Meet the parents

200 4 0
                                    


Hindi ko na alam kung umalis rin ba agad pagkatapos naming magusap ang #babymaker na napili ko. Oo tama, baby maker. Kailangan mabuntis nya ako mamaya. Is it even possible? Ewan ko. Hindi ko talaga alam. Basta susugal na ako. Ganon ako ka desperada na magkaanak.

Tinitigan ko ang card na binigay niya at napag-alaman na Juan Carlos Cojuangco ang full name niya. Amoy mayaman ang name ahh?
I searched him on facebook at ini-stalk ko ang profile niya. JC Cojuangco, son of Mr. Eduardo Cojuangco the founding director of Philippine General Hospital.. Okay. Tama na, mayaman nga siya. Anyway, wala akong pakealam sa yaman niya o sa pagkatao niya. Yung sperm niya lang ang mahalaga!

Past 3 o'clock na, uuwi muna ako. Kailangan kong magrelax. Nagulat si Gela at Cristel ng bigla akong lumabas sa office ko at nagpaalam na sa kanilang uuwe. Hindi naman nila ako pinigilan dahil mas gusto ata nila na wala ako.

Pagdating sa bahay, iginugol ko ang oras sa paghahanap ng maisusuot ko, hindi basta-bastang pamilya ang haharapin ko. Kailangan naman na magmukha akong maayos para hindi ako mapagkamalan na pokpok. Geeez that bastard. No need na maging mad right? Parang ganon na nga ang mangyayare. Grrr

A simple formal black tube dress will do right? Ipinatong ko ito sa kama at inubos ang natitira pang oras sa banyo para maligo. Napapaisip ako, anong sasabihin nila mommy kapag nalaman na buntis ako? Malamang magtataka sila kasi wala naman akong boyfriend. Oo matagal na nila akong inuudyukan na mag asawa pero yung mabuntis agad ewan ko lang din. I just crossed the bridge when I get there na lang siguro. Wala pa naman e.

Naiisip ko pa lang na mahahawakan ako ng lalaki e kinikilabutan na ako, worst is, we will have sex? That thought I could almost back out. Pero paano na yung pangarap ko na maging ina?

Chance ko na to di ba? Promise Lord, mabuntis lang po ako ngayon di na po ako magpapajurjur sa iba. Sa anak ko na lang po iikot mundo ko promise po. Magiging mabait ako.

Ang OA ko promise. Anuhin niya kaya ako mamaya? Ayyysss lol. Ano bang iniisip ko. Lugi pa ba sya e maganda naman ako di ba?

Sabi ng mga kaibigan ko maganda ako, lagi kaya akong muse noon sa school aba! Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko pero sabi nila, maganda raw ako kasi matangos ang ilong, maliit ang labi, mapungay ang mala-manikang mga mata, makintab ang mahabang buhok tapos may sexy pang katawan.
Well, sabi nila yan huh. Para sa akin naman kasi, hindi ko iyon nakikita.

Sana kung magkakaanak man ako, sana kamukha ko! Pero pwede rin naman sa daddy niya kasi pang magazine naman din ang itsura.

Kinilig ako sa naisip ko. Kaya nagbuhos ako ng sunod-sunod para mawala ang mga iniisip ko. Kung pwede nga lang malunod na kabubuhos ginawa ko na!

6:00pm. Ang bilis ng oras! Kinakabahan na talaga ako. Nakabihis na ako, mag-aayos na lang siguro ng konti pero parang gusto ko ng umatras.

Promise wala akong idea sa gagawin namin mamaya! Not the baby making! I mean, para saan ang pagpapakilala niya sa akin sa parents niya right?

I dialed the number na nakasulat sa calling card niya. Nang mag ring na ito, putek sobra-sobra ang kaba ko.

"Hello." Oh that sexy voice again. Bwisit umayos ka ghorl.

"It's me the girl on the candy shop." I dont know how to introduce myself. Should I say, Im the prostitute he met?

"Ohh. Ho, what's your name again? We never had a chance to know each other well because you ran after getting my calling card." Natatawang sagot niya. Ang gaan ng mood niya huh.

"Just call me Candy." yeah, Candy, the sweetest girl you've ever met.

"Oh my sweet candy. Grr. Pakagat huh." Fucker. Kagat? Kinilabutan ako. Parang may kuryenteng ibinuga yung cellphone at pumasok sa tenga ko.

"Just joking Candy, nasaan ka? Sunduin na kita." He changed the topic alam ata na natahimik ako. Napagpasyahan ko na sa may candy shop ko na lang magpasundo para di niya malaman if ever yung bahay ko.

7:00pm nasa hotel na kami. Kakain muna daw kami. Oh, wag kayong green minded, nasa hotel and restaurant kami, malamang dito namin imi-meet yung mom and dad niya.
Kinakabahan ako pero sabi naman niya e wala akong ibang gagawin kundi ang maupo lang don at makinig. Presence ko lang daw talaga.

Sinalubong kami ng isang ginang na nasa edad 60 pataas, mommy niya siguro? Mukha namang mabait, ano kayang problema nito.

"JC anak? Ayan na ba ang girlfriend mo?" Bumaling sa akin ang ginang kaya ngumiti ako.

"Upo ka hija, mana talaga sakin ang anak ko, ang galing pumili." I smiled sa daddy niya ata? And I also said thank you.

Hinawakan niya ako sa kamay at inilahad sa akin ang pwesto ko. Hindi ako kinabahan sa harap ng mommy at daddy niya pero kinikilabutan ako sa hawak niya. Awkward.

Hanggang sa nakaupo na kami ay di pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Pinisil niya lang ang kamay ko pero patulot siya sa pakikipag usap sa mommy niya.

"Ma, look, hindi ko talaga siya pormal na ipapakilala sa inyo kasi alam ko na ang gagawin nyo. Papaimbestigahan at ipapahalughog ang buhay kaya tama ng Candy na lang ang alam niyong pangalan niya." Aba mukhang mahirap maging jowa nito? Pinapaimbestigahan? Pinisil niya ulit ang kamay ko. Ano ba.. kinakabahan lalo ako uy.
Ayy hindi nga pala ako jowa.

"I just let you know na may girlfriend na ako at isauli nyo na yang anak ng pinsan ko sa kanila dahil ayoko ng mag-alaga please mom, ayoko na mag-away na kami ni Candy dahil don sa batang yon." Ahh kaya naman pala. Yun na yun? Wala kang jowa na maisasama boy?

"Sorry Hija, we are just doing such thing just for him. Sorry to say pero marami kasing mga babae na ang gusto lang e yung pera niya. Nagkataon na iniwan naman muna ni Ana si Luke sa bahay para daw hindi na mapuntahan yan ng girls kasi nga pilyo yung batang yun e. Kung aalis man daw yang si JC kasama din. Sorry kung ano man ang nagawa sayo. Ikaw daw ang nagrequest ng dinner na to para sabihin about kay Luke? Sorry Hija."

His father expalined. Ahh ganon? Yun na yon? Sabagay mayaman nga pala sila, baka as in super yaman. Well wala naman akong pakealam e. I smiled katulad ng kanina ko pang ginagawa pero this time umimik ako.

"Okay lang po. Makakaasa po kayo na hindi ako katulad ng iba. Sorry din po pero I'm doing this for Luke, mukhang hindi po pwedeng tagapag alaga tong boyfriend ko."

Tumango ako at nginitian sila ng pinakamaganda. Nagkatawanan naman ang mag asawa at sinabi na ipapakaon na daw ang bata sa mommy niyo.

Sineserve na ang pagkain ng binitawan ni JC ang kamay ko. Akala ko okay na. Hindi pa pala kasi bumulong siya sakin.

"You did a great job, mamaya, ikaw naman ang papaligayahin ko." He smiled and bit his lips.

Whoah. In what way? Naiihi ako putaaaa.

Bayaran.Where stories live. Discover now