsasaya ba ako? No. Hindi pwede. Nakakatakot. Okay na ako na may baby. Ayoko ng may iba. Baka masaktan lang ako.

Pinakuhanan ako ni Dra. Aria ng ilang blood tests and syempre urine tests. Wala na si JC ngayon sa loob dahil sasaglit lang daw muna sa office ng daddy nila. Tuwang-tuwa si Aria ng makita niya na positive ako.

Niyakap niya ako at sinabing sa wakas daw, hindi na sila manghihiram ng bata. Magkakaroon na sila ng baby sa bahay! Ang sarap isipin pero at the same time natatakot ako? Posible ba na mahalin ko nga kagad siya kahit hindi pa namin ganon kakilala ang isa't-isa?

"Ahm, Dra. Wag mo na lang kaya munang sabihin sa kapatid mo? Ayoko kasi sanang malaman niya e." Sumimangot siya.

"Ano ka ba ate, wag kang matakot na tatanggihan ka ni Kuya. Seryoso siya sayo! Never pa yang nagkaroon ng pakealam sa kahit na sinong babae kaya nga naiinis si mommy, ngayon nung ipinakilala ka nga daw at nakita nila dad kung paano ka titigan ni kuya, mukha nga daw nakakuha na ito ng katapat! Nagtampo pa nga ako kasi di ako nakasama non e pero proud and happy ako kasi ako ang unang nakaalam na may bago na kaming family member." Masayang bigkas nito. Nakakataba naman ng puso ang mga narinig ko. Pero sapat na ba yun para umasa ako?

"Anong family member yan Aria?" Oh, fuck, si Juano! Narinig niya!

Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo! Whoa? Ninja move. Breezy.

Nakita ko na sa likod niya e kasunod niya ang kanyang mommy at daddy. Tumango ako sa kanila. Lumapit ang mommy niya sa akin.

"Positive kuya. Hindi na ako ang baby ng pamilya." Ngiti ni Aria bago nagkibit ng balikat.

Niyakap ako ng JC at tumingin ito sa mommy niya na parang naluluha. Nakss para akong nasa kdrama ahh?

"Call her parents Juano. Kailangang malaman ng fiance mo na di na siya uuwe at magpapakasal na kayo."

Real quick? May atrasan pa ba to?

Bayaran.Where stories live. Discover now