Fragile 70
"Baby, mom called. She invited us to have dinner in the house"
Napaangat ako ng tingin mula sa pagta-type sa aking laptop. I met his mom many times last year, mabait naman ang mommy nito. His dad as well is a good man. Malayong-malayo kay Vicente.
"Tonight?" I asked
"Yes"
"Okay"
Naupo si Dash sa aking tabi at nagsimulang basahin ang ginawa ko. He nodded his head while reading my paper.
Kinagabihan ay naghanda na kami papunta sa bahay nila. I wore my white backless dress. Inilugay ko ang aking buhok na kinulot ko sa dulo. Dash wore his white shirt and a black pants.
Iginiya na niya ako palabas ng condo. Pinauna niya ako papasok sa elevator. Nang makarating kami sa basement ng building ay pinagbuksan niya ako ng kanyang sasakyan. He put my seatbelt on before he settled on the driver's seat.
Nang nasa daan na kami inabot niya ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. Isang kamay lang ang gamit nito habang minaubra ang manibela.
"Anong meron bakit nagpapadinner mommy mo?" tanong ko para lang may mapag-usapan kami
"May ipakilala daw si Kuya"
"Si Ashton?"
Sino pa nga ba? Wala namang ibang kapatid si Dash kundi si Ashton lang.
"Yes"
"Seryoso na s'ya?"
As far as I noticed si Ashton ang klase ng tao na hindi nagseryoso sa buhay. Mas mature pa mag-isip si Dash kaysa dito.
"Mom's hoping"
Pagakarating naming sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ng mommy ni Dash. Bumati ako at bumeso. Si Dash naman ay humalik sa pisngi ng ina.
"Si kuya, mom?" Dash asked
Her mom was about to answer when we hear a horn from a car. Napabaling kaming lahat sa labas.
A black Porsche stopped outside their house. Lumabas doon si Ashton.
"Oh! He's here na pala" Dash's mom announced. She excused herself para salubungin ang bagong dating
Nakita ko ang pagbukas ni Ashton sa front seat ng sasakyan. Lumabas doon ang hindi ko inaasahang makita.
My friend Theia is gorgeous in her maroon tube dress. Her was bun and some of her hair freely fall from her face.
"Theia and Ashton?" I asked Dash for confirmation
Nagkibit ito ng balikat. He doesn't know either. But seeing them together now tapos ipakilala pa ang kaibigan ko sa sa mommy at daddy nila Ashton, they must be together now. I just thought... oh well! Theia's on her right age. She can decide what makes her happy. I will just support her.
Sumalubong na din kami ni Dash dito. When Theia saw me her eyes widen. Hindi siguro nito alam na kasali kami ni Dash.
"Hey" bati ko sa kanya
"H-hey..." she look and sounded so nervous
"Mabait sila tita. 'wag kang kabahan"
Tumango lang ito. I held her hand and it was so cold.
Pagkapasok namin sa kusina ay nandoon ang daddy ni Dash. May suot na apron. Inilapag nito sa mesa ang Pyrex na may lamang manok.
"Good evening po" sabay bati namin ni Theia dito.
"Good evening ladies"
Bumati si Dash at si Ashton sa ama. May tinawag ang huli na katulong at ibinigay dito ang hinubad na apron. Lumapit ang mommy ni Dash sa asawa. Pinunasan ang noong may pawis gamit ang kamay.
Napangiti ako doon. I like Dash's family. I want to have a family like what he have.
"Have a seat everyone"
Pagkaupo namin ay may lumapit na kasambahay at sinalinan ng tubig ang aming mga baso. Nilagyan ako ng pagkain ni Dash sa aking plato bago ito naglagay ng pagkain sa sariling pinggan.
The dinner went smooth. Nangungumusta lang ang daddy ni Dash sa dalawang anak. Nang pinakilala naman ni Ashton si Theia ay wala namang sinabi na hindi nila tanggap ang aking kaibigan. They were thankful that at last may seneryoso na si Ashton sa buhay.
Tahimik lang din si Theia. Nagsasalita lang kung tinatanong. Siguro ay kinkabahan.
Nang matapos ang dinner gusto sana ng mommy ni Dash na sa bahay na nila kami matutulog pero umayaw si Dash. Hindi na nagpupumilit ang mommy nito at hinayaan nalang anak sa gusto.
"Mag-iingat sa pagdrive, Owen. Okay?"
"Yes mom"
Nauna na kaming umalis ni Dash. Kagaya kanina ay hawak nito ang aking kamay habang nagmamaneho.
Inihinto ni Dash ang sasakyan sa harapan ng Condo building nito. Ibinigay ang susi sa valet. Hawak ang aking beywang iginiya niya ako papasok sa lobby papunta sa elevator. Nang bumuka ang elevator ay pumasok na kami. Ngunit bago pa masara ng tuluyan ang pinto ng elevator ay nahagip sa mga mata ko ang kinamumuhian kong tao.
My mouth opened in shock.

YOU ARE READING
Fragile [COMPLETED]
General FictionDaenah Santos- all she wants is to take revenge for her poor mother. Live poor and treated poorly her mama died. She got nothing, she thought...