Chapter 18

1.9K 106 2
                                    

Napakaganda ng gising ni Anne Marie dahil sa hyacinth bouquet na bumungad sa kanya. Wala si Rheeva sa kanyang tabi at ang bulaklak ang naroon. Ini-unat niya ang mga braso at bumaba ng kama. Sumaglit ang babae sa loob ng banyo at inayos sa babasaging flower vase ang makukulay na mga bulaklak.

Kagabi pinag-uusapan nila ng asawa ang tungkol sa pagtigil niya sa showbiz. Tatapusin lang niya ang ilan sa mga nakatambak niyang projects sa Saturn at HCE saka ang mga parating pa ay ibibigay niya kay Myrre. Pero ang pagkanta, baka hindi muna siya hihinto. Pinag-iisipan niya kung hahayaan si Rheeva na magsulat ng lyrics para kay Myrre. Kasalukuyan kasing nasa ilalim ng voice lesson ang co-star niya para sa gagawing album nito at ilan sa mga kantang ipapasok ay magmumula sa mga lyrics ng asawa niya.

Ibinaba niya ang flower vase sa ibabaw ng corner table at similip sa terrace, nagbakasaling naroon si Rheeva. Dinig niya ang tawanan mula sa ibaba sa tapat ng balkonahe. Dumungaw siya at kaagad bumusangot.

Rheeva's blondies are down there laughing with him. The four are all in their sexy tights attire for work outs and sparring. Magkakakulay pa. Abuhin. Noe stands out among the group. Hindi lamang ito maganda, ang katawan nito ay pwede nang ihanay sa mga batikang modelo sa buong mundo. Tingin niya ito rin ang lider ng grupo dahil ito ang madalas na tinatawag ng asawa niya para sa security updates.

Rheeva's in his white jogging pants down and nothing upper. Ang mga kamay nito ay naka-leather gloves.
May asul na telang nasa ulo nito at bumabagsak patungo sa mga balikat ng lalaki. Malabo ang gintong burda sa tela bagamat kumikinang iyon.

Rana demonstrated some failing kicks and a defensive attacks that are maybe from their sparring before. That was sort of a joke perhaps because they were laughing afterward.

She rolled her eyes. Nakatatawa pala iyon? Bakit tuwang-tuwa ang asawa niya? Bumalik siya sa loob ng kwarto nila at nagbihis ng super-short shorts at manipis na sleeveless. Nginitian niya ang sarili sa salamin. Kahit naman walang make-up di hamak na mas maganda pa rin siya.

Bumaba siya at pinuntahan si Rheeva sa kinaroroonang open garden. He is explaining something to his blondies when he caught sight of her coming. Huminto ito sa pagsasalita at hinagod siya ng malagkit na titig. Napalingon din sa kanya ang mga babae.

"Good morning, ma'am!" they greeted her in chorus.

"Good morning," ganti niya at bumaling sa asawa.

He smiled.

Tumingkayad siya habang ito naman ay bahagyang umuklo at naglapat ang mga labi nila. Bagay na buong buhay niyang makukuha ng libre anumang oras niya gustuhin. Ang matamis na halik ni Rheeva Andromida.

Iniwan sila roon ng blondies. Pinulupot niya ang braso sa batok ng lalaki at hinapit naman siya nito sa balakang habang lumalalim ang halik nito sa mga labi niya.

"Where did you get the hyacinths?" tanong niyang hinaplos sa hintuturo ang mga labi nitong pumula ng husto dahil sa kagat niya.

Ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong niya.

"Rheeva-"

"He went to the valley to get the flowers for you," Noe answered her question instead. "We're done with the new security set-up, commander."

"Thank you, Noe. That's just all for now. You and the girls can take a break."

Tumango si Noe at umalis.

Habang siya ay awang ang bibig na nakatingala sa asawa. Kumurap-kurap. Pumunta ito ng Hyacinth Valley para ipitas siya ng mga bulaklak? Kahit pa sabihing may helicopter na masakyan para sa mabilisang biyahe ang punto ay naglakbay ito ng ilang milya para lang sa paborito niyang bulaklak.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Where stories live. Discover now