Chapter 5

2.1K 108 10
                                    

Damang-dama ni Rheeva ang talim ng sakit sa bawat matinding paghataw ng latigo sa kanyang likod. The agony is ripping his nerve out, eating him and his deteriorating constituion. Ang nagbabagang mga latay ay nanunuot sa kanyang mga laman hanggang sa kanyang mga buto.

His strength is draining.

His consciousness is getting weaker. 

Nag-aagawan ang alingawngaw ng kanyang ungol, ang kalansing ng kadenang nakapulupot sa kanyang mga pulso at ang bangis ng maingay na hagupit ng latigo ni Vladimir.

Mahigpit niyang ikinuyom ang kamao kungsaan naroon ang gintong medallion na naglalaman ng larawan ni Anne Marie. Matagal na niyang gustong ibigay iyon sa dalaga pero walang pagkakataon at kinulang siya sa lakas ng loob. Having guts would still be wasted since it was forbidden all those years to tell her his love.

Matapos ang sunud-sunod na hagupit ng latigo ay tuluyang naubos ang kanyang lakas. Umalma ang bakal na handcuffs at nakaluhod siyang bumagsak sa marmol na sahig. Hindi na kinaya ng kanyang mga tuhod ang bigat ng kanyang katawan.

Hindi siya bibigay. Mananatili siyang gising hanggang sa marating niya ang dulo ng pagdurusang iyon. Naghihintay sa kanya si Anne Marie. Babalikan pa niya ang dalaga. Mayayakap pa niya ito at mahahalikan. Hindi na niya kailangang magpigil pa.

"Anne...Marie..." naubo siya nang madama ang pag-akyat ng dugo sa kanyang lalamunan. Umagos iyon sa sulok ng kanyang bibig at sunud-sunod na pumatak sa sahig. Nagliliyab ang kanyang likod pero ang katawan niya ay binalot ng sobrang lamig. Para siyang hinulog sa nagyeyelong lawa.

"Rheeva!" tinapik ni Gabrylle ang kanyang pisngi.

"Anne...I..."

"You are going to have her," piniga nito ang kanyang batok. "You are buying her with your blood, remember?"

He struggled for breath but he failed and everything turned white and quiet on him.

"Alam ba ng babaeng iyon ang sakripisyo mo para sa kanya?" hirap ang loob na sambit ni Gabrylle.

***

Anne Marie received the dinner date invitation from Javier Sepulbidda Friday night. Along with a bunch of red roses, expressing an intention a romantic intention. She would have found it interesting but all she could think of is Rheeva Andromida. Her bodyguard.

Kung umusad ang araw ay parang pagong habang naghihintay siya sa walang kasiguraduhang pangako ng pagbabalik ng binata. At kahit inabala niya ang sarili sa recordings at pictorials, hindi mabura-bura sa utak niya ang mga araw na kasama pa niya ito.

Lagi niya itong hinahanap-hanap sa bawat sulok ng mga lugar na madalas niyang puntahan. Nasanay kasi siya na sa tuwing siya'y lilingon ay naroon lang ang lalaki sa kanyang likod. Nakabantay. Ngayon ay para siyang batang kakatuto lamang humakbang. Nalilito. Natatakot. Hindi malaman kung anong sunod na gagawin.

"Pupunta ka ba?" tanong ni Octavia.

Ikiniskis niya ang mga paa sa isa't isa. Kung narito si Rheeva at nakita ang ginagawa niyang iyon, tiyak dadamputin agad nito ang mga paa niya para masahiin.

"I'll go. Ikaw na ang mag-confirm sa kanya na darating ako," pahayag niyang hindi ininda ang malamig na haplos sa kanyang puso.

When did she become so dependent with Rheeva? When did he become like a part of her body? And now that he's gone she was more than paralyzed. Kailangan niyang kayanin na wala ito. Hindi ba't nais niyang lumaya mula sa anino ng mga Andromida?

But then...

How?

Is it even reasonable anymore? Is it worth a struggle?

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα