Twenty

1 0 0
                                    

Natauhan ako nang may biglang tumulak sa'kin nang malakas na nagpabagsak sa'kin. Shocks, ang sabog ko. Agad naman akong napabagsak dahil doon, mabuting nalang at mahaba ang dress na suot ko at hindi ako nakita. I'm glad my satin slip dress was'nt that short.

"Ang lakas mo din namang magyabang 'noh? How could you ruined this party huh?" sigaw nang isang babaeng mukhang nasa 40 and above.

She's wearing an elegant white gown while she's filled with shining accessories. You can really see how elegant and rich she is on the way she dress tonight. Tahimik lang akong nakatingin sa'kanya at napagpasyahang tumayo na. Agad ko namang tinignan ang pwesto ni Raze kanina. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala na siya doon. Our plan work. I quickly shifted my eyes to the exit door then I saw him carrying our target.

"Call the guards immediately! I can't believe na ang isang kagaya mo nakapasok dito sa party ng asawa ko." nanggigil na sambit ng ginang sa'kin habang hinihingal sa sobrang galit sa'kin.

Nginisian ko nalang siya at tinalikuran bago dumiretso sa upuan namin kanina ni Raze at kinuha ang bag ko na nakapatong doon. Nang makuha ko iyon ay agad ko iyong binuksan at hinagis kung saan saan ang mga perang laman noon. Puno ito ng isang libo ngunit hindi ako nagdalawang isip na ihagis iyon sa harap nila. Narinig ko naman ang pagkagulat nila. Nilingon ko naman ang ginang uli.

"I hope this is enough to pay for what I've done." nakangiting sambit ko bago sila tinalikuran at sinuot ang shades kong itim. May isang babae pa akong nakitang nahimatay sa ginawa ko ngunit hindi ko nalang iyon binigyan ng pansin at dire-diretsong lumabas ng venue.

---

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako ng venue. Ginawa ko ba talaga yon?! Omg. I can't believe I've done such a thing! Okay kalma Astra, this is part of your mission. So, everything will be okay. Tapos na yung mission mo okay? It's a success.

Dumiretso na ako sa kotse kung saan kami nagpark ni Raze. I think nand'on na sila. Minadali ko na ang paglalakad ko dahil baka may makapansing pang nawala ang babaeng kinuha namin.

Nang makalapit ako sa kotse ay dali dali kong binuksan ang pintuan at pumasok na sa loob. Agad ko namang sinarado iyon at napatingin na sa babaeng kinuha namin. I was in awe, when I saw her. She's wearing a red silk dress while her hair is a long and curly. Her eyes were big and you can really see how beautiful it is. The pinkish of her lips screams.

Natulala naman ako sakanya at medyo naalangan nang nilingon niya ako. Agad naman akong nginitian nito.

OMG, feel ko babae na ata ang gusto ko ngayon. Charot.

"Hello." eleganteng bati nito.

"I'm Delilah." saad niya bago nilahad ang kamay.

Parang pamilyar yung pangalan niya. Hindi ko lang matandaan. Bago ko ito tanggapin ay napatingin ako kay Raze na nasa shotgun seat. Tahimik lamang itong nakatingin sa bintana. Bakit ang tahimik niya?

Natauhan naman ako agad at tinanggap ang kamay nito. Jusmeyo, pati yung kamay niya ang lambot ghorl!

"I'm Astra." nakangiting sambit ko.

Nagbitaw na ang kamay naming dalawa kaya naman nadismaya ako. Charot. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganito palang kagandang babae sa mundo. Omg, wake up Astra. Baka mahalata niyang girl crush mo na siya!

"Hindi ako makakarating dito kung.. wala yung tulong mo. Thanks for saving me from my stepdad. It really means a lot to me." nakangiting sambit nito.

"Wala yun, ano ka ba. Pero pwede ba magtanong.. Bakit ba gusto mong umalis sa lugar na 'yon? Kung okay lang naman.." naiilang kong sambit.

Ang alam ko lang kasi ay tutulungan ko lang si Raze na itakas namin siya. Nagplano kami pero hindi ko pa din alam kung anong dahilan at kung anong rason kung bakit kailangan namin siyang itakas. Hindi ko na natanong si Raze kasi feel ko din naman na ayaw niyang sabihin. Kasi kung gusto niya naman sabihin, inexplain niya na agad sa'kin yung rason.

"I just hate them. That's all." casual na sagot nito bago sumandal.

Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niyang 'yon. Tingin ko hindi lang iyon ang rason niya kung bakit gusto niyang umalis. As she mentioned, she's with her stepdad not her biological father.

"By the way, what's your relationship with Raze?" tila nangaasar nitong tanong.

"I'm his familiar."

"Really? My ex has a familiar now?" tila di makapaniwala nitong sambit.

Wait.. ex? Tama ba yung rinig ko?

"Delilah." tila nagbabantang saad bigla ni Raze.

"Why? What's wrong about it? You're my ex, right? Should I still call you love? I can, if you want-"

"Delilah! Can you just please stop?" biglang sigaw ni Raze.

Natahimik naman si Beatrice sa sigaw ni Raze na kinagulat ko din.

"Okay, okay. Chill. Alright? Geez, Hindi ka pa din talaga nagbabago. You're still a hot-headed guy." natatawang sambit ni Beatrice.

Agad naman akong nanahimik at hindi ko alam kung ba't ako nasaktan. Now I remember.. Siya ang tinutukoy ni Ganda kanina. Delilah Ferrer. Hindi ko alam kung ba't bigla akong napatingin sa damit ko. It's her dress.. Ni hindi man lang ako nagpaalam sakanya na hiramin ko ito.

No wonder, kung bakit nagustuhan siya ni Raze. Her beauty is ethereal, she seems kind too. Sinong hindi magkakagusto sa kagaya niya?

Mga ilang minuto din ay nakadating na kami sa mansion. Naging tahimik at smooth lang ang naging biyahe namin. Hindi na din nagsalita si Delilah pagkatapos noon dahil tingin ko ay ayaw niya nang guluhin pa si Raze.

Apektado pa din ba si Raze sa nangyari sa kanila?

Pinagbuksan kami ng pinto ng driver pagdating. "Salamat Kuya.." sambit ko nang makababa.

Dumiretso kaming tatlo sa loob ng bahay. As expected, mas lalong tumingkad ang ganda ni Delilah nang nakita ko na siyang tumayo.

Pag dating namin sa bahay ay nagulat ako nang may makitang may mga maids na dahil pinagbuksan kami nito ng pinto. Pag pasok namin ay bumungad sa'min si Ganda.

Gulat din ang ekspresyon nito ng makita si Delilah. Napagpasyahan namin na kumain na muna dahil baka gutom na din si Delilah. Nagsimula na akong magserve ngunit hindi ko na din natuloy dahil pinigilan ako ni Raze.

"Sit here.. with us." saad nito habang nakatingin sa'kin.

Wala na akong magawa kundi sumunod nalang.

"so what's your plan Del?" Xianne asked.

Tingin ko ay close din sila ni Delilah. Well, close naman talaga silang lahat kay Delilah.

"I'm staying here for good.. as your familiar, Xianne." saad nito na nagpagulat saming lahat.

--

tagal ng ud sarrei.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙚𝙨𝙘𝙖𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙 - on going [LISA MANOBAN] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon