Chapter 20

1.8K 96 4
                                    

Javier woke up with the pain hammering his head. He tried to open his eyes but the sharp light coming from the ceiling is blinding him. Tinakpan niya sa braso ang mga mata.

Shit!

What happened? Was he got drunk last night? Pero tatlong shots lang ang nainom niya. His eyes grew wider when he realized he wasn't alone in the bed.

Napabangon siya nang makita si Anne Marie. Nakatulala sa kanya. Maputlang-maputla at tila babawian na ng buhay anumang saglit.

"Anne, what-"

Lumagapak ang mukha niya sa malakas nitong sampal.

"How dare you! I hate you! I hate you!" Sinugod siya nito ng suntok at kalmot.

What is happening? He is naked and so is she? Hinawakan niya ang mga braso nito at ibinuwal ito sa kama, kinubabawan. Anong nangyari? Putang ina! Ano bang nangyayari? Wala siyang maalala.

"Let me go! Hayup ka! Ang kapal ng mukha mo! Nagtiwala pa man din ako sa iyo! Akala ko matino kang tao, demonyo ka! Demonyo ka!" Nanlaban si Anne Marie sa ilalim niya at sinipa siya ngunit mabilis niyang napigilan sa tuhod ang sumisirko nitong mga binti at paa.

"Valentino, listen!" malakas niyang angil.

Natigilan ito. At nadudurog siya habang pinagmamasdan ang mga luha nitong kung saan-saang parte na ng mga mata nito umaalpas.

"This is purely orchestrated, Anne. They set us up. Both of us." He tried to explain even if it would be in vain. The way he sees stuff here, she is not up to believing him anymore and he can't blame her.

Lintek! Bakit siya nagpabaya? May nagplano nito. Isang tao na gustong sirain ang pagsasama nina Rheeva at Anne Marie. Hindi siya ganito kadesperado para tirahin ng pailalim ang asawa ng babae. He stood by honor. He is a Sepulbidda and he is a Lextallionez. Hinding-hindi niya sisirain ang pangalan ng pamilya nila sa ganitong baluktot na pamamaraan.

Anne Marie is crying so hard and he can't console her. Hindi sana umiiyak ng ganito ngayon ang babae kung naging mapagmatyag siya sa party. He heard the door bell. Bumalikwas siya mula sa ibabaw ni Anne at binalot ito ng kumot. Wala itong ginawa kundi ang humahagulgol na lamang at hindi na nagtangkang lumaban pa. Binuhat niya ito at dinala sa loob ng banyo. Nilapag niya sa likod ng pintuan.

"Be quiet, I'll deal with them."

Sumiksik ito sa sulok habang tumatangis ng tahimik.

Nagbihis siya at pinulot ang mga saplot ni Anne Marie na nagkalat sa sahig. He threw them inside the cabinet. Nang matiyak na wala nang makikitang bakas ng babae sa loob ng suite ay tinungo niya ang pinto at binuksan.

He was right, some paparazzi are waiting outside. Two ladies and three gents with their cameras dangling on their shoulders. Sumandal siya sa hamba at sinadyang iharang ang sarili sa nilikhang awang ng pinto.

"What?" Iritado niyang sita sa mga ito. "May kailangan kayo sa akin?"

Isa sa mga iyon ay nanghahaba ang leeg sa pagsilip sa loob. "May nakapagsabi sa amin na nandito raw si Jenni May?"

He gritted his teeth and grabbed the doorknob tight. "You've got a bad source. Wala akong kasama rito."

"Pwede ba kaming pumasok diyan sa loob?"

"I have an idea, guys. Why don't you run to the nearest police station and tell them to get you a search warrant. Then you can come inside and see for yourself if I am keeping Jenni May. Sounds like a plan?" Matapos sabihin iyon ay binalya niya pasara ang pintuan at nag-aalalang binalikan si Anne Marie.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Where stories live. Discover now