Chapter 22

1.8K 105 10
                                    

It's three in the morning. Dilat na dilat pa rin ang pugtong mga mata ni Anne Marie habang si Rheeva sa tabi niya ay nahihimbing. He was true to his words. He made love to her over and over until she decided to forgive herself for her mistake. She wouldn't have much choice in order to survive from the pain but to move on because her husband is doing all he could.

Buong pag-ibig na pinakatitigan niya ang gwapo nitong mukha. Tumatama sa kanyang noo ang mainit at banayad nitong hininga habang nakaunan siya sa braso nito at kinoldon ng isa pa nitong bisig ang hubad niyang katawan sa ilalim ng kumot. Wala siguro itong itinulog kahapon dahil sa pag-aalala sa kanya at sa kaguluhang ginawa nito roon sa party.

Nilandas ng daliri niya ang bawat detalye ng mukha ng asawa. Ang makakapal nitong mga kilay pababa sa nakapikit na mga mata. Ang mahahaba at tuwid na mga pilik-mata. Ang bruskong tangos ng ilong. Ang magagaspang na mga panga at ang kurba ng tikom nitong mga labi.

Naging mabuti ba siyang tao para biyayaan ng lalaking ganito katayog kung magmahal? Lubos pa sa lubos. Hindi nito itinanggi ang kasalanan niya. Hindi ito nagkukunwaring hindi nasaktan dahil nakikita niya sa mga mata nito ang hapdi. Hindi siya nito pinaniniwalang inosente dahil hindi niya maalala ang nangyari. Ang ginawa nito ay hinarap ang katotohanan, tinanggap siya at pinawi ang sakit sa puso niya.

"I love you, Rheeva," bulong niyang kumikirot ang mga mata sa pagsigid na naman ng likido roon.

Kinabukasan ay binati silang mag-asawa ng balita sa mga pahayagan. Sila ang nasa headline ng showbiz. Nailathala agad ang sinabi ng mga magulang niya sa press conference tungkol sa kasal nila ni Rheeva roon sa La Salvacion.

May mga nagpahayag ng simpatiya para kay Rheeva. Sari-sari ang opinyon ng masa pero mas marami ang nagpahayag ng pag-unawa sa ginawa ng asawa sa party hall ng hotel. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya. Sana makatulong ang development na iyon para sa kaso ng lalaki.

"Mom, thank you so much for the press con," niyakap niya ang ina na hinatid ang daddy niyang umalis para pumasok ng opisina.

"Iyon lang ang suportang maibibigay namin ng daddy mo sa inyong mag-asawa." Hinaplos ni Amor ang kanyang pisngi. "You've found a wonderful husband, darling. Ingatan mo siya. Nagkamali ako nang hinusgahan ko siya kaagad. Hindi ko naisip na siya ang nanatili sa tabi mo noong lugmok tayo dahil sa mga pagsubok. Matagal na niyang napatunayan ang sarili niya sa pamilya natin. I'm sorry, I am being naive."

Piniga ng sobrang kaligayahan ang puso niya. Sa wakas nakita rin ng mommy niya ang mga sakripisyo ni Rheeva para sa kanya. Ano na lang kaya ang sasabihin nito kapag nalaman ng ginang ang matinding parusa na sinuong ng asawa niya dati para lang makasama siya ng malaya? Pero sekreto iyon kaya hindi niya pwedeng ibunyag kahit sa mga magulang.

Nauna sa loob ng bahay si Amor dahil sa tawag sa telepono habang siya ay nagpaiwan muna sa labas. Naglakad siya patungo sa Grotto ng Our Lady of Lourdes. Ang mayabong at makukulay na mga bulaklak ng daisies at Jasmine ay kumikislap dahil sa mga butil ng tubig. Naupo siya sa malaking bato malapit sa may bunganga ng Grotto at dumakot ng tubig sa man-made lake na dumadaloy patungo sa pond sa ibaba.

Tinanaw niya ang balkonahe ng kwarto nilang mag-asawa. Tulog pa rin si Rheeva nang iwan niya. Nagising kasi ito ng alas-singko at sumaglit na naman ng landi sa kanya. Pagkatapos ay natulog ulit. Ngumiti na lang siya ng tipid.

LA SALVACION

Humikab si Javier at humilig sa sandalan ng couch. He took a short break. He's been working with the Andromida for evidences the whole night inside that cold room. Naroon din ang mga kapatid niya. Sina Edan at Kaien. Kausap ng mga ito sa kabilang table sina Vhendice at Alexial. Pinag-aaralan ang mga kasong isasampa laban kina Miles Dominggo at Myrre Aguilar.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon