Baby

162 6 0
                                    



Wala akong lakas tumanggi. Siguro gusto ko din tong nangyayari. Aaminin ko, matagal din akong naghintay sa pagkakataong ito. Hindi ko lang inaamin nong una pero ngayon, oo sige na, hinihintay ko na makita ulit siya!

Hindi siya bumibitaw sa kamay ko. Kahit hanggang sa pagbubukas niya ng kotse niya e hawak-hawak pa rin.

"Hoy ano ba. Bakit ako sasakay? Saan ba tayo pupunta?" Maktol ko.

"Maguusap lang tayo." Sagot niya. Pinapasakay niya ako sa loob. At dahil gusto ko din, sumakay ako. Aarte pa ba ako?

"Bukod sa pagkatao mo ano pang sikreto ang itinatago mo sakin?" Pagkatao? Nagpapatawa ba sya? Anong sinasabi nito?

"Pagkatao? Bakit? Engkanto ba ako?" Tumawa ako ng malakas. Kumunot na naman ang noo niya.

"Hindi Candy ang pangalan mo pero alam ko na sayo yung candy shop na yon!" Nakakunot pa rin ang noo niya ng humarap sa akin.

"Wala akong mapagtanungan kong anong pangalan ng may are ng shop kasi halos lahat hindi ka kilala. Hindi ka ba marunong makipagkapwa tao? Bakit parang walang nakakakilala sayo?" Yes. It's true. Pili lang ang mga kaibigan ko. At pili lang ang mga taong pinapakisamahan ko. Pag dami na kakilala, pag guli ng buhay. Well its my opinion. Sabihin na natin na suplada talaga ang tingin nila sa akin kasi hindi naman talaga ako approachable.

Makakausap mo lang ako pag tungkol sa bussiness or kapag bibili sakin. But I will never introduce my name, shop name ko baka pa. Kung di ko pa nababanggit kanina, well my candy shop name is 'Candy Rush'. Hango aa larong Camdy Crush hehe.

"Oo talagang out of the world ako. Kaya hindi ako makapaniwala na napagkamalan mo akong pokpok!" Naiirita ako naalala ko na naman. At uulitin ko, naging marupokpok din naman ako sa kanya right? Bumigay ang bataan!

Hindi na siua umimik, tahimik na siyang nagmaneho. Kung itatanong niyo kung saan pupunta? E hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang inaantok ako. Hindi ko alam kung may ilang oras akong nakatulog sa byahe pero nagising ako na may neck pillow na ako, kaya pala napahimbing ako.

"Asan na tayo?" Mumukat-mukat na tanong ko. Hindi na naman siya nasagot. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Out. Kakain muna tayo. Bilis na, kanina pang naghihintay sila dad." He told me. Nasa tapat na pala kami ng isang fast food. Jollibee bida ang saya? Lol.

Hinawakan niya ulit ako sa kamay at marahang hinila papasok. Seriously? Napapadalas sya ahh! Pero himala wala akong ginagawa! Gusto din?

Mag aalas singko na, asan ba kami? Inilibot ko ang paningin ko at napag alaman na nasa Metro Manila ako? Hahanapin ako nila mom!

"Juano! Bakit isinama mo ko dito sa maynila! Bumalik na tayo! Hahanapin ako nila mommy!" Nakabusangot ako ngayon at waa akong pake kung may ibang napapatingin sa amin. Para kaming magjowang nag aaway! Geez.

"Calm down. We will eat first. Bukas ka na uuwe. Tatawagan ko ang mommy mo." What? Kapal ng mukha ahh? As if close sila?

"Kapal naman ng apog mo? Bakit close kayo?" Hinampas ko ang braso niya. Pinaupo naman niya ako at hindi pinansin ang pagsusungit ko. Bagkos ay tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin.

Gusto ko ng french fries, tapos chicken yung malutong na malutong. Tsk. Di ko masabi. Bahala siya jan di ko siya papansinin. Mukhang nahalata naman niya na wala akong planong mamansin kaya umalis na siya at nagpunta sa counter.

Pagbalik niya ay may dala na siyang ibat-ibang pagkain, lahat ata ng klase sa menu inorder niya! Isinantabi ko ang inis ko at nilantakan ang frenchfries. Alam ko na tinitingnan niya ako. Sinunod ko yung chicken joy na all time favorite ko. Grabe parang nakalimutan ko ang inis ko. Tiningnan ko siya na ngayon e nakangiting inaalisannng balat yung manok na nasa pagkain niya.

"Here. Sa'yo na, mukhang kulang pa sa'yo yang manok mo." Ibinigay niya sa akin yung balat at ng makita niyang tumaas ang kilay ko e nakakunot noo na ngumiti siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinawakan ko ang noo niya. Nanggigigil ako tutuwidin ko lang.

Hinawakan niya ang kamay ko habang hinahawakan ko ang noo niya. Inalis ko naman kagad ito at pinagalitan ko ang sarili ko. Taena bwisit, Kara ano yun?!

"Kung ikaw ang mapapangasawa ko e tipid tayo, dahil kahit sa simpleng fastfood pala masaya ka na." Sus joke ba yun? Tawang tawa siya pero hindi naman ako natatawa.

Inirapan ko siya at itinuloy na lang ang pagkain. Tumayo naman siya sa upuan at pumunta ulit sa counter. Pagbalik niya may dala siyang dalawang supot.

"Ano yan?" I asked. Curious ako kasi hindi pa nga nababawasan yung ibang nasa mesa namin may balot pa siya? Ahh baka sa mommy niya?

"It's for you para kahit sa byahe may makain ka." He said. Nagpunas siya ng kamay at ngayon e kumuha ng manok sa bucket, inalisan niya ulit ng balat at inilagay sa pinggan ko.

"Hoy Juano! Kung akala mo madadaan mo ko sa pagkain na suhol suhol mo e mali ka. Basta uuwe pa rin ako. Di ka na makakaulit sa akin no! Naging malandi lang ako nung una pero ngayon asa ka pa. Nasa matino na akong pagiisip." Nakakabwisit siya! Akala niya di ko nalilimutan yung sinabi niya na hindi niya ako iuuwe.

Bumunghalit siya ng tawa, at sa pagitan ng tawa e nagsasalita, "Baby, you overthink everything. Naghihintay satin si daddy sa ospital. Bilisan mo ng kumain wag kang mag alala, hindi kita pagsasamantalahan not unless you beg for it again." Ang kapal! Ako pa daw?

"Baby mo mukha mo nililinaw ko lang! Tsaka anong gagawin natin sa ospital?" Tanong ko.

"Sabihin mo muna sa akin full name mo. Ang hirap magkagusto sa taong hindi ko alam ang pangalan." Did he just said that? Gusto? Anong gusto? Gustong isahan? Sipingan? The heck!

"Anyway kumain ka na nga muna. Baka gutom pa ang baby ko." He smiled. At nagpatuloy siya siya sa pagbabalat ng manok.

"Baby?" Tanong ko. Anong baby? Alam niya ba?

"Yes baby ko? Ang sweet mo naman." At tumawa siya ng malakas.

Ako ba yung baby niya? Akala ko alam na niya.

Halata ba ako?

Bayaran.Where stories live. Discover now