Fourteen

10 3 0
                                    


"H-huh? Ako? Yung pinunta mo?" gulat kong sambit.

Nababaliw na ba 'toh? Ako? Pinunta niya dito? That's impossible.

"Yup, by the way, I'm Leo." sambit nito bago nilahad ang kamay niya sa'kin.

Lumipat naman ang tingin ko sa kamay niya. Bumuntong hininga muna ako bago tanggapin yun. Wala naman atang masama kung tatanggapin ko di'ba? He seems nice naman.

"You're..?"

"Astr-"

"What the fuck are you doing here?"

Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang biglang sumulpot si Raze sa tabi ko. Akala ko ba may mission siya ngayon? Ba't siya nandito? Papatayin ba 'ko nito sa gulat?

"Raze! Ano ginagawa mo dito? Di'ba may mission ka ngayon?"

"Tapos na ko." malamig nitong sambit na tila papatayin niya na ko sa mga tingin niya.

Galit ba siya?

"Ikaw? Ba't ka nandito? Ba't mo kinakausap yung lalaking yan?" iritado nitong tanong sabay lipat ng tingin kay Leo na nakangisi at tila ineenjoy 'tong moment na 'to.

"It's nice seeing you again, killjoy." pangaasar nito.

"Shut the fuck up and leave my house." singhal ni Raze.

"Sorry bro, but I'm here to have a date with Astra."

Napanganga naman agad ako at gulat na gulat na tumingin kay Leo.

Date?! Okay lang ba si'ya?

"H-ha? Ano?"

Nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang hinila ang kamay ko at sabay inakbayan ako.

"Don't worry.. Hindi naman ako nangangain." bulong niya hanggang sa nagteleport kami sa kung saan.

Fudge, lagot ako kay Raze nito!

Nang makarating kami sa destinasyon ay agad ko siyang nilayuan. Did he just kidnapped me?

Napunta kami sa isang coffee shop, mabuti nalang at hindi gan'on kadami ang customers. Hindi na ako nagulat sa coffee shop na 'to kasi parang mundo ko noon din naman 'tong Wonderland. Ang pinagkaiba lang wala dito ang pamilya ko.

"Anoba! Ba't bigla bigla mo nalang akong hinihila sa kung saan! Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sakanya.

Ngunit kahit nakailang sigaw na ako ay nakatitig lang siya sa'kin at pilit na tinatago ang ngiti.

"Di mo ba 'ko sasagutin!? Kanina pa ako sigaw ng sigaw!" inis na inis kong sambit.

"You're gorgeous." saad niya na nagpahinto sa'kin.

Natigilan naman ako sa sagot niya at nagulat. Hindi ko alam kung ba't ako natigilan sa sinabi niya.

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" sigaw ko at sabay tinalikuran siya.

Binilisan ko ang lakad ko palayo kasi ang main goal ko lang naman ngayon ay makaalis at makabalik! Hindi niya ba alam na pwede akong patayin ni Raze sa ginawa niya?

"Hey! Wait!" natatawang sambit nito habang hinahabol ako.

Sa kasamaang palad mas mabilis siyang maglakad sa'kin kaya naabutan niya ako, agad niyang hinuli ang kamay ko para iharap ako sakanya.

"Anoba! Uuwi na ko!" iritado kong bungad.

"I'm sorry but I can't help you with that.. You're house is too far from here." tila nakokonsensya nitong sambit pero mas lamang ang tuwa sa boses nito.

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Where stories live. Discover now