Fragile 69
"What do you want to eat?"
"I'll have Cesar salad and lemonade"
Hinalikan niya ako sa noo bago pumunta sa counter. Kakatapos lang ng klase ko and I have two more classes to go after lunch.
I was looking at Dash na nasa counter nang may humarang sa harapan ko. handa ko na sanang bigyan ito nang masamang tingin nang makita kong si Therese iyon. I let out a deep breathe to calm myself.
"What do you want?"
"Daddy called you?"
Nagkibit balikat ako.
"He called us last night and he said he called you"
"And?" malamig kong tanong
Ayokong masali sa problema nila. They're not my family.
"He's worried about you" halata sa boses nito ang pait
"Therese, I don't care"
"He's more worried at you that us his family or his self. Ikaw ang laging bukang bibig niya kagabi. Bantayan ninyo si Daenah. Si Daenah 'wag ninyong iwang mag-isa"
Inikot ko lang ang mga mata ko. Ilang beses ko pa bang sabihin na wala akong pakialam kay Vicente kundi ang makulong ito?
"He's far. He's hiding yet he still cared for you. He's afraid for you" she got tears in her eyes now. I still hate her being weak.
Lagi nalang umiiyak kapag nakikipag-usap sa akin. People who saw us without hearing our conversation tend to get wrong ideas which I don't care, kahit noon pa man.
"Therese kayo ang pamilya niya hindi ako. Kung ano man ang sinasabi niya sa inyo wala na ako doon"
Nakita kong papalapit na si Dash sa akin dala ang aming pagkain. Nagkasalubong ang kilay nito nang makitang kausap ko si Therese.
"Umalis ka na, Therese. Vicente is your father not mine. He married your mother. You are his family. Itatak mo iyan sa isip mo. Hindi kita aagawan ng ama. You can have him. I don't care. 'Wag ninyo akong isali kung ano man ang problema ninyo. I have my own life. I'm building my own life na sinira ni Vicente"
Itinuon nalang sana niya ang pansin sa boyfriend nito baka pa malaman niya ng maaga na ginamit lang siya ni Raffy para mahuli si Vicente. She's just wasting her time talking nonsense.
"Princess..." tumayo ako para salubungin si Dash
Naiiyak na umalis si Therese doon. Marami ang nakapansin sa mga luha nito kaya naman napatingin sa akin ang mga estudyante. They already think that I bullied her. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Their thoughts won't hurt me.
"What did she say?"
"Insecurities"
Inilapag ni Dash ang aming pagkain sa mesa. Inilagay nito ang kamay sa aking beywang.
"Are you okay?"
Tumango ako. Nairita lang ako kay Therese. She went to me to say those nonsense.
Wala akong pakialam kahit na kunti. Vicente can worry his ass off for me but I don't care. He can save his worry for himself.
"Let's eat? I'm starving"
Pagkatapos namin kumain ay sabay kami ni Dash na pumunta sa susunod kong klase.
Days passed like any normal days. Sa tuwing nasa university ako at nakikita ko si Therese kasama si Raffy at Evelyn ay iniikotan ako ng mga mata ni Evelyn. Si Therese naman ay napapaismid.
Ngayong tumigil na kami sa pambubully sa kanya mukhang nagkakaattitude na itong si Therese. Maybe, because she have someone on her side now? Just wait until she would learn that he is just using her. Let's see kung makakaismid ka pa sa akin.
Hindi ko nalang sila pinapansin. They can't kill me with their eyes and also I'm already busy for my thesis.
Naging abala na din ang mga kaibigan ko sa mga thesis nila kaya halos hindi na kami nagkikita-kita. Tanging si Dash nalang ang nakakasama ko. He help me with my research.
Nawaglit sa sa isip ko si Vicente at ang walang kwentang warning nito.
"Baby, let's sleep now. We'll finish it tomorrow"
Tiningnan ko ang oras sa aking phone, alas dose na pala. Hindi pa naman ako inaantok pero dahil nagyaya na si Dash ay tumayo na ako sa harap ng aking laptop pagkatapos kong i-shutdown iyon.
He tucked me in the bed. Hinila nito ang kumot hanggang sa balikat ko atsaka ito nahiga sa aking tabi.
"Rest, baby. Hindi ka pwedeng mapuyat"
Napangiti ako.
"Goodnight" I said
Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagsimula naman akong dalawin ng antok.
"Good night, baby"

YOU ARE READING
Fragile [COMPLETED]
General FictionDaenah Santos- all she wants is to take revenge for her poor mother. Live poor and treated poorly her mama died. She got nothing, she thought...