Fragile 53
“Daenah…”
Napaangat ako ng tingin kay Therese. Ilang linggo din akong nakapagpahinga sa pambubully ko sa kanya. Dahil sa nangyari kay Vicente hindi na ito pumapasok.
Pinagsadahan ko ng tingin si Therese. Kita ang pangingitim ng ibabang bahagi ng mga mata nito na. Her hair is a bit messy na tila pinadaanan lang ng mabilisan ng suklay. She was a mess before and she grew messier now.
“What do you want?”
Umagang-umaga ay ito ang bubungad sa akin pagkababa ng kotse. Nakasuot ako ng bodycon black dress habang jeans at brown na t-shirt lang ang suot ni Therese. Nagmumukha itong alalay ko sa suot nito.
“Si daddy. Hindi naming siya macontact ilang linggo na”
“Tapos?” taas kilay kong tanong
Anong pakialam ko sa Vicente na iyon? Ang galing ding magtago nito na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ng mga pulis.
“Hindi ba siya tumatawag sa’yo?”
Pinaikot ko ang mga mata. Seriously, bakit ba ang bobo nitong Therese? Hindi ba nito inisip nag alit ako sa ama niya? Na kung tumawag man ito ay deritso ang tawag ko sa mga pulis?
“Are you dumb?”
Napayuko ito ng ulo. Nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng mga palad nito. Stupid Jacinto!
“N-nagbabakasakali lang ako… Daenah.”
Lalagpasan ko n asana si Therese. Wala akong panahon sa kanya ngayon. What happened at their family is already enough for me to stop bullying her….
For now.
I still need to attend the things that bothers me. Dalawang hakbang pa ang nagawa ko nang magsalita itong muli.
“You’re he’s favorite child after all… akala ko tumawag siya sayo”
“What makes you say that I am his favorite child?” gusto kong matawa sa sinabi ni Therese
Really? Ako paboritong anak ni Vicente? Biggest joke I’ve heard this month.
“Ilang beses akong uuwi sa bahay, mugto ang mga mata sa kakaiyak ng dahil sa mga pinaggagawa mo. Alam ni Vicente na ikaw ang dahilan pero ni isang masamang salita para sa’yo hindi ko marinig”
Naglakad si Therese sa harapan ko. Tiningnan niya ako sa mga mata.
“Naalala mo no’ng ginupitan mo ang buhok naming ni Evelyn. Umuwi ako sa bahay ng hindi makilala ang itsura ko. Kababa lang niya sa hagdan pagkapasok ko sa bahay. He saw what happened to my hair and god knows he knew what happened. He knew that you did that to me… pero wala siyang sinabi. He walked pass me without asking what happened.”
Puno ng galit, lungkot, sakit at matinding inggit ang mga mata ni Therese habang nakatingin sa akin. May mumunting luha na din na namumuo doon. At sa bawat bigkas nito ay ramdam ko ang sakit sa boses.
That is what I want from the very start. I want her to feel that way para naman maramdaman niya ang naramdaman ko no’ng namatay si mama. I want her to feel the pain that her father brought to me and my mama. They can’t be happy while mama died suffering from the pain Vicente inflicted.
“Galit si mommy sa’yo. Nag-away sila ni Daddy pero mas ako pa ang sinisi ni daddy sa nangyari. Tapo nahospital si mommy pagkatapos kang puntahan sa bahay. Malaki ang cut nito sa mukha pero wala pa ring sinabi si dad sa’yo. Sinisi rin niya si mommy sa pagsugod sa’yo. That’s how he loves you Therese.”
May pumatak na luha sa mga mata. Nasundan pa ng isa hanggang sa magsunod-sunod ang patak non. Therese bit her lip forcing herself to stop from crying but she failed.
“I was waiting for him to call me… a-anak. Just like how he called you. I was waiting all my life to have some love from him. Just a bit of love from him…” Therese smiled bitterly at me
Hindi ko alam kong nakita niya pa ako sa daming luha na tumatakip sa mga mata nito. The funny thing is that I can’t speak nor I couldn’t leave. Hinayaan ko lang ang sarili kong mapako sa kinatatayuan habng pinakikinggang si Therese.
“You know what? I’ve been wishing I wish I were you. You’re smart, pretty, you know what you want, daddy loves you so much, you know how to fight and you are free. Habang ako naghihintay sa araw kung kailan ako mamahalin ni Daddy ng hindi ko hinahangad. I don’t know that time will come, though…” huminto ito saglit at hilaw na natawa “Ngayong nalaman niya na boyfriend ko si Raffy… I don’t know if he will ever love me. Siguro galit na galit iyon kaya hindi na tumatawag”
“So?” sa haba ng mga sinabi ni Therese iyon lang ang lumabas sa bibig ko
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. If I’m in pain because of Vicente, Therese’ as well is in pain because of Vicente.
Vicente Jacinto. Ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Lahat ng mga nagyayari ay siya ang dahilan. Lahat ng sakit ay siya ang dahilan.
“He gave you millions while he only gave us one thousand allowance a week. Kung hindi iyon dadagan ni mommy hindi iyon makakapagkasya ng isang linggo.
Sana naman kung isang araw tatawag siya sa’yo, Daenah… pwedeng sabihan mo ako? Kahit ngayon lang hihingin ko ang pabor mo”
“I can live without his money, Therese. I don’t need him or his money”
Nagpupunas ito ng luha habang tumatango. Therese smiled after she’s done wiping her tears.
I wish I could smile the same after the storm… I wish I didn’t feel the thirst of revenge after mama died. I wonder what would happened if my attitude was of like Therese?
Things have been played the opposite.

YOU ARE READING
Fragile [COMPLETED]
General FictionDaenah Santos- all she wants is to take revenge for her poor mother. Live poor and treated poorly her mama died. She got nothing, she thought...