Chapter 6

2K 128 7
                                    

Pinunasan ni Anne Marie sa likod ng kamay ang mga pawis sa kanyang noo. Maagang natapos kanina ang commercial shoot niya para sa ini-endorsong shampoo. Umuwi kaagad siya at tinulungan ang dalawang on call cleaners sa paglilinis sa buong villa.

Sina Maddie at Octavia ay binigyan niya muna ng day-off dahil sa mga susunod na araw ay full packed na naman ang schedule niya at baka hindi na makahinga ang dalawa. Pagkatapos maglinis ay naligo agad siya bago pa mangati ang balat niya sa alikabok.

Kasalukuyan siyang kumakain sa sala ng pina-deliver niyang pizza nang tumunog ang kanyang cellphone. Unregistered number. Madalas hindi siya sumasagot kapag ganoon pero mula nang umalis di Rheeva, lahat ng tawag sa phone niya ay binabantayan niya palagi. Umaasang isa sa mga iyon ay galing sa binata.

"Hello?" may halong kaba sa kanyang boses.

"Jenni May? Or should I call you Anne Marie now, am I allowed to call you that?" pamilyar ang tinig ng lalaking nagsasalita sa kabilang linya.

Authoritative. Intimidating. Bossy. Gabrylle Andromida?

"Hi, Gab...what's up?" kinuyog na ng lindol ang dibdib niya.

"I am sending you a confidential video footage but before that, I have a question if you don't mind."

"No, of course. Go ahead." Sa sobrang kaba'y pakiramdam niya ay umaakyat pabalik sa kanyang lalamunan ang kinakain niyang pizza. Dinampot niya ang basong may juice at inubos ang laman.

"Are you in love with Rheeva?"

Para siyang lumunok ng mga tinik dahil sa tanong na iyon. Namitig ang dila niya at hindi siya makasagot. Isa, dalawang minuto hanggang sa naging lima. Wala pa rin siyang maisagot.

Hinihintay niya ang pagbabalik ng binata pero hindi niya pinag-iisipan kung mahal niya ito o hindi. Sapagkat takot siyang ipagkakanulo muli ng kanyang puso.

"I hope the video will help you decide and assess your feelings for my brother. But one thing's for sure, whether or not you're in love with him...you are made for him. You will have an Andromida as your husband." Gabrylle tone has something in it. A finality she can't argue with.

Napamaang na lamang siya.

He disappeard from the line and her cellphone notified her for the video he sent.

The scenery was dark and suddenly torches lit up. Halos mapatid ang kanyang hininga nang matunghayan si Rheeva. All naked. Both wrists are tied up in handcuffs connected by large chains hanging from the ceiling. Ilang saglit pa'y hinataw ng itim na latigo ang binata. Kita niya ang pagtalsik ng dugo mula sa likod nitong tinamaan ng hagupit.

Nanginig ang kanyang mga kamay at nabitiwan ang cellphone. Daan-daang karayom ang nagkukumahog na bumaon sa kanyang puso at nanlalabo ang mga mata niya sa luha. Hindi niya maintindihan. Anong nangyayari? Pumitlag siya nang tumunog ang telepono. Nahahahati sa pagitan ng pagnanais na damputin muli ang cellphone o sagutin ang tawag sa telepono, hindi niya malaman kung alin ang pipiliin. Pero nang marinig niya ang ungol ni Rheeva at ang matalim na ingay ng latigo'y tarantang napabaling siya sa telepono at wala sa sariling dinampot ang receiver.

"Watch the video until the end. Pagmasdan mo kung paano sinasagasa ni Rheeva ang parusa para lang mahalin ka nang malaya."

It's Gabrylle again.

Confused and scared, she turned to the phone still playing the video footage. Kinagat niya ng mariin ang labi. Hindi niya kayang panoorin iyon. Mababaliw siya. The sound of Rheeva's painful scream and the sharp whipping, lashing through her eardrums.

Napahagulgol siya ng malakas.

"He is calling your name, haven't you heard? Sa gitna ng sakit wala siyang ibang isinigaw kundi mahal ka niya."

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)On viuen les histories. Descobreix ara