Chapter 11

1.9K 104 11
                                    

Nakita ni Anne Marie ang bahagyang gulat sa mukha ni Myrre nang makita siya nito sa loob ng sasakyan. Ang binuksan kasi nito ay ang pinto sa tapat niya sa front seat.

"Hi!" kaswal niyang bati sa co-star na medyo napahiya kaya binigyan niya ng tipid na ngiti.

"H-hi, sorry..." ganti nito at muling isinara ang pinto. Nagtungo ito sa backseat.

"May photo shoot ka rito?" tanong niyang tiningnan sa rear view mirror si Myrre na nagsusuot ng seatbelt.

Tumango ito at sinalubong ang paningin niya.

"Saan ang venue? Maganda sa Melendres Hills o kaya'y sa Sky Garden. Do you have access there?"

"The sponsor wants to have it at the empire bridge."

"I see," tango niya. "That is a nice spot too."

Ang empire bridge ay matatagpuan sa boundary ng Sta. Rosa Channel. Ito ang nag-uugnay sa lungsod patungo sa kabisera ng siyudad. It was a combination of solid beam and truss. One of the most highly recognized works of architecture in the province. Dinisenyo hindi ng mga kilalang architect ng bansa kundi ni Vladimir Andromida.

Ibinaling niya ang tanaw kina Rheeva at Victor na nag-uusap. Bitbit ng binata ang sombrero ni Myrre na nilipad kanina ng hangin. Mukhang marami itong pinagbilin sa police. Huminga siya ng malalim. She did not expect thia kind of turn over in their vacation.

Moment later, Victor rushed off and Rheeva got himself back behind the steering wheel. Ini-abot nito ang sombrero kay Myrre at sumulyapnsa kanya. Kumindat ng pilyo.

Kinagat niya ang labi at nagpigil ng ngiti.

"Can you pass me your schedule? gsquare_vipsec@gmail.com, that's my email." Rheeva trailed off while starting the car on the road ahead.

"Okay," agap ni Myrre at kinuha ang cellphone.

Gusto niya sanang itanong kung isasama ba nila sa marble mansion ang babae pero baka makatunog ito na may namamagitan sa kanila ni Rheeva. Hangga't maaari gusto niyang pribado lang muna ang relasyon niya sa binata. Kapag kumalat kasi iyon ngayon, hindi sila tatantanan ng media.

The email notification from Myrre popped up in the computer monitor of the car. Rheeva opened it. Pati siya ay nakikibasa sa content. Mamaya pa pagkatapos ng tanghalian ang call time para sa photo shoot. So, it means they are bringing Myrre to the market as well? Hindi niya malalambing si Rheeva. Ni hindi siya mahahawakan ang lalaki sa paraang gusto niya.

She frowned. This is frustrating. Kaya nga siya nagsuot ng ganito, para hindi siya makilala ng mga tao at nang malaya niyang magagawa ang gusto niya habang kasama ang boyfriend. She glared at him out of disappointment.

Napansin iyon ng binata at hinawakan ang kamay niya. Bahayad na pinisil. Tumingin siya rito at lalong sumimangot. She can't complain though she has few reasons to do so. He is just doing his job and she knew how dedicated he can get when he is on it. He never gave his client a half-ass services. Ang ganitong sitwasyon sa pagsasama nila ay kailangan niyang pag-aralan na intindihin simula ngayon.

From the national highway, they took an unfamiliar route. Sigurado siyang hindi iyon patungo sa talipapa na gusto niyang puntahan. But she remained quiet. Nangangamba siyang madulas lang ang dila niya kapag sinubukan niyang ibuka ang bibig. Magtatalak lang siya. Mukhang nasi-sense rin naman ni Rheeva ang kanyang pag-iingat kaya tahimik lang din ito.

Bigla niyang naalala kung saan patungo ang kalye na iyon dahil sa iilang mga tanawing naging pamilyar na sa kanya. Pupunta sila ng Guardian Square Headquarters. Dalawang beses pa lamang siya nakaapak doon kaya mabilis niyang nakalimutan ang rota.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Where stories live. Discover now