Chapter 25

2.2K 112 3
                                    

The sun is flickering through the clouds and the cold breeze is swaying across the valley. Ang anino ng mga ulap ay gumagawa ng iba't ibang hugis ng lilim sa kalupaan.

Tumingala sa gawi ng isa sa mga balkonahe si Anne Marie at kinawayan si Rheeva na nakatanaw lamang sa kanila ng kaibigan niya roon sa may pool. Nakasandal ito sa balustre at may bitbit na bote ng root beer. Ini-angat nito ang bote ng inumin bilang sagot sa kaway niya.

Ngumiti siya ng matamis.

"You are really in love," komento ni Yvienne.

"Too much in love and I don't care if it could kill me," sabi niya kasabay ng buntong-hininga.

"Just like the song?" Natawa sa kanya ang kaibigan at muling iginala sa makulay na lupain ang mga mata. "This place is awesome, Anne! I'd love to spend some more days here, if only my agency wasn't so demanding of my time," anito at tumingala naman sa mga ulap na mabagal na gumagalaw kasabay ng mabining ihip ng hangin.

Ipinasyal niya ang dalaga sa lambak kanina nang dumating sila. Mula sa firing range na pag-aari nito'y nakaladkad niya ang kaibigan papunta rito. Marami na silang napagkwentuhan pero hindi sasapat ang buong araw kung sisimulan nila sa mga nangyayari pagkatapos ng college days nila.

Yvienne has a Swiss blood. A tough girl spending most of her time outdoors and challenging the world through extreme sports. She is an expert is some notable martial arts like judo, not to mention her intensive training in handling guns. Now she is running a successful precision engineering company operating all over twenty-four countries around Asia Pacific. Accredited in Physik Instrumente for the past three years.

Noong nag-aaral pa sila, ito lagi ang hinahabol ng mga model scouts pero hindi nito kinahiligan ang magulo at maingay na mundo ng showbiz at modeling. Spotlights was not that enticing for her taste.

"So, are you okay now? I don't have to worry anymore? Well, sorry I didn't get to see you sooner. I was out in the country for the MOA signing in Asia Falcon. I only heard from the news about what happened." Yvienne's beautiful face reflected the softness of the clouds above them. Apat na beses na yata itong humingi ng paumanhin sa kanya.

"I am perfectly fine, Vienne. But I'm happy I had this chance to hang out with you again. Ang tagal na kaya mula noong huli tayong nag-bonding." It's more than a relief that a friend is here after knowing the whole truth from Myrre Aguilar.

"And I'm glad nothing's happen. The news about it was killing my patience, you know. People really love to talk negativity."

Tumango siya. It was partly her fault. If she had gathered the courage sooner to examine herself, then she would find out there were no signs in her body outside and internally that Javier touched her. Hindi niya agad ginawa dahil takot siyang baka may matuklasan siyang mga tanda sa katawan niya. Mas matindi ang hagupit na makita ang sarili niyang nagising nang hubo't hubad sa tabi ng ibang lalaki.

Hapon na nang umalis si Yvienne. Hinatid nila ito ni Rheeva sa airport at galing doon ay tumuloy sila ng asawa niya sa Melendres Hills. Sa mismong ancestral mansion ng mga Andromida. Pagbaba pa lamang nila sa sasakyang ipinarada ni Rheeva sa bakanteng lane sa driveway napansin agad niya ang maraming mga gwardiya na nagkalat sa bakuran.

Were they the resident guards? No, they're not. They are...napasinghap siya at nanlaki ang mga mata nang makita ang symbol sa uniform ng mga ito. Afro Ragenei Tribe? Dagli niyang nilingon ang asawa na nakaigting ang mga panga at mahigpit na hawak ang kanyang kamay.

"Relax, they don't mean any harm." Hinapit siya ng asawa.

Umawang ang kanyang mga labi nang mapadaan sila sa mga gwardiya at isa-isang yumukod sa lupa ang mga ito habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamao.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Where stories live. Discover now