This is it Pancit.

211 6 1
                                    


Papaligayahin ako?

Yung paru-paro sa sikmura na description nila, sabi ko noon kaartehan pero ngayon, nararamdaman ko nga. Hindi lang paru-paro, parang may kasama pang iba't-ibang insekto kasi kakaiba talaga e. Hirap iexplain!

Natapos ang pagkain na sila-sila ang naguusap. Hindi ko naman ugali na makisabat kaya nasagot lang ako kapag ako ang tinatanong.

Now, we're all alone. Kunyare busy ako sa pagcecellphone para hindi halata na ninenerbyos na ako. Baka naman sabihin na naman nito e, may pokabels pala na mahiyain at pabebe na katulad ko? Geeez bwisit.

"Candy. Pakagat na ako." He said. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kalma self, kunyare seryoso ka. Kunyare di ka apektado.

"Kagat na." Inilapit ko ang leeg ko sa kanya. Grabe! Akala nyo lang okay ako pero mamamatay na ata ako sa kaba. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

Tumawa siya ng malakas at hinawakan ang kamay ko. He said thanks daw kasi ang galing ko daw artista. Nakombinsi ko ang mommy niya na girlfriend nya talaga ako at ang ending, mapapauwi na yung bata na alaga niya.

Binawi ko ang kamay ko. Natatakot na talaga ako ayoko ng dagdagan pa.

"Nga pala, Dito ko na rin ba kukunin yang katawan mo?" Nakatawang sambit niya.
Bwisit. Bat ang dali-daling sabihin ng mga ganon sa kanya. Nakakahiya.

"Dito? Hindi ba pwedeng sa kwarto naman?" I said para naman kunyare e game na game talaga ako. Ganito pala maging bayaran huh.

"Of course. You make me laugh, Candy." Iminuwestra niya sa akin na tumayo na at aalis daw kami. Siguro magchecheck in? Nakoooo.

"Ahm, wait, why don't we celebrate muna kasi wala na yung asungot sayo? Tara inom naman muna tayo?" Naksss. Akala mo kung makapagyakag ako e lasinggera. Ganito kasi kalimitan yung nababasa ko e. Nag iinom muna tapos tsaka mag aano. Hayss

"We can do that in our room. Wag na tayong mag-bar at baka mabastos ka pa ng iba don." Tumingin na naman siya sa dibdib ko kaya napatingin din ako. Ahh labas naman pala ng bahagya. Aba mabait din ayaw ng may ibang babastos? Gusto e siya lang? Lols

This is it na talaga! May ibinigay na sa kanyang card yung babae at mukhang swipe card yon para sa magiging room namin. Nangangatal ata ang tuhod ko.

Pagdating sa loob ng kwarto e naupo ako sa kama. Maganda ang silid. May tv, may ref at may sala set. Magkano kayo ito? Big time huh.

Habang nagmamasid ako sa silid e pinagmamasdan niya pala ako. Lalo ko tuloy naiisip na umatras.

"JC, may nakalimutan pala ako kunin ko lang?" Ayoko na pala talaga. Uuwe na ako.

"No. Mamaya na. Nakaorder na ako ng iinumin naten. Mauna ka na muna magshower." Nakuuu kinilabutan ako. Shower? Ugh...wala ng atrasan talaga.

Nakakunot ang noo na iniabot niya sa akin ang robe. Pagkatanggap nito dali-dali na akong tumakbo sa banyo. Kinakabahan talaga ako.

Hindi ko na alam kung nakailang oras ako sa loob ng banyo. Basta lumabas lang ako ng kinatok na niya ako.
"Candy, matagal ka pa ba jan? Nandito na yung beer natin. Bilisan mo na."

Napalunok naman siya nang makita niya ako na nakaroba lang. kinakabahan ako pero kapalan na to ng mukha! Sorry Lord. Sorry mommy, sorry daddy. Sorry sa inyong lahat. No ba yan, feeling ko mamamatay na ako.

"Dito ka sa tabi ko." Luh. Bakit parang ang lamlam naman ng mata niya? Kinikilabutan ako. Magtatabi pa lang kami sa sofa huh.

Nilakasan ko ang loob ko para hindi niya mahalata na hindi ako sanay sa mga ganitong bagay. Pagkasalin niya ng alak sa baso ko ay agad ko na itong ininom. Hindi ko na siya hinhintay na lagyan ako, ako na mismonang nagtatagay sa sarili ko.

Napapansin ko na kanina pa niya ako pinagmamasdan. Alam ko rin na ako lang halos ang umiinom pero pinagsawalang kibo ko na lang. Bahala siya sa buhay niya basta kailangan ko kumuha ng lakas ng loob.

Hindi ko na nabilang kung nakailang tagay ako basta tumigil lang ako ng maramdaman ko na hinahawakan niya ang buhok ko. Nakakapanindig balahibo promise!

"Wag mo ngang hawakan ang buhok ko, wala akong hinahayaan na humawak jan aba." Sita ko sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Titig na titig lang siya sa akin.

"Hoy! Kanina ka pang ganan. Ngayon mo lang nalaman na maganda ako?" Natatawang sabi ko. If its because of the beer, baka. Napaka-landi ng tawa ko. Hindi naman ako lasing. Sanay naman ako uminom kaya sure ako alam ko ang ginagawa ko. Hindi pa rin siya umiimik kaya ako na ang nagsalita.

"Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo na. Siguraduhin mo na mabubuntis ko ako huh!" Then I giggled after saying that.

Nakakunot ang noo niya ngayon. Napansin ko, mannerism na ata niya ang pagkunot ng noo?

"Gusto mong magbuntis? Tapos ano? Guguluhin mo ako?" He insisted.

No. Definitely no. Asa ka pang makita mo pa ako.

Umiling ako. Hindi na dapat ako magpaliwanag sa kanya. Dapat simulan na namin to ng matapos na.

"I'll pay you, twice sa price na dapat cause you did a great job kanina. Maybe its enough right?" I don't need your money either. Of course I dont let it out kaya tumango na lang ako.

Now, hinawakan niya ako sa braso at dahan-dahan na ibinaba ang roba ko. Tumigil siya saglit upang pagmasdan ang mukha ko pababa sa dibdib ko. Hahawakan niya sana ito ngunit pinigilan ko siya.

"But first lights off." I said. Binuhat niya ako at ibinaba sa kama. Pagkatapos ay pinatay niya ang ilaw at naramdaman ko na tumabi na siya sa akin.

Hinawi niya ulit ang buhok na tumaklob sa mukha ko at sinimulan akong halikan. Nakakapanlambot. Hindi ko alam kung paano tutugon sa halik niya! It's my first kiss.

Hindi ko alam kung bakit napahinto siya sa paghalik sa akin basta sa ngayon ay nakapikit ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at muli, hinalikan ako ng mas matagal..at unti-unti natutunan ko na kung paano sumabay.

Hindi ko alam kung anong meron sa halik niya. Wala naman akong mapagkumparahan kasi siya lang ang nauna. Pero sa halik niya, pansamantala kong nakalimutan ang kaba..

At unti-unti, nagpadala ako sa apoy na sinimulan niyang magbaga.

Sana lang magbunga ang kabaliwang to.

Bayaran.Where stories live. Discover now