Art of Seduction?

176 4 0
                                    


Kabado ako habang nasa biyahe hindi dahil sa pagsasabi ko kina mama kundi dahil babalik na ako sa Laguna. Alam ko kasi na sa kaloob-looban ng puso ko e umaasa ako na makita siya..kahit sa hindi inaasahang pagkakataon lang.

Kung tutuusin e kayang-kaya ko siyang hanapin dahil his family is well-known kaya hindi talaga mahihirapan. Kaso naisip ko na baka mapagkamalan akong isa sa mga babaeng sinasabi nila na naghahabol kaya wag na lang.
Ano ba naman yang iniisip ko! Anak lang okay na di ba? Bakit ganan?

Nawala ang isang malaking tinik sa dibdib ko ng makapagtapat na ako kina mommy at daddy ng kalagayan ko. Hindi naman nila ako inusisa kung nasaan ang ama ng anak ko kasi sabi nga ni ate, matanda na ako, kung magkaaway man daw kami sana daw e maayos namin para maikasal kami bago maisilang ang anak ko.
Wala na silang tanong tanong na iba basta sinabi lang nila sa akin na ingatan ko sarili ko at ayusin na ang away namin bago humarap muli sa kanila. Sinabi kasi ni ate na magkaaway lang kami e. Kainis.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam ako kina mommy na bibisita sa shop. Namimiss ko na rin naman sina Gela at Cristel.

Marami ang mga batang customers ngayon sa aking candy shop at nakakatuwang pagmasdan ang mga naglalarong bata sa loob. Can't wait to see my baby playing inside that play pen too!

Sinalubong agad ako ni Gela ng makita niya ako. Nagkwento siya ng mga bagay na tungkol lang sa benta at sa iba't-ibang mga bata na nakasalamuha niya. Wala na bang iba?
Hinihintay ko na may makwento man lamang siya kahit papano yung tungkol man lang sana sa lalaking naghahanap sakin. As in wala talagang ganon? Bakit umaasa ako? Ano ba naman tong nararandaman ko.

Sabi ni ate, kapag inlove ka, palagi mong maaalala yung taong minamahal mo. Yung tipong hindi mo siya maalis sa isip mo, at nasasaktan ka kapag naiisip mo na may kasama siyang iba. Asa pa, naaalala ko siya pero imposible na mahal kaagad di ba?

Wala akong alam pagdating sa pag-ibig. Puro masama ang description na nabuo sa isipan ko when it comes to love. Kaya ako, hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko?
Siguro aaminin ko na special siya sa akin? Dahil walang pagaalinlangan ko na binigay ang sarili ko sa kanya? Yes, I will admit, nung una ko siyang makita naattract talaga ako sa kanya. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi, kaya nga naisipan ko siyang maging tatay ng anak ko kasi maganda nga ang lahi di ba?

Alam ko marami sa inyo ang huhusgahan ako kasi napaka-esy to get ko, pero ayon lang kasi ang naisip kong paraan para magkaroon ng sariling anak. Mas mahirap naman na makipagrelasyon ako tapos sa huli maghihiwalay din kami at magkakasakitan dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya di ba?

Lahat naman tayo sa buhay natin, may kanya-kanyang desisyon. Maaaring sa mga naging desisiyon natin e nagkakamali tayo pero mahalaga yung mga natutunan natin sa pagkakamaling ito at kung paano maitatama di ba?

Gela offered me a coffee and a slice of caramel cake, Aba sosyal nakabili na pala agad.

"Ma'am, nga pala may ikukwento po kami sa'yo." She announced it excitedly.

Sumulyap ako sa kanilang dalawa ni Cristel na ngayon e nakaupo sa carpet ng playpen.

"Ang bilin mo po kasi sabihin namin sa'yo kapag may naghanap sa'yo." Shit. Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?
Tumango ako. Si Cristel na ngayon ang magsasalita.

"Wala pong naghahanap sa'yo mam." Dugtong niya. Aray? Bakit nalulungkot ako. Wala naman pala e ano ba yan..

Humigop ako sa kape at naghihintay ng sasabihin pa nila. Tumili naman si Gela at nagsalita.

"Ay Mam, walang naghahanap sayo pero mukhang laging may umaaligid dito. Yieeee." Kinikilig na pahayag nito.

"What do you mean? Tel, ikaw na nga magkwento naiirita ko dito kay Gela. Mas inuuna pa ang harot." Kumagat ako sa cake. Ang tagal magkwento naiinis ako!

"Ang alam namin sa bilin mo na pag may naghanap e kapag may nagtanong sa amin about sayo, kaya di po namin sinabi sayo na laging may padaan-daan na lalaki dito. Mukhang dito po talaga may hinahanap e. Well, hindi naman po siya napasok e kaya di pa rin kami sure." Ang haba ng sinabi niya pero hindi ko nagets. May naghahanap sakin? Tapos hindi sure? Awww umaasa ako.

"Ma'am! Ayon yung papable na yummy! Boyfriend mo ba un mam? Hala naging kabet ka?" Tili ni Gela.

"Anong kabet kalukahan mo? Ano bang sinasabi mo?" Nalilito na talaga ako.

Hindi naman umiimik kahit sino sa dalawa. Biglang nagsitahimik ang dalawang bruha. Anong problema ng mga to? Tiningnan ko ang direksyon ng inginunguso ni Gela at nagulat ako ng makita ko siya...

"Mam, siya yung sinasabi namin. Yieeee kwentuhan mo kami huh!" Tili nito bago pumasok na sa loob ng opisina ko.

Wait uhm, lalabas ba ako?

Nanatili ako sa pwesto ko sa may lamesa malapit sa pinto. Bahala siya. Ayoko maging assuming. Baka nga hindi ako ang hinahanap di ba? Nagfocus ako sa kinakain at hinayaan ang mga matang alam ko na nakatingin sa akin.

Sarap na sarap ako sa caramel cake promise. Nawala yung kaba ko. Now, napalitan ng mga paro-paro na naman ang sikmura ko dahil sa lalaking nasa harap ko. Hinila niya ang upuan at naupo katapat ko!

"Bakit ngayon ka lang?" Wow Juan! Kanta yan ahh!

"Kinakausap kita. Humarap ka sa akin. Please." Hinawakan niya ang baba ko at iniangat para magpantay ang tingin namin.

"Hinintay kita, inaasahan ko na tatawagan mo ako dahil nasa'yo naman ang contact ko. Alam ko rin na alam mo na maaaring nasa PGH lang ako. Bakit hindi mo ginawa?"  Naiiyak ako. Hindi ko alam sasabihin ko. Bakit ang arte-arte ko lately? Kainis.

"At bakit naman kita hahanapin?" Finally, I told him that.

"We made love over and over again! At iniisip ko na by this time maaaring buntis ka. Tapos hindi ka man lang maghahabol? Is that your way of doing art of seduction? You always makes me think! And it makes me more fond of you." Mahabang sagot niya. Wait anong art of seduction?

"We fucked. We didn't made love." Naiinis ako. Wala akong masabi. Narinig ko na nagmura siya.

"Sumama ka sakin. Hindi ko na mapapalampas to." He said. Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko.

Lumabas kami ng shop. Kung saan kami pupunta, hindi ko rin alam.

Basta ang alam ko. Kinikilig ako habang hawak niya ang kamay ko.

Weh? In love ba ako?

Bayaran.Where stories live. Discover now