Chapter 1

7.9K 172 15
                                    

Love.

Loving.

Pain and hatred.

Conceptualized in one design called destiny.

Kung paanong kapag nagmahal ay kailangang humahataw ang tibok ng puso at naging alerto ang buong sistema.

Sino ba ang nagsasabing iyon ay ilan sa mga palatandaan ng pag-ibig? Dahil para sa kanya mayroon iyong ibang kahulugan.

Galit at pagkamuhi.

Tulad ng nararamdaman niya ngayon habang tanaw ang lalaking nakatayo sa sulok ng set kungsaan kasalukuyan siyang nagti-taping para sa bago niyang pelikula na isasali sa Manila Film Festival.

He is wearing his signature outfit. Dark jeans. Heavy and hooded coat over a grim colored shirt with turtle neck hiding almost half of his face to avoid everyone from recognizing him and symmetrical shades covering his eyes. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at nanonood sa kanya. Sa tagal nilang magkasama, makikilala niya ito kahit itago pa nito ang sarili sa kung anu-anong disguise. His aura that could stop time from ticking cannot be concealed in those dress code.

Ibinalik niya ang kanyang paningin sa actor na kapareha niya at lalong inilapit dito ang kanyang mga labi. Nasa eksena sila na may kissing scene.

"Cut! Good take, Jenni May!" bago pa lumapat ang mga labi niya sa bibig ng actor ay sumigaw na ang director na si Joyce Alvarez.

Agad siyang tumalikod matapos tapunan ng huling sulyap si Rheeva. Kailan pa ito nakabalik? Isang buwan din itong nagpaalam dahil may aasikasuhin sa Guardian Square Academy. Extention iyon ng security agency kungsaan ito ang kasalukuyang Chief Commander.

"Guys, guys! Ihanda ang set para sa susunod na eksena!" maingay na sigaw ng director habang nagkakagulo na ang mga staff.

Ang mga artistang kasali sa susunod na eksena ay abala na rin sa shadow acting mula sa kani-kanilang mga pwesto. Ang bahaging iyon ng theatre ay buhay na buhay dahil sa taping.

Lumapit ang make-up artist niyang si Maddie para tingnan ang kanyang make-up habang inaabutan naman siya ng bote ng mineral water ni Octavia, ang kanyang personal assistant.

Intense ang susunod na eksena dahil mangyayari roon ang confrontation ng bida, siya iyon at ng ex-girlfriend ng leading man niya.

"Salamat," nginitian niya ang mga kaibigan at naupo sa malaking silya. Sinilip niya ang kanyang script.

Isang taon pa lamang mula nang sumabak siya sa acting at lahat ng pelikula niya ay mabinta naman sa takilya. Best seller din ang mga bagong music album niya sa lahat ng digital stores.

"Napansin kong nawala ka sa focus kanina, Anne," komento ni Octavia habang pinupunasan ang pawis niya sa likod.

"May naalala lang ako," tipid niyang sagot na hindi mapigil na lingunin si Rheeva na nakatanaw naman ngayon sa gawi nila.

Kinansela na ng kanyang ama ang appointment nito bilang bodyguard niya mula nang kumalas ang Amores Group sa Andromida Conglomerate at binawi ang sponsorship sa Nephilims. Pero nagpumilit ang organisasyon na tapusin ang kontrata kahit wala nang bayad. Siguro alimony para sa pag-atras ni Vhendice sa kasunduan ng kasal nila.

"Wait, is that your bodyguard? As in your super-hot bodyguard?" halos tumili si Maddie at ang brush para sa blush-on niya ay napunta sa kanyang bibig sa halip na sa kanyang pisngi.

"Maddie!" Iniwas niya ang mukha at tinabig ang kamay nito. Nabahing siya dahil sa alikabok ng blush on na pumasok sa ilong niya.

Agad siyang dinaluhan ni Octavia at binigyan ng tissue.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Where stories live. Discover now