Four

14 4 4
                                    

Chapter Four

Tahimik lang akong nakatingin sa magulong bayan namin habang ang mainit na hangin at ang paglagkit ng katawan ko ang nangingibabaw.

"M-magiging okay na ba tayo.. Astra?"

Napalingon ako kay Felicia na umiiyak pa din hanggang ngayon. I think she's still traumatized about what happened.

I gently squeeze her hand to ease her anxiety. "Magiging okay lahat okay..? Magsasama sama tayong tatlo." bulong ko sakanya.

"P-paano kung makaligtas nga kami..? Paano naman si M-mama, Astra..? Patay na si Papa. Si Mama nalang ang meron kaming mag kapatid. What's the point of surving?!" malakas na sigaw niya at humagulgol ng malakas.

Agad namang bumagsak ang tingin ko kay Armin na mahimbing na natutulog sa tabi ko. It hurts so bad.

Halos lahat ng tao sa sasakyan ay walang pake kung may umiyak man ng malakas o may magwala. It's like their numb. Walang pakiramdam at manhid na sa mga nangyari.

Mabilis kong hinila ang kamay ni Felicia para yakapin siya ng mahigpit.

"She's fine.. Okay? Nasa evacuation center lang siya iniintay kayo. So please.. Stop saying that." naiiyak kong bulong.

I know everything i said was a lie. But I'm still hoping she's there. Umaasa pa din akong nandun siya naghihintay kila Felicia. Naghihintay sa mga anak niya.

Maayos ang naging takbo ng biyahe dahil medyo kumalma na ang lindol ngayon. Parang nabunutan naman ako ng tinik nang makarating na kami sa evacuation center.

We're fine now. I really hope we'll be okay.

"We're here.."

Nagising si Armin sa sinabi ko at agad na silang dalawang bumangon para makababa. Halos sing-kwenta katao ang nasa loob ng sasakyan nang naglabasan. Doon ko lang narealize na sobrang dami pala namin.

Nang makababa kami ay agad kong binuhat si Armin dahil alam kong masyadong mahina pa si Felicia para buhatin siya. May mga sundalong nagguide sa'min papunta sa evacuation center. Sumunod lang naman kami.

"Ate.. Nandito po si Mama di'ba?" biglaang tanong ni Armin habang nakatingin sa'kin.

Agad naman akong napalunok at nagiwas tingin. I quickly cleared my throat before looking at him again. I need to smile for him.. I need to lie.

"S-she's there waiting, Armin.. Kaya wag ka ng magkukulit sa Mama mo h-ha?" naiiyak kong sambit at pasimpleng hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Opo Ate! Hindi na ako magkukulit. Ayoko pong mawala si Mama. Ayoko po siyang umalis dahil bad ako noh!" nakangiting sambit nito.

"Good boy." bulong ko.

Habang palapit kami sa evacuation center ay agad akong kinabahan. Paano kung wala talaga si Aling Celia sa loob?

Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari yon. Kapag dating namin sa evacuation center ay sari saring tao ang nasa paligid.

Halos lahat ay pamilyar ang iba naman ay sa tingin ko ay sa kabilang baryo. I also saw my few classmates inside.

Pag kapasok palang namin ay agad nang tumakbo si Felicia para maghanap at magtanong.

"Nakita niyo po ba si Nanay?"

"Si Nanay po..?"

"Nasa'n po siya?"

Ayan ang ulit uli niyang tanong sa mga tao sa loob ng evacuation center. Ngunit ni isa ay walang nagsabing nakita nga nila si Aling Celia.

Agad kong sinundan si Felicia na kasalukuyang nagtatanong na sa mga militar. Agad namang yumakap nang mahigpit sa'kin si Armin para hindi siya mahulog.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. It feels like it's going to explode.

"C-celia Gonzales po ang pangalan ng nanay ko.." iyak ni Felicia.

"Mga nasa ilang taon? Anong suot niyang damit nung umalis siya sa bahay niyo?" sunod sunod na tanong ng sundalo habang nililista ang binabanggit ni Felicia.

"Nakadaster po si Mama at tsinelas.. A-ang sabi niya po sakin ay bibili lang po siya ng ulam. Hanggang sa.." hindi na natuloy ni Felicia ang salita niya hanggang sa bigla siyang nawalan ng malay at bumagsak.

"Felicia!" sigaw ko.

"Ate!" sigaw ni Armin.

Agad ko namang binaba si Armin para pilit gisingin si Felicia. "Felicia!" nagaalala kong sigaw.

"We need some medics here, Sir. Someone collapsed here in my area." sambit ng sundalo sa walkie talkie niya.

"Felicia, gumising ka.."

Nilayo muna kami ng sundalong nagassist sa'min habang dinala nila si Felicia sa mga nurse at doctor. Tahimik namang umiiyak si Armin sa tabi ko tila ayaw niya akong magalala sakanya.

Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. "She's okay.. She's okay.." ulit uli kong bulong habang nagpapatakan na ang mga luha sa mata ko.

Nang makalipas ang ilang minuto ay pinuntahan na kami ng sundalong nagaassist sa'min kanina. Napatingin naman ako sa name tag niya.

He's Capt. Ivan Magsaysay. Tingin ko ay halos sampung taon ang agwat namin.

"Sumama ka sa'kin." sambit niya habang nakatingin sa'kin.

"Pwede ko ba siyang isama..?" tanong ko at tinignan si Armin na nakayakap sakin.

Umiling naman ito. Nagets ko naman ang pinahihiwatig niya kaya tumango nalang ako.

"Armin.. Dito ka muna. Babalik si Ate ha?" sambit ko.

Tumango lang naman ito at tahimik kaming pinagmasdang makalayo ng sundalo.

"Saan po tayo pupunta?" i asked.

"Sa mga nakuha naming patay. We'll see if the Celia you're looking for was there."

Napalunok naman ako at ulit uli nagdadasal sa isipan na sana wala siya roon. Tingin ko ay hindi kakayanin ni Felicia.. She's way too soft to handle this. But she need to be strong, that's why I'm here to guide her..

Medyo nagulat din ako dahil english speaking ang sundalong ito. Hindi katulad ng ibang sundalo nakasalamuha ko ay tagalog lang talaga.

Napaawang ang labi ko at napaurong sa sobrang gulat nang makita kung gaano karaming katawan ang tinakpan ng puting tela.

"Shit.." i muttered.

Nanginginig na ang kamay ko dahil hindi ko akalaing ganito karami ang namatay. Gusto ko magwala at umiyak nang umiyak habang paulit uli na nagdadasal na sana wala si Aling Celia sa mga katawang yan.

Sinundan ko lang ang sundalo. Tingin ko ay nakahanay na ang mga katawan dahil ang mga tingin ko'y bata ay magkakasama sa isang lugar.

Tangina.. Ang sakit.

Tumigil ang sundalo sa isang katawan at agad na umupo para alisin ang tela. Nang maalis niya ang tela ay agad akong napatakip sa bibig ko.

"Siya ba ang tinutukoy niyo?" he asked.

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Where stories live. Discover now