Chapter 4

2.3K 131 6
                                    

Binuklat ni Anne Marie ang folder na ibinigay ni Rheeva sa kanya. Naglalaman iyon ng profile ng mga lalaking gusto ng kanyang ama na pagpipilian niya para maging asawa. Nauna sa pahina si Brix Benitez, ang kanyang leading man.

Napailing siya at sumimangot.

Sa dalawang sunod na pahina ay naroon ang anak ng ninong niyang congressman. Si Jeremy Juarez. At ang apo ng Managing director ng Amores Group, si Atty. Andresse Cabigon. Dati na niyang tinanggihan ang mga ito, bago pa siya napili para maging potential bride ni Vhendice.

Binuklat niya ang kasunod na pahina at matagal na napatitig sa larawan ng pang-huling prospect. Javier Kendrick Sepulbidda (Noaj Tauruz Lextallionez?) Nakakaintriga. Gwapo ito. Brusko ang dating. Nakita na niya ito minsan sa Hyatt Creative Entertainment. Binasa niya ang impormasyon sa ibaba.

Commander ng elite force ng Hyatt Empire? Isang licensed architect at tagapagmana ng Sepulbidda Holdings. Junior executive ng Lextallionez Security Agency. Kahit papaano may ibubuga naman kumpara sa naunang tatlo at mukhang hindi basta hamog lang.

Tiniklop niya ang folder at nilapag sa center table. Tumayo siya at pinuntahan si Rheeva sa may terrace na nagtotono ng gitara. Agad itong tumigil sa pagkuskos ng mga kwerdas nang makita siya.

"I want to meet Javier Sepulbidda in personal," daklarasyon niyang humalukipkip.

Tumango si Rheeva. "I will let him know," sabi nito.

"Kapag nag-click kami hindi mo na kailangang mag-alala sa akin at bantayan ako. He can provide me bodyguards from his team." Sa wakas makakalaya na rin siya mula sa mga Andromida kapag nangyari iyon.

Umigting ang mga panga ng binata. Bumaba ito mula sa pasamano ng balkonahe at naglakad patungo sa loob ng sala. Bumuntot siya rito. He settled on the couch, ready to give her the music for her latest song.

Naupo siya sa mesita sa harap nito at matapos ang intro ay nagsimulang umawit.

Let me in for a while and listen...
I'm walking in burning ice...
Down here and up in the stars...
We're running out of time...
How can I ever tell you I'm in for the love that's bleeding...
And...oh...oh...I'm dying to hold you in my arms...

Habang kumakanta ay mariin siyang nakatitig sa mukha ng lalaking nakapikit. Ang mahahaba nitong pilik-mata ay kasing-itim ng balahibo ng uwak at ang matangos na ilong ay sagisag ng sining dahil sa nunal na naroon at nang-eegganyo gaya ng magandang tanawin. Ang makurba nitong mga labi ay natural na mapula at sa gilid ng sulok ay may nunal ulit. Magaspang ang mga panga nito pababa sa baba dahil sa papatubo nang balbas.

Bleeding sunset...in my heart...
An art of pain...and tears...

Habang inaawit niya ang chorus ay ikiniskis niya sa binti nito ang kanang paa. Tumigil ito sa pagkuskos sa gitara at nagmulat ng mga mata. Tiningnan ang paa niya sa ginagawa. Kumunot ang kilay nito.

"Stop it," he warned.

Pero ngumisi lang siya. "Ayaw ko nga!"

Nagtagis ito ng bagang at iniwas ang binti. Ngunit hinabol niya iyon sa kanyang paa. Ibinaba nito ang gitara.

"I said, stop!"

Iningusan niya ito. "Pangit!"

Napatili siya nang hinuli nito ang binti niya at hinatak siya. Bumagsak siyang nakasalampak sa kandungan nito.

"Why do you keep staring at this ugly here?" He growled and attacked her lips.

She must be hypnotized or under a dark spell. Hindi man lang niya naisip na tumanggi sa halik. Ipinikit pa niya ang mga mata at ibinuka ang bibig.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon