Fragile 2*

265 12 11
                                    

Fragile 2

Isang buwan pagkatapos nilibing si mama pinasok ako ni Vicente sa isang private university kasama ang anak nito para magcollege. Hindi ko siya tatawagin na papa dahil hindi naman siya naging ama sa akin. He just donated his sperm to my mama.

Gusto ni Vicente na sa bahay nila ako titira pero umayaw ako. Ayokong araw-araw makita ko kung gaano sila kasaya habang namumuhi ako sa bawat ngiti sa kanilang mukha. Good thing, tutol din ang asawa nitong si Teresa. Nanatili ako sa bahay kung saan ako lumaki. Bigay iyon ni Vicente kay mama dahil wala namang pera si mama.

My mama was born poor, live poor and they treated her poorly. She died still poor. Poor of love, money, success and time.

I change after three days after my mom died. I became sensitive, I easily get mad, I didn't stay humble, I didn't stay kind and I'm not respectful now. Nag-iba ako sa dating Daenah na pinalaki ni Mama. I'm no Princess now like my Mama said because Princesses are weak and I'm not weak.

Nanatili akong matatag, at confident. Ayokong maging mahina, ayokong gamitin iyon ng mga tao sa paligid ko para i-hila ako pababa. Kagaya ng ginawa ni Vicente sa mama ko. Nasa baba na nga si mama mas lalo pa nitong hinila pababa, nalibing ang sarili sa ilalim ng lupa at hinding-hindi na nakabangon hanggang mamatay.

Dahil wala pa akong kapangyarihan para ipaghiganti si mama kay Vicente, sa anak muna nito ko ibaling ang aking galit. I will take everything she have and what she wants. I will pull her down like what her father did to my mama.

Mabilis akong naging kilala sa university ng college in just a week. Lima agad ang naging kaibigan ko, puro mayayaman at puro kaugali ko. We planned to ruin every girl's fantasy to their boys. They already have prospect like I have mine.

Therese Jacinto, opposite to my attitude she is kind, humble like what I was and she only have one friend. Iba ang kurso niya sa kurso ko. Pero kahit ganon marami pa rin akong oras para sirain ang araw niya.

"Oops sorry!" pekeng itinakip ko ang kamay sa aking bibig. Natapunan lang naman siya ng iced tea ko- or should I say tinapunan ko?

My friends laugh while looking at Therese. Basa ang puting blouse nito at bumakat ang suot nitong bra. I raised my left eyebrow as she tried to cover her wet chest with her arm. Nahihiyang napayuko lang ito.

"You've got a nice pair of boobs, Therese!" sinadya kong lakasan ang aking boses para marinig ng lahat. At katulad ng gusto ko mas nadadagan ang mga mata na nakatutok sa amin- especially sa kanya. Sobrang pula nang mukha nito sa kahihiyan.

'kulang pa 'yan!'

"Can I touch them? I just want to check if these are fake" It was Elowyn, one of my bestfriend. Mabilis na umilag si Therese sa mga kamay ni Elowyn kaya mas nagtawanan pa ang mga nanonood.

"More! We want to see more!" si Penny, my other supportive friend! Then people in the canteen started to chant

"More! Boobs!"

"More!"

"More!" tumakbong umalis si Therese, luhaan at pulang pula ang mukha. Wala itong sinabi at tanging hikbi lang nito ang naiwan sa pandinig niya.

Wala akong naramdamang awa. Hindi rin naman naawa si Vicente kay mama noong iniwan niya ito.

Inilibot ko ang tingin sa kapwa estudyante sa canteen. I felt proud of what I did! Slowly getting my revenge. An evil smirk appeared on my lips. Natigil ang mga mata ko sa isang lalaking walang pakialam at tutok lang ang mukha sa binabasang libro.

"Tss. Nerd." I scoffed

We left the canteen with big smiles on our faces. Since bakante naman ang susunod naming schedule pumunta kami sa isa pang pobreng babae na kinamumuhian ni Theia. Friend will always help each other in good and bad times.

I bullied Therese, for the whole school year together with my loyal and bitch friends, Elowyn, Penny, Theia, Hailee and Saniyah. Nagtataka nga ako bakit wala pang Vicente na nagagalit sa akin dahil sa ginawa ko sa mahal niyang anak. But I don't care, it's a good thing so I can bully Therese more.

We turned second year in just a short period of time. Hinding-hindi ako nagsasawa sa pambubully kay Therese. My friends got another new prospects but I remain with Therese. Excited akong matapos ang year na ito dahil sa susunod na school year papasok na rin ang isa pang anak ni Vicente na si Sofia. Diba masaya? Dalawa na ang ibu-bully ko.

First week of second year college, hindi ko muna binully si Therese to plan for a big embarrassing party for her.

One time in summer pinapunta ako ni Vicente para daw may ibigay, umayaw ako pero mapilit siya. Wala doon ang asawa at mga anak nito. Si Vicente lang ang nandoon sa bahay. Binigyan lang naman niya ako ng isang milyon! Walang pag-alinlangan kong tinanggap ang tseke. Tinalikuran ko si Vicente kaagad pagkakuha ng tseke na parang hindi ko siya kilala.

Pumasok ako sa kwarto ni Therese at nilagyan ko ng mga uod ang bulsa ng kanyang mga damit. Kinuha ko ang diary niya na nakabukas sa harap ng vanity mirror nito. I took couple of shots from my phone camera after I left without the maids noticing I was there.

"Kung akala mo tatantanan kita Jacinto. You got it wrong. Laugh all you want for now," matalim ang mga mata ko habang nakatingin kay Therese, masaya itong nagtawanan sa nag-iisang kaibigan nito sa bench. I smirked before I turned my back.

I almost fell on the ground when I bumped to someone. Buti nalang at nasalo ako. I expected a handsome prince but instead I faced a disgusting face, second to Therese. Nakasalamin ito. Matangkad pa sa akin.

Mabilis ko siyang itinulak sa dibdib.

"Ew! Ew! Ew!" I shouted. Yuck! The nerd touched my waist and arms! Mas gustuhin ko pang mapaupo sa sahig kaysa mahawakan ako ng nerd.

Tahimik lang itong pinulot ang mga libro na nahulog. Nairita ako sa pagmumukha nito at mas lalo pa akong nairita dahil hindi ito nagsorry sa akin. Tumikhim ako para iparating sa kanya na kailangan ko ang sorry niya.

Hindi nagtaas ng tingin ang nerd. I kicked the book that he's about to pick-up!

"Don't you know who I am?!" malakas ang boses ko. Napatingin ang mga estudyante sa amin. Students are afraid of me and my friends. We bully nonstop whoever steps in our way. We are known for it! Hindi nagsalita ang nerd at nakayuko lang.

"You bumped and touched me!" I gave him a death glare. Nakatitig lang ito sa akin at nakanganga.

God! Nerd na nga pangit pa!

I know I'm beautiful but does he have to stare at my face the whole day with his ugly nerdy face?!

"Say sorry now!" I commanded him.

"S-sorry," mahina nitong sabi. I crossed my arms on my chest looking him from head to toe.

He is tall, he got nice body, not fit for his face and he's ugly! I flipped my hair as I walked passed him. May mga bulong-bulongan pero hindi ko narinig dahil wala akong oras makinig. I've got bigger plans.

Fragile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon