Chapter 7

2.1K 109 9
                                    

Kinagat ni Anne Marie ang mga labi at tiniis ang pagbabaw ng kanyang hininga habang hinihintay niyang makalapit sa kanya si Rheeva.

He is wearing a casual button-down white long sleeves shirt and a dark ripped jeans. Sleeves are rolled below his elbows. His build is imposing with the brown boots down on his feet. Overall, he looks lethally uplifting with his sex appeal to talk.

Itinago niya ang mga kamay sa likod at pinaglaruan ang mga daliri. Hindi niya makita sa binata ang bakas ng paghihirap na nasaksihan niya sa video footage.

Halos panawan siya ng ulirat nang walang sabi-sabi ay hapitin nito ang kanyang baywang at hinalikan siya sa labi sa harap ng lahat. Saglit lang ang halik. Para bang tinikman lang nito ang lambot ng mga labi niya.

Oh, my! He is fast. Napasinghap siya nang kumalas ang bibig nito mula sa kanya.

"I love you," pati iyon ay narinig ng mga naroon.

What is wrong with him? Can't they talk about it privately? Hindi na mahabol ng utak niya ang mga galaw nito. Umurong siya palayo. Nahihiya sa mga naroon. But the fact that she can't push him away now speaks the truth.

Octavia and Maddie are smiling like idiots. Everyone seemed excited. Yet nobody says a word. They've known Rheeva's stern character when he was posing as her bodyguard. Takot ang mga itong magkomento.

Tumikhim siya. Nabibilaukan na siya ng kanyang laway.

"Do you like the place?" tanong ng binata.

Lumunok pa muna siya ng isa pang beses saka tumango. "I didn't know this exists here."

"I developed the landscapes and the whole valley. You love the Hyacinths, don't you?" he gestured the valley of flowers.

Pakiramdam niya ay saglit na dumungaw ang kaluluwa niya sa kanyang bibig dahil sa kilig. Hindi niya naisip na kaya pa pala niyang makaramdam ng ganito kasidhing emosyon. Isinabit niya sa kanyang tainga ang tumakas na buhok dahil sa ihip ng hangin at kitang-kita niya ang pag-angat at pagbaba ng Adam's apple ni Rheeva nang ito naman ang lumunok. Parehas kaya sila ng nararamdaman ngayon?

"Um, shall we start the music video? Alam mo na ba ang gagawin?" she interrupted the spell. Mas nakakahiya kung mamaya ay matunaw na rin siya at makikipaghalikan na lang sa binata.

Tumango ito. "The director briefed me about it last night."

"Can you handle it?" may halong panunukso sa kanyang tono.

He grunted and a smile escaped from his lips. "I can, I don't have to pretend in the camera. I'm in love with you so I just have to be with myself, right."

Oh, God! Gusto na niyang mangisay. Bakit ba ganito ang lalaking ito? Walang preno kung magpakilig!

"Jen! Commander! Magsisimula na tayo!" sigaw ng direktor.

Handa na rin ang buong team at sila na lang ang hinihintay. Nang tingnan niya sina Octavia ang Maddie, parang mga timang ang mga itong nagpapapadyak na animo'y kinakagat ng mga langgam. Dinidma niya ang dalawa.

"Let's go?" She offered her hand to Rheeva.

Tumitig muna ito roon saka sa mga mata niya. He sparks. And it melted her heart. She saw vividly the Rheeva she had never seen before. The man she took for granted because of her hatred. Sinakop ng mainit nitong palad ang maliit niyang kamay at ramdam niyang wala na itong balak na bitawan pa siya.

"This is what we are going to do," anang direktor, "Jen, you will have your intro here in this aisle. Si commander naman ay doon sa bahaging iyon maghihintay-"

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon