Seven

8 2 7
                                    

Chapter Seven

Agad akong napalunok sa sinabi niya. That guy or girl.. Was my guardian angel?!

"Dang sakit teh ha? Kala mo naman mapapatay mo 'ko eh matagal na kong patay.."

"Patay na patay shayo bossh." maarteng sambit nito at sabay kinindatan ang lalaking may hawak ng kamay ko.

Tinignan naman siya pabalik ng lalaki ngunit wala pa din itong ekspresyon o kahit ano. Nang marealize niyang hawak niya pa din ang kamay ko ay agad niya itong tinanggal. Tila nandidiri siyang hinawakan niya iyon.

I was shock when his red eyes swiftly shift into mine. My heart race so fast. But i know it's not because I'm inlove, it's different.. It's the first time i felt this way.

"Leave my house." malamig nitong sambit atsaka tinalikuran ako.

Tila nakahinga ako ng maluwag nang makaalis siya. Ewan ko ba pero sobrang bigat ng presensya niya sa'kin. Pareho lang naman kaming patay di'ba?

But wait, did he just tell me to leave?

Huminga naman ako nang malalim para magpigil ngunit hindi ko na nakayanan. "Ang lakas naman ng loob mong paalisin ako! Eh diba kasabwat ka din dito?! Ang kapal din naman ng mukha mo eh noh?!"

Agad naman akong napatakip sa bibig ko. Shit kahit kailan talaga pahamak tong bibig ko!

Agad naman akong napalingon sa guardian angel ko na tila gusto niya akong pigilan pero hindi niya magawa. Mukha tuloy siyang nagmumusically na ewan.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang humarap uli sa'kin.

"Ang sakit sa tenga ng boses mo." iritadong sambit nito at hindi na nagdalawang isip na iwanan ako.

BWISET! Sino ba siya?! Akala mo kung sino makaasta! Nakakagigil! Da't pala hindi ako sumuko sa paghinga kung alam kong ganito lang din pala ang mapupuntahan ko.

"Aalis na 'ko. Turo mo sa'n yung daan." inis kong sambit.

Napatingin naman ako sa guardian angel ko kasi hindi pa din siya sumasagot.

"Just tell me the way.. Can you? Para matapos na." pagpipilit ko sakanya dahil parang ayaw niya talagang magsalita.

"Sa totoo niyan.."

"Sa totoo niyan?" pag-ulit ko.

"Wala ng daan pabalik sa mundo mo teh.." nagaalangan niyang sambit.

"H-huh?? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

I was stunned when his hand suddenly flashed. My lips immediately felt pity. When it shone, he immediately threw it into the sky, which caused the butterflies to come out. I seem to be floating in beauty because I see all kinds of flowers and butterflies. I even saw kids running carefree.

Pagkatapos ay nawala ito at bumalik ako ulit kung nasaan ako. Ramdam ko ang mabigat kong paghinga sa mga nakita ko.

"You're in Wonderland now. It's a place were only good souls can live. Welcome to the Wonderland, Miss Hermoine."

ANO???!

--

"Gosh, nabigla ko ata siya masyado. Ano sa tingin mo Fafa?"

"Yeah i think so, should i get  more ice?"

"Patay na yan. Itapon niyo na."

"Kuya! Stop bullying her, ikaw na nga 'tong may kailangan sakanya."

Unti unti kong minulat ang mata ko. Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang makitang may apat na lalaking nakapalibot sa'kin. Char, hindi pala sila lahat lalaki.

"Are you okay? I'm sorry for the trouble."

"Trouble? Siya yung trouble dito kaya palayasin niyo na."

"Teh ano ays ka na ba?"

"Can we play po?"

Agad naman akong napahawak sa ulo ko. Shit ba't ba sabay sabay sila nagsasalita? Wait ba't ang dami na nila.

Nang medyo umayos ayos na ang paningin ko ay halos mahulog ang panga ko sa gulat. Ang gwagwapo nila!

Omg, okay na din pala tong napuntahan ko. Charot.

"Do you want to eat..?" marahang tanong ng isang lalaki kasi tangkad lang din halos ng masungit na nakausap ko kanina.

Tingin ko ay magkakapatid sila eh ang gwagwapo nilang lahat maliban sa guardian angel ko. Chos!

Ang lalaking red eyes na nakausap ko kanina at ang nagtatanong sa'kin ngayon ay tingin ko'y halos three years lang ang agwat nila sa isa't isa. Habang ang isa namang lalaki ay bata pa. Sa tingin ko ay eleven lang siya o ten years old.

Halos mapatalon naman ako nang inayos ng lalaki ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"I'm Xianne." nakangiting sambit nito.

Ba't ang bait niya? Samantalang yung kapatid niya ay akala mo pinaglihi sa sama ng loob.

"I-i'm Astra.." mahinang sambit ko.

"Uy pabebe siya." pangaasar sa'kin ng guardian angel kong bwiset sa buhay.

Sinamaan ko naman agad siya ng tingin. Napagplanuhan ko namang magsalita uli dahil ang tahimik nila. Napakagat labi pa ako bago magsalita.

"Can i know why I'm here after i died..? Sino ba kayo?" sunod sunod kong tanong.

I can't help not to be cautious and curious about everything. What if it was all set up? What if ang ending ay ibebenta nila ang kaluluwa ko sa kasamaan?

"Chill. We're harmless." ani Xiann at tinaas ang dalawang kamay niya na tila proteksyon.

"Fine magpapakilala na me. So I am Princess Victoria Evangeline Leonora Maria Freya S. Maganda."

Napangiwi naman ako sa introduction ng guardian angel kong ewan. Final na? Siya na talaga guardian angel ko? Char!

"Naguluhan ka noh? Ganda nalang tawag mo sa'kin. Final na yon wag ka nang choosy."

Kahit gusto ko siyang tanggihan at itulak ay hindi ko magawa dahil andaming nakatingin sa'kin. Nakakaconcious eh.

"Okay.." sagot ko nalang.

Naaptingin naman ako nang biglang sumulpot ang batang pogi din. Hays, baka kung nandito si Felicia tuwang tuwa yon.

Geez, i miss her.. so much.

"I'm Prince!" sambit nito at nginitian ako ng malawak.

"Hello Prince." sagot ko sakanya at nginitian siya.

"Kuya, ikaw naman magpakilala." rinig kong bulong ni Prince sa Kuya niya at pasimple itong siniko.

"Raze." malamig nitong sagot bago umalis sa kwarto. Sumunod naman sakanya sila Ganda at Prince. Kaya tuloy naiwan nalang kami ni Xianne.

Aish! Inano ko ba siya?

"Pag pasensyahan mo na yung kapatid ko.." alanganing sambit ni Xianne sa'kin at napakamot sa ulo niya.

Aw, ang cute. Hays. Pwede ko ba siya ilagay sa garapon? Dejoke.

"It's fine.. Hindi naman ako magtatagal dito." nakangiting sambit ko.

"Salamat sa lahat Xianne.. Pero kailangan ko nang bumalik kung sa'n talaga yung mundo ko. Kung sa'n ako nararapat.." malungkot kong sambit.

I was about to stand up when he automatically grabbed my hand. Agad namang bumagsak ang mata ko sa kamay niya.

"Please don't." pagpigil niya.

Naramdaman ko na naman ang mabibigat kong paghinga sa ginawa niyang paghawak sa'kin. Shit, ano ba talagang meron sakanila? Bakit ganito?

"My brother needs you, Astra. He needs you."

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Where stories live. Discover now