Two

17 4 7
                                    

Chapter Two

"Papa!" gulat 'kong sambit at agad siyang dinaluhan.

Agad naming inakbayan si Papa para hindi siya ma-out of balance. Agad naman akong kinabahan sa sitwasyon niya at sa lagay niya. May bandage siya sa ulo habang puno ng sugat ang kamay at paa niya. He can't even walk properly!

Ano nangyari? Naaksidente ba siya? Kapag naiimagine kong galing nga siya sa aksidente, i can't help myself not to worry about his passengers. Are they okay?

"A-anong nangyari sayo?! Diyos ko! Napano ka?!" nagaalalang bungad ni Mama kay Papa.

"A-alis tayo." nanghihina nitong sambit.

"M-magimpake na kayo!" dagdag niyang sigaw.

Mas lalo akong kinabahan sa biglaang sigaw at tono ng pananalita ni Papa. Tila gusto niya kaming tumakas sa kung ano.

"Pa, ano bang nangyayari? Ba't tayo aalis? May pasok pa po ako kinabukas. Di ko kayang basta basta nalang umalis." pagmamatigas ni Ate.

Napatingin naman ako kay Papa na parang anytime ay sasabog na sa sinabi ni Ate. Kahit gusto kong pigilan si Ate sa tono ng pananalita niya kay Papa ay hindi ko na ginawa, mas lalo lang lalala ang sitwasyon kung sasabay pa ako.

"Pa.. Ano ba nangyayari? Ba't bigla bigla tayong aalis? Sa'n ba tayo pupunta?" i asked him nang mas kalmado.

"Tinamaan ng lindol ang bayan k-kanina.. H-halos lahat ng pasahero ko ay patay." he said as his voice cracked.

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa. Mas lalo akong nasaktan nang makitang umiyak na si Papa.

"A-ako lang ang nakaligtas.. Kaya parang awa niyo na mga anak. Umalis na tayo habang maaga pa. Sabihan niyo na ang mga kapitbahay."

"Aalis na tayo.. Luluwas na tayo habang maaga pa." he declared.

"Ano?" iritadong tugon ni Ate.

"I can't just leave. Wala pa namang sinasabi sa balita na tatamaan din tayo ng lindol na yan."

"Anak.." tila nawawalan na ng pasensyang sambit ni Mama.

Agad namang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Ate. Paano niya nasasabi yan? Hindi ba siya naawa sa lagay ni Papa? She's unbelievable!

"Naririnig mo ba yung sarili mo Ate?! Duguan na si Papa tapos iisipin mo pa din yang pag-aaral mo?!" sigaw ko.

I can't hold it. Hindi ako papayag na basta nalang niya itrato si Papa lalo na sa panahon na 'toh. Alam kong sobrang halaga ng pag-aaral. I know that, but in this case maiisip mo pa ba yun?

What if totoo ang sinasabi ni Papa na nagkakagulo na sa bayan? Maiisip mo pa ba yun?

"You can say that because wala ka namang pake sa pag aaral mo di'ba? So stop acting almighty, Astra." pagdidiin nito.

Padabog kaming tinalikuran ni Ate at malakas na binagsak ang pagsarado niya ng pinto. Napabuntong hininga naman ako at napaupo nalang. I can't help myself not to be hurt. She's right, wala naman talaga 'kong ambag kung academics ang usapan.

Kahit anong pilit ko, never akong mageexcel kagaya niya. Pero duh, atlis pretty ako. Char.

Lumipas ang gabi, hindi rin kami nakaluwas o nakaalis. Sobrang nagmamatigas talaga si Ate na mag-stay dahil wala pa naman daw balita tungkol diyan hindi naman namin siya maiwan iwan. Habang ako naman ay kabado sa mga pwedeng mangyari halos di na nga ako makatulog.

Lumipas ang isang araw, wala ngang nangyari at nabalita nang lumindol nga sa Bayan ng Lemery.

Hanggang ngayon ay halos traumatized pa din si Papa sa nangyari. May iilang nakaligtas sa aksidente ang iba naman ay dead on arrival na.

"Sabi ko sayo eh, wala namang lindol." pagpaparinig ni Ate.

Tahimik lang naman akong nagsusuklay habang inaayos ang mga ititinda ko uli mamaya. Kailangan ko kasi makaipon ng lampas isang libo para sa sapat na gamot ni Mama.

"Edi wow." sagot ko.

Mabuti nalang at hindi narinig ni Ate ang simabi ko kundi sasabunutan na naman ako nun. Hindi ko naman matatanggi na matalino talaga si Ate Leah. Siya nga ata ang pinakamatalino dito sa baryo.

Mapapasana lahat ka nalang ghorl.

"Alis na 'ko." paalam nito sa'kin bago lumabas ng pinto.

"Alis na ko." mahinang panggagaya ko bago umirap.

Pagkatapos ko mag-ayos ay nagpaalam na ko kay Mama at Papa. Hindi ko naman maiwasang hindi maawa kay Papa kaya naman ay binigyan ko siya ng paninda ko.

Ang tinda ko ngayon ay biko, request kasi yun ng mga panget kong classmate. Charot.

Atsaka dumiretso na sa bahay ni Felicia. Of course, she's my ghorl! Skkrt! Di ko kayang di kami sabay noh?

Pag labas ko ay parang tatakbo akong senador. Andami ko kasing kaibigan dito kaya naman madami dami akong binabati kada umaga.

Agad na lumabas si Felicia sa bahay nila. Hindi ko alam kung ba't feeling ko nangyari na ang mga bagay na 'toh. Parang umulit.

"Astra!" tawag niya sa'kin at niyakap ako.

Natulala ako nang unti at medyo nagulat sa yakap niya. Kung dati ay tinutulak ko siya palayo ngayon ay niyakap ko siya pabalik.

Hindi ko alam kung ba't ganito. Ano ba nangyayari sa'kin?

"Ays ka lang? Di mo ata 'ko tinulak ngayon ah? Namiss mo ba ko?" pangaasar nito sa'kin.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad nalang. Gosh, kakakita lang namin kahapon miss agad?

"Joke lang eh! Oy wait!" natatawang sambit nito at hinabol ako.

"Narinig mo ba yung nangyari sa bayan?" tanong niya nang mahabol niya ako habang nakain ng tinapay.

"Oo.. Ba't ganoon noh? 'Di umabot dito?"

"Malayo layo pa kasi yun dito. Atsaka wag mo naman iwish teh. Alam mo namang paglumindol dito sobrang lakas." pagkwekwento niya at tumawa.

Tumango nalang ako at napatitig sakanya. Kahit sa bahay ay hindi ko alam kung ba't gusto ko silang titigan ng matagal. Hays, ewan.

Normal lang ang naging takbo ng araw ko. Swerte ko lang ngayong araw kasi hindi ako nahuli ni Ma'am at naubos ng mga kaklase ko ang paninda ko.

Gosh, so swerte ko this day tapos maaga pa kaming pinauwi. Lucky ka ghorl?

Nang maguwian ay sabay uli kaming lumabas ni Felicia ng school, as usual. Hindi na nga ata kami mapaghihiwalay eh.

"Tambay tayo sa dagat." nakangiting sambit ko habang naglalakad kami pauwi.

"Geh ba, uy gagi wag mo na 'ko uling tulakin ha? Yoko na maglaba uli." natatawang sambit nito.

"K fine." bored kong sagot.

Favorite kasi naming tambayan ni Felicia yun tuwing uwian lalo na't pag maaga kaming pinauwi. Nang makarating kami ay agad kaming tumakbo sa may bench.

Mabuti nalang at ayos na dito, nagiging tourist spot din kasi ito kaya naman pinaganda ng baranggay at nilagyan ng mga upuan.

Nang makaupo kami ay agad naming tinignan kung paano bumaba ang araw.

"Astra.." tawag niya.

Natigilan naman ako at napatingin sakanya. "Ano yun?"

"Balik uli tayo dito uli bukas ha?"

Agad naman akong ngumiti at binalik ang tingin sa karagatan.

"Sira, syempre naman."

Binalik ko naman uli ang tingin sakanya. Naabutan ko namang nakatingin pa din siya sa'kin.

"Be happy, Astra." she said like it was her last words.

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon