Three

14 3 5
                                    

Chapter Three

"Baliw.. Ano ka ba, para namang madededz ako sa sinasabi mo." natatawa kong sambit habang nakatingin pa din sa'kanya.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Kahit sino naman, ata.

"Loka, bawal bang sinabi ko lang na gusto kita maging masaya. I don't know, it just came out of my mouth." casual niyang sambit at isinandal ang katawan sa bench.

"Umuwi na nga tayo. Maggagabi na, drama ka ghorl?" i joked.

Umuwi na nga kaming dalawa. Baka hinahanap na din kami sa kanya kanya naming bahay kaya napagpasyahan ko na ring umuwi.

"Bye!" nakangiting sambit ni Felicia sa'kin bago kumaway at pumasok sa bahay nila.

"Bye!" tugon ko at ngumiti ng malawak.

Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib ko nang magpaalam kami sa isa't isa. Agad naman akong napailing iling.

Pumasok na ako sa bahay kagaya ni Felicia. Natigilan naman ako nang makitang walang katao-tao doon. Where are they?

"Ma?"

"Pa?"

Tinignan ko pa ang lahat ng kwarto sa bahay para hanapin si Mama o si Papa man lang pero ni bakas nila ay wala.

Nasa'n sila?

Nagikot ikot ako sa bahay dahil baka may sulat doon o anong paalam. Meron ngang sulat. Agad ko naman itong kinuha. Mabuti nalang at nakadikit lang sa lamesa at nakita ko agad.

Anak nasa bayan kami ng Papa mo. Ipapacheck up ko na, hindi pa din ayos ang lagay eh. Ang Ate mo naman ay nasa school niya pa din. Magiingat ka, anak. May pagkain diyan. Masarap yan.

-Mama.

Napanguso nalang ako at hinanap ang makakain na tinutukoy ni Mama. Medyo napanatag din ang loob ko dahil mapapacheck up na si Papa. Sana talaga maging okay na siya uli at sana hindi sila mapano sa bayan.

Nagpalit muna ako ng damit pambahay bago hanapin yung pagkain. Naeexcite ako ha. Napangiti naman ako nang malawak nang makitang cake pa pala yung pagkain na tinutukoy ni Mama. Gosh, feel ko umattend siya ng birthday-an kaninang umaga.

Naisipan kong puntahan si Felicia para maghati kami. Magkapit-bahay lang naman kami 'noh.

Sharing is caring. #MottoOfTheDay

Nakangiti kong dinala ang pinggan palabas at agad nagsuot ng tsinelas para makalabas na.

Nabitawan ko ang cake na hawak ko at napaupo. Ang malakas na paguga ng lupa ang nagpabagsak sa'kin at nagdulot sa'kin upang matapon ko ang cake na hawak ko.

Agad kong nilingon ang bahay namin na halos rinig na rinig mula dito sa labas ang pagbasag at pagbagsak ng mga babasaging gamit sa loob ng bahay namin.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang lumingon ako makitang unti unting bumabagsak ang pundasyon ng bahay ni Felicia.

"OH MY GOSH!" gulat kong sambit at napaurong ng kaunti.

All i can hear was my heavy breathing while looking at their house turn into pieces. My toes were trembling.

Agad akong tumayo at hindi na ako nagdalawang isip pa para tumakbo na agad papunta sa bahay nila Felicia.

Nasa loob si Felicia! She's there.. She's fucking there. I have to save her.. Ayan ang ulit uling pumapasok sa utak ko. Memories of her flashed into my mind. Her smile, how she laugh. Everything about her was flashing.

Ang buong paligid ay nagkakagulo. Ang mga puno at ang mga gate sa labas ay malakas na nagkakalampagan habang malakas na nagsisigawan ang mga tao.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot but i tried so hard to keep my balance. Hindi ako pwedeng bumagsak.. I can't just give up!

Kapag sumuko ako.. Mamatay ako.. Hindi ko pa nabibilhan ng gamot si Mama.. Gusto ko pa siyang makitang labanan ang sakit niya.

"Lumikas na kayo!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ng babae.

"Felicia! Armin! Aling Celia!" sigaw 'ko at sabay napaubo sa alikabok na nalalanghap ko.

Buong tapang akong pumasok sa loob at hindi naisip na pwede akong mabubog dahil sa mga gamit na nagbagsakan.

"Felicia!" i cried while looking everywhere.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I cried and cried just to find her. Nagbuhat ako ng mga kahoy at bakal dahil nakaharang ang mga ito.

I felt relieve nang may mga marinig akong nasigaw ng tulong. It was them! Dali dali kong sinundan kung sa'n nanggagaling ang sigaw na yun.

Agad akong napangiti nang makita ko sila Felicia at ang mga kapatid niya. May matibay na kahoy na nakaprotekta sakanila kaya hindi sila nadaganan.

"Astra!" she cried at niyakap agad ako ng mahigpit.

I can feel how scared she was. Nanginginig pa ang kamay niya habang yakap ako.

"Umalis na tayo dito, okay?" iyak ko.

Agad kong binuhat ang kapatid niyang maliit na si Armin. Si Felicia naman ay sumunod sa'min. Armin was her little brother. He's just five years old. I can feel my heart aching with the thought that Armin is experiencing this.

Napasigaw kaming dalawa ni Felicia nang mas lalo nagbagsakan at mas lumakas ang lindol. I can hear his brother crying on my shoulder while silently praying.

Hinawakan ko ang kamay ni Felicia at tumakbo na kami palayo at pilit naghahanap ng ligtas na lugar.

"Si Aling Celia?! Nasa'n siya?" tanong 'ko habang nakikipagsapalaran kami sa lindol.

There are times na nadadapa kami at nahihilo sa sobrang lakas ng uga but we're trying our best to stand up again.

Gusto ko nang sumuka sa sobrang hilo at sa alikabok na nalalanghap ko. My body feels like it's surrending.

"H-hindi ko alam Astra.." iyak niya.

"Nawawala si Mama.. Patay na ba si Mama, Astra?"

"Hindi ko kayang mawala siya, Astra. Hindi ko kaya.." iyak niya at humagulgol sa'kin.

Hindi ko naman siya nasagot at walang nagawa kundi yakapin nalang siya. Ang sakit.. Hindi ko kayang nakikita siyang nagkakaganito.

Agad naman kaming napayukong lahat nang biglang may pumutok ng malakas. Nanlaki ang mata ko nang dirediretsong nagbagsakan ang ang pundasyon ng kuryente na tila domino ito.

The sound of it was terrifying. It's a horror for me. Mas lalong lumakas ang iyak ni Armin nang dahil sa tunog nito. Kahit si Felicia din ay mas lalong humikbi habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon uli para maglakad uli palayo but i can't. Parang nabaldado na ang paa ko dahil sa mga sugat at pasang nakuha ko kanina.

Natigilan kaming lahat nang may kagrupohan ng militar ang dumating.

"Tulong!" napapaos kong sigaw.

"Tulungan niyo kami!" sigaw ni Felicia at tinaas ang dalawang kamay para humingi ng tulong.

Agad akong napangiti nang malawak nang mapansin kami nito. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang papunta na ang direksyon nito dito. Sa mga oras na yun ay naramdaman kong ligtas na uli kami.

Ngunit.. Maliligtas na ba talaga kami?

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Where stories live. Discover now