Chapter 69: New life?

125 4 0
                                    

Chapter 69: New life?

Khiena's pov

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng lumipat ako dito sa syudad.

Ilang araw na lang rin ay magsisimula na ang 2nd sem sa grade 12.

Dito ko na lang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Ayokong umuwi o bumalik doon.

Ang totoo niyan ay nais kong kalimutan ang lahat ng taong nakilala ko doon. 

Gusto ko ring makalimutan ang lahat ng alaala na meron sa lugar na pinanggalingan ko.

"Hmm.. Kamusta ang part time job Khiena?" tanong ni Erika.

"Kulang pa. Mababa lang ang nakukuha ko kung magbabantay lang ako dito sa public library"

Yes. She knows where I am. Siya lang rin kasi ang makakatulong sa akin. Siya lang ang tinawagan ko nang makapagpalit na ako ng sim card.

Wala siyang pinagsabihan na alam niya kung nasaan ako. I'm into hiding and running away kaya't tinulungan niya ako.

"Then, are you planning to find another job?" she asked. I nodded as an answer.

"Hmm. Okay then. Anyway, malapit ng magsimula ang 2nd sem, are you sure na kaya mong pumasok sa school namin, while pretending you don't know me?" she asked.

"Yeah. I'd be fine if I'm alone" I said and looked at my wrist watch, that she had given me. "My time here is over. Uuwi ka na ba? Kasi ako, uuwi na ako" I said at kinuha ang gamit ko.

"I'll stay here for a while" I gave her a nod at saka umalis na ng library.

Napahinga naman ako ng malalim nang makalabas na ako sa library. "Kailangan ko pang maghanap ng trabaho"

Kinuha ko ang aking lumang cellphone at tiningnan ang notes ko. Saka ko lang naalala na kailangan ko palang bumili ng pagkain dahil wala na akong pagkain doon sa boarding house.

Kaya naman, imbes na umuwi agad ay nagpunta na muna ako sa di kalayuang mini mart at duon namili ng pagkain.

Nang makarating ako dito sa mini mart ay agad na kumuha ako ng cup noodles, 3 bottles of water, 1 bottle of lipton, bread, 1 can of iced coffee, at isang cheese-it.

Yan lang ang kaya kong bilhin sa ngayon.

Tanghali pa lang ngayon kaya't sobrang init nung lumabas ako ng mart.

Pagkalabas ko ay naglakad ako para makauwi sa boarding house.

But as I was walking, I can't help but feel nervous.

Ramdam ko kasi na may sumusunod sa akin.

Kaya't imbes na dumiretso ako sa boarding house, ay nagpasikot sikot na muna ako sa kung saan at saka kunwari ay may nakalimutan ako kaya't babalik ako sa library nang humarang sa akin ang dalawang lalaki.

'Mukhang ako nga talaga ang sinusundan nila'

They both look weird!

Mukhang adik pa nga!

Pareho silang nakabonet at parehong may tattoo sa braso.

"Miss, wala ka bang kasama?" nakangising tanong nung isa.

Nagpalipat lipat naman ang aking tingin sa kanila.

'What am I supposed to answer?'

Kinakabahan ako ngayon and I really need to think of a way.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita sa di kalayuan ang lalaking nakatalikod habang nasa may tenga ang cellphone.

"Uhm meron akong kasama. Ayun oh" turo ko sa lalaki na mukhang kaedad ko lang at saka lumapit ako sa kanya.

Niyakap ko rin ang kanyang braso para magmukhang kapanipaniwala. "Kuya! Andito ka lang pala"

Mukhang nagulat pa nga iyong lalaki sa biglaang pagsulpot ko.

Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at inilagay iyon sa bulsa niya.

And I tiptoed to reach his ear to whisper. "Please help me kuya. I don't know who those two are but they're following me"  I begged and looked back to where the two weirdos are.

Mukhang hindi rin sila naniniwala na kasama ko nga ito dahil nakatingin sila sa akin at nakangisi pa.

The man tapped my head gently at humarap rin sa mga lalaki. Then he smiled. "Excuse me sirs. May problema ba kayo sa kapatid ko?" the man asked.

Nanlaki naman ang mga mata nang dalawang lalaki nang patunugin nitong lalaking to ang kanyang mga daliri at iwinagayway pa ang kanyang cellphone.

"W-wala. A-akala namin mag-isa lang siya" then they both ran off.

Bumitaw naman na ako sa pagkakayakap sa braso ng lalaki at napahinga ng maluwag. "Salamat" I thanked him at naglakad na paalis.

Hindi ko rin alam kung anong itsura niya dahil hindi ako tumingin sa kanya. Hindi ko naman kasi siya pinagtuunan ng pansin. I'm just thankful dahil tinulungan niya ako.


*****

"Oh? Newbie! Aga mo yata ngayon?" tanong ni Xyla na isa ring nakatira dito sa boarding house.

Hindi ko siya pinansin at dire diretso na lang akong pumasok sa aking kwarto. Solo-solo ko ang kwarto dahil wala pa akong roommate. Bedspacer lang ako eh. Hindi ko naman afford yung isang apartment talaga.

Bago ko pa maisara ang pinto ng aking kwarto, ay narinig ko siyang nagsalita pa. "Eh? Still doesn't want to talk? Aigoo. What an introvert"

Isinara ko na ang pinto ng kwarto at saka dumiretso sa study table ko dito, at binuksan ang computer.

Meron kasing computer dito bawat kwarto, pero syempre, kasama sa binabayaran namin ang paggamit ng computer.

I opened the computer and searched for part time jobs near me.

Medyo natagalan ako sa paghahanap. But in the end, wala akong nahanap.

"Starting a new life isn't easy huh?" napailing-iling na lang ako.

Binuksan ko ang insta account ko at tumingin na lamang sa mga post ng board mates ko, at sa mga post ni Erika.

Sa ngayon, Instagram lang ang nagagamit ko. Hindi ako gumawa ng facebook. Instead ig ang ginawa ko.

Wala naman sa aking makakakilala sa ig dahil ang pic ko doon ay anime character. Ni isang post nga ng picture ko ay wala rin ako.

Pero may ilang post naman na ako. Pictures ng cakes, cupcakes, cookies, coffee, at kung ano pang magagandang bagay.

Sa ig rin ako minsan nakakakuha ng customers. Nakikita nila iyong mga binibake ko tapos magoorder sila.

*Knock* knock*

"Khiena, pwede bang pumasok?"

"Opo. Bukas ho ang pinto landlady" sabi ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang landlady. "Magpapaalala lang ako iha. Malapit na ang pasukan ninyo at hinihiling ko lamang ay magkaroon ka ng kaibigan. Wag mo naman sana ilayo ang sarili mo sa mga tao"

Kumunot naman ang aking noo at diretsong tumingin sa kanya.

"Kaibigan? I don't need that"


*****

Started: February 11, 2021

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now