Twelve

16 3 7
                                    

Agad akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig. Wait, ba't ang lamig naman dito sa kwarto?

Unti unti kong minulat ang mata hanggang sa bumungad sa'kin ang puting kisame.

"Sit."

Hindi ko alam kung bakit bigla 'kong napaupo nang sinabi iyon ng isang boses lalaki.

Wait... Raze?!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wait.. I mean, anong ginagawa ko dito?!" sigaw ko sakanya nang marealize na nasa kwarto niya ko.

Tahimik lang siyang nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro. He's wearing a specs that makes him look more intimidating.

"Hoy! Sagutin mo 'ko!" sigaw ko at hindi makatayo dahil sa sinabi niyang sit.

The eff is happening to me? Bakit hindi ako makatayo?

"That's your consequence for kissing me without a consent." walang emosyon nitong sambit sabay nilingon ako.

Napapikit naman ako nang mariin nang maisip iyon. Gosh, naalala ko na naman.

"Can you explain ba't hindi ako makagalaw?" iritadong saad ko.

"You're my familiar, remember? And I'm your God. I can do whatever I want to you."

"Wag mong sabihing gagawin mo 'kong alipin?"

Shit, did i just gave him ideas?

"Maybe?" nakangising sambit nito at tila nangaasar.

Medyo nagulat naman ako sa pag ngisi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kahit ngisi lang yun. Atleast kahit papano nakita ko na siyang ngumiti, slight nga lang.

Nang matauhan ako sa sinabi niya ay agad kumunot ang noo ko.

"Ano?! Gagawin mo 'kong alipin?!" i shouted.

Naramdaman ko naman agad na nag init ang ulo ko sa bwiset. Binabawi ko na yung sinasabi ko kanina.

Wait, chill Astra, ginagawa mo to para makita mo ang pamilya mo ulit okay?

Hindi niya ako sinagot at tumayo bigla at iniwan akong mag isa sa kama.

"Hoy! Wag mo ko iwan!"

Ngunit tila hindi ako nito narinig at dire diretsong umalis sa kwarto. Gagsti, gusto ko siyang sapakin.

Mga ilang minuto akong nag intay na bumalik siya. Habang nagiintay ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kwarto niya.

Hindi ko akalain may kwarto pa pala sa loob ng kwarto niya. Parang yung mga nalabas sa TV lang na mayayaman. Sobrang linis din ng kwarto niya, pero hindi ko expect na ganito kalinis.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na din siya. Pag ka dating nito ay pumalakpak ito ng isang beses na nagpagalaw uli sa'kin.

Grabe hindi ko alam na may ganito siyang powers. Edi sana hindi na 'ko pumayag, charot.

"We're leaving." he said as he removed his specs and simply licked his lips.

"H-huh? Saan tayo pupunta? Alam na ba nila Ganda 'to?" naguguluhan kong sambit.

"Stop calling him Ganda, his name is Vincent." he coldly said as he rolled his eyes at me like I looked dumb or something.

This man, really.

"WOAH." gulat kong sambit at napanganga pa nga.

Gosh, Vincent?! Seryoso?! Gusto kong tumawa ng malakas. Nang hindi ko na mapigilan ay tumawa na ako ng sobrang lakas.

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Место, где живут истории. Откройте их для себя