Chapter 28

2.1K 121 8
                                    

"The lady has arrived," sabi ng lalaking nasa kabilang linya ng telepono.

"I understand, thank you for the information." Ibinaba ni Noe ang cellphone at malungkot na binalingan ang kayamanang nakapaloob sa gintong kaheta.

She treasured this one gift given to her by the late queen of Ragenei during her fifteenth birthday. The gift was a promise of her future. It was a sacred agreement between her and the queen. But she never had the chance to fulfill until now.

Ibinalik ni Noe sa lalagyang kaheta ang singsing na Deniv Antares. Ang bituin ng Afro Ragenei Tribe. Only the queen can wear the ring that has been passed down by the first queen to the next queens of Regenei. Kuminang ang bato ng singsing na pinaniniwalaang nagmumula sa tipak ng bituin.

Rheeva's mother, the late Queen Kattrin of Ragenei gave her the ring and the letter asking her a final wish before she died. Pinahahanap nito ang batang babaeng may kwintas na pangil ng buwan. Collier Lune. A crescent moon pendant made of pure gold with blue diamonds on its surface.

Mistula siyang naghahanap ng karayom sa gitna ng mga dayami. Pero sa wakas, may resulta na ang kanyang pagod at pagsisikap. Natagpuan na ng special investigation force ng Ragenei ang batang babaeng iyon na ngayon ay isa nang ganap na dalaga. Ang kulang na lang ay makausap niya si Rheeva tungkol sa kahilingan ng yumaong reyna.

Lumabas siya ng kwarto bitbit ang kaheta at nagtungo ng study room. Bukas ang pinto at nang sumilip siya ay seryosong nakababad sa mga dokumentong nasa ibabaw ng desk ang hari niya. Humakbang siya para pumasok ngunit agad napatigil.

"Love," may halong halakhak ang tinig ni Rheeva. Nakatunghay ito ngayon kay Anne Marie na gumapang mula sa ilalim ng desk at nakangising yumakap sa baywang nito.

"Can I hold Mr. Potchie while you're working?" malambing na ungot ng babae. "I don't bite, promise." Her eyes went puppy.

"Alright, but no jacking it off, " Rheeva reminded and smiled gently.

Agad na umiwas ng tingin si Noe nang buksan ni Anne Marie ang zipper ng pantalon ng lalaki. Mahigpit niyang ikinulong sa kamao ang gintong kaheta. Mamaya na lang niya kakausapin si Rheeva. Tumalikod siya paalis at narinig pa ang ungol ng lalaki.

"I said no jacking off, love!" angal nitong sinundan ng hagikgik ng asawa.

Nalulungkot siya. Nakikita niya kung gaano kamahal ni Rheeva si Anne Marie. Gusto niyang ilihim na lang ang kahilingan ng dating reyna at hayaang maparusahan siya ng batas ng Ragenei. But it was fate who aligned everything now before the royal wedding. Kung lilihis siya sa nakatakda, baka pagbabayaran iyon ng buong Afro Ragenei balang araw.

"We must tell the king, Noe, before it's too late!" apura sa kanya ni Opaline.

Sumang-ayon sina Agnesse at Rana.

"We will tell him," deklarasyon niya.

Pero papaano nga ba? Nasasaktan siya habang iniisip si Anne Marie. Sa maikling panahong iginugol niya sa piling ng babae, napalapit na ito sa kanya. Ito ang gusto niyang kilalaning reyna. Isa pa ay kailangan niyang isaalang-alang na dinadala nito ngayon sa sinapupunan ang anak ng kanilang hari.

The four of them asked an audience of him after Rheeva's work-out the next morning. He surfaced from the door of the den, with droplets of sweats dripping from the tips of his hair and muscles haven't fully calmed down from tension. He looks brazen and attention-seeker. Never failing to take their breath away as always.

"Good morning, girls! Any updates from the tribe?" Tinanggap nito ang towel na ibinigay niya at nagpunas ng pawis sa mukha.

Nagkatinginan silang apat.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon