Chapter 29

2.1K 127 13
                                    

The color drained from Ariaa's face and she went white after hearing Anne Marie's claimed.

"Kidding!" pilyang ngumisi si Anne pero unti-unti na namang tumigas ang mukha. "On the contrary, I believe the necklace is really mine. It's the same with the Collier Lune I've lost when I was eighteen years old." Bumaling siya kay Rheeva na nakatulala sa kanya at hindi niya mailarawan ang emosyong nakapaskil sa gwapo nitong mukha.

Her husband probably thought she is out of her mind. Muli niyang tinitigan ang kwintas na kumikinang sa leeg ni Ariaa at naningkit ang mga mata dahil sa pagragasa ng alaala mula sa nakaraan.

2005...

Huminto sa di-kalayuan ang itim na van na sundo ni Anne Marie. Tumayo mula sa inuupuang bench ang dose anyos na batang babae at isinabit sa kanyang mga balikat ang bagpack. Ngunit saglit siyang huminto sa paglalakad at tinanaw muna sa kabilang kalye ang simbahan ng Our Lady Of Mercy. Naroon kaya iyong magandang babaeng nagtitinda ng Hyacinth?

"Anne?"

Binawi niya ang paningin nang marinig ang boses ng ama. Tumakbo siya patungo rito. Kinuha ng daddy niya ang kanyang bag matapos siyang hagkan nito sa noo.

"Dad, can we drop by at the church across the street?" Itinuro niya ang simbahan na gustong puntahan.

Tumingin doon si Leon at banayad na tumango. Sumampa sila sa sasakyan at umalis. Pagdating ng intersection ay nag-U-turn ang daddy niya at binaybay ang kalye patungong simbahan.

"Careful!" sigaw nito sa kanyang nasasabik na bumaba matapos pumarada ang van sa gilid ng patyo. Narinig pa niyang tumunog ang cellphone nito habang tumatakbo siya papasok ng looban.

Nanghahaba ang leeg niya sa katatanaw sa mga nagtitinda ng bulaklak. Umaasang naroon ang babae at ang mga makukulay na Hyacinth na paborito niya dahil mukhang mga ice drops. Halos mapalundag siya nang matanaw niya ang magandang ale. Ang ganda talaga nito kahit simpleng bestida lamang na kulay puti ang suot nito. Kulot ang buhok nito at mahaba. Para itong diwata mula sa mga fairytales na nababasa niya.

"Good afternoon po, ate!" maligaya niyang bati rito.

"Oh, ikaw pala!" Ngumiti ito ng matamis.

Napakaganda talaga.

Pakiramdam niya ay magkaibigan na sila mula nang ibigay niya rito ang kanyang payong, isang hapon na malakas ang ulan at nangangatog ito sa lamig roon sa labas ng simbahan. Pero hindi pa rin niya alam ang pangalan nito at nahihiya siyang magtanong. Hindi rin nito tinatanong ang pangalan niya.

"Bibili po ako ng Hyacinth saka para sa inyo po, baka hindi pa po kayo nagmiryenda." Kasabay ng fifty-pesos ay inabot niya rito ang nakabalot na special cookies na sinadya niyang itira mula sa kanyang baon para ibigay sa magandang babae.

"Isa kang mabait na bata, salamat ha," kinuha nito ang pera at ang cookies. "Nagbabasa ka ba ng fairytales?" tanong nito at tinikman ang cookies.

Natuwa siya nang makitang nagustuhan nito ang lasa. Sila ng mommy niya ang nag-baked ng mga cookies na iyon. Sunud-sunod ang subo nito ng piraso.

"Opo," tango niyang pinagsalikop sa likuran ang mga kamay. Wala palang tubig. Baka mamaya mabulunan ito. Luminga-linga siya. Naghahanap ng naglalako ng tubig.

"Gusto mong makakita ng prinsepe sa totoong buhay?"

Manghang ibinalik niya ang paningin sa magandang babae.

"Yes po!" at sabik niyang tango.

"Tamang-tama," may kinapa ito mula sa bulsa nito. Isang gintong kwintas na hugis buwan. May mga batong asul at may perlas sa loob. "Ang pangalan ng kwintas na ito ay Collier Lune. Ibibigay ko ito sa iyo pero ipangako mo na iingatan mo at saka mo lamang isusuot kapag sixteen ka na."

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon