Proposal

127 5 1
                                    



Nakakapanglambot. Para pa rin akong nananaginip. Please pasampal nga sakin ng isa baka matauhan ako!

Hindi na lalo ako binitawan ni JC habang naglalakad kami. Uuwi ma daw kami ngayon sa mansyon pero mamimili muna kami ng gamit ko kasi ayok ang gusto ng mommy niya.

Nasa kotse na kami ngayon ng daddy niya. Iisang sasakyan na lang ang sinakyan namin ngayon dahil gusto pa rin daw nila marinig ang ibang details ng pagbubuntis ko.

"Hija, tell me honestly, ngayon mo lang ba nalaman na buntis ka? Bakit hindi mo man lang kami tinawagan? Or kahit si JC? Saan ka unang nagpacheck up?" Ang daming tanong kaloka. Thats her mom. Sinabi ko sa kanya ang totoo at ang mga plano ko para sa amin ng baby ko.

"Hindi po. Matagal ko na rin pong nararamdaman ang mga symptoms pero nung isang araw lang din po ako nagpacheck up. Wala po talaga akong planong sabihin kay JC kasi kaya ko naman po na kami lang ni baby. Tsaka hindi naman po—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi niyakap ako ni JC! Nasa tabi ko kasi siya tapos sa kabila ko ay ang mommy niya, ang daddy niya ang nagdadrive habang si Aria naman e nasa front seat.

"Ohh, baby. Sorry wala ako sa first consultation mo. Napakasama kong asawa. Wag ka ng magtampo." Naks amputa asawa agad? Ang oa huh? Hindi ko tuloy naituloy yung sasabihin ko. Inirapan ko siya. Si Mrs. Cojuangco pa rin ang umimik.

"Ayaw mo sanang sabihin kay JC hija? Wow, that's new. Kung sa ibang babae yun e baka magpaparty kapag nalamang nabuntis nitong anak ko." Natatawang sinabi niya. Alam ko naman po yun. Ilang ulit niyo na pong nasabi. E di sana all na lang po habulin.

"Well, I told you Miriam, she is really different. At mukha namang siya lang din ang sineryoso ng anak natin na yan kaya thanks hija." Singit ng daddy niya nung sumulyap sa amin.

"She even dissappeared sabi ni Kuya sa akin. Ilang beses ka niyang ipinasearch sa akin. Well, alam ko ang story nyo. Not all pero alam ko yung iba." Nakangiting sabi ni Aria. Mukha ngang close sila ni JC e kaya di na ako magtataka.

"Nawala siya sa akin Mommy, mukhang ayaw na niya sa akin kaya please, wag nyo na siya masyadong tanungin at baka lalo akong ayawan, let her rest, baka pagod ang asawa ko." Wow. Kanina pa siyang ganan! Ang galing magpanggap. Nakakairita.

Inihilih niya ako sa dibdib niya, naramdaman ko na hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Ang sarap sa pakiramdam! Feeling ko secured ako. Nakakainis ano ba to.. nakakatakot na talaga.

Then I remembered mom. Baka nag aalala na sila. Masyado akong nalibang nakalimutan ko na silang tawagan.
Mamaya pagbaba tatawagan ko sila.

Nang makarating kami sa mall e nag excuse ako sandali, umuna na rin naman sila at kami na lang ni JC ang naiwan para mamili ng mga damit ko daw!

Dinial ko kagad ang number ni mommy. Mabilis naman itong sumagot. Pinaalam ko na kasama ko ang boyfriend ko at baka bukas na ako maihatid. Tuwang-tuwa pa si mom! At sinabi na isama ko raw si JC bukas. Shit.

"Whats wrong baby?" Takang tanong niya kasi pagkababa ko ng tawag e nakasimangot na ako. Naglakad ako palayo sa kanya. Papasok na ako sa mall bahala ka jan wala na naman ako sa mood. Nakakainis naman e. For sure pag sinabi ni JC kina mommy na papakasalan ako wala na yung atrasan! Nakakainis.
Okay naman na sana kasi sa sulok ng puso ko ayon ang gusto ko, pero bakit natatakot talaga ako?

"Maybe gusto na naman ng baby ko ng chicken skin? Tara kain muna tayo." Hinawakan niya ulit ang kamay ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Ano ba to? Totoo ba syang ganan? Or aasa lang ako?

Hinarap ko siya at tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.

"Magkalinawan nga tayo Juan! Ano bang ibig sabihin ng mga pinapakita mo at ginagawa mo? Tapatin mo nga ako at naguguluhan na rin ako!" Nakss. Salamat po lord sa lakas ng loob.

"Isnt it obvious? Nanliligaw ako. I know its too late pero gusto kong gawin. After ng may mangyare sa atin, hindi na kita makalimutan. Parang dejavu lahat katulad ng hindi rin naalis agad sa isip ko yung babaeng umiyak sa harapan ko. At ikaw rin pala yun. Hindi ko na papalampasin ulit ang pagkakataon na to. Sorry kung mali ang way ko para ligawan ko. Hindi talaga ako sanay pagdating sa ganong bagay pero please give me a chance. Lets give ourself a chance." Malamlam ang matang paliwanag niya.

"Baka dahil lang sa bata JC? Kukunin nyo ba siya sa akin?" No. Over my dead body. Naging desperada ako sayo lara magkaanak. Kaya hindi ako papayag na kukunin to.

"No. Baby. Gusto kita. At kung lahat ng mga nararamdaman ko e nagpapatunay na hindi lang to basta pagkagusto then I must say, I love you." Niyakap niya ako. Masaya ako sa narinig ko kaya naluha ako pero hindi ko pa rin magawang lubusang maging masaya. Nandito pa rin yung takot.

"Alam ko hindi pa natin kilala ang isa't-isa pero pwede naman nating gawin yon ng magkasama di ba? Please turuan mo ako kung paano maging isang perpektong lalaki para sayo. At para na rin sa magiging anak natin."

"Look, JC, I'll be honest", bumitaw ako sa yakap niya at nagpatuloy. "-nagpakadesperada ako at halos ipag alukan ang sarili sayo kasi gusto ko lang magkaroon ng anak. Maswerte ako kasi sa isang gabi natupad naman. Hindi ko kailangan ng makakasama sa buhay. Wala akong ibang gusto kung hindi anak lang. Wag mo na akong pahirapan at bawiin mo na lang lahat ng sinabi mo kasi sa totoo lang naguguluhan na rin ako para sa sarili ko." I cried. Hindi na ako nahiya. Sinabi ko lang ang totoo. Paano kung katulad din siya nung ex ni ate? Pero pano kung tama nga si ate na hindi naman lahat ganon?

"Try me baby please. Just give me a chance."

Siya lang ba ang bibigyan ko ng chance? Or the chance is for myself?

To know what is the meaning of love?

Bayaran.Where stories live. Discover now