CHAPTER THREE

1.5K 48 0
                                    

Serenity's POV

Nandito siya, at may kasamang ibang babae ulit. Ilan ba ang babae nito.

"Hey bro, don't look at her. Tinatakot mo ang girlfriend ko"

"Nahhh, just.....nevermind" sabi nito at uminom nalang ng alak. Napatingin ako sa babae na siya ang taga-lagay ng alak sa baso nito habang hinihimas-himas niya ang braso ni Draco.

"Upo na muna tayo..." sabi sa akin ni Lucas. Inalalayan niya pa ako sa pagpunta doon. Tumawa ako bahagya dahil ginawa niya na naman. Hindi ako kailangan alalayan dahil kaya ko naman.

"Kailangan dahil gentle--"

"Man ka, alam ko na yun.." patuloy ko sa sabi niya.

"Maganda ang bar mo, Lucas. Baka dito na ako lagi tatambay..." sabat ni Draco kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oo naman, maraming din private room dito kung gusto mo.." banggit ni Lucas na uminom na din ng alak. Kukunin ko na sana ang isang basong may lamang alak ng magsalita na naman si Draco.

"Juice for girls..." sambit ni Draco pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa babaeng kasama niya na may hawak din ng baso ng alak.

"Come on Draco babe, kanina pa ako rito umiinom. Ngayon mo lang napansin.."

Hindi naman pala ako ang sinabihan kaya kinuha ko na ang baso at nang iinumin ko na sana ng magsalita si Draco.

"Juice..." banggit niya pero may diin.

Napatingin ako sa kaniya na nakatingin lang sa babae niya. Hawak lang ng babae yung baso at hindi iniinum. Anong nangyayari sa kaniya?

"Babe, hindi ko na ito iinumin. Kung ayaw mong inumin ko.." sabi nung babae at binitawan na ang baso bago parang ahas na pumalibot sa braso nito.

Ang OA masyado...

Sinimulan ko ng inumin yung alak at nang malapit ko nang malasahan yung alak ng biglang kinuha sa akin nun ni Draco.

"I told you, don't drink a fucking liquor!!!" Sabi niya at talagang siya ang uminom. Baka gusto niya lang yung iniinum ko. Parang kanina lang doon sa coffee shop ay ang bait-bait.

Wala pa pala kaming ino-order ni Lucas tapos iinumin ko yun. Nakakahiya pala, pero bakit si Lucas ay pinayagan niyang inumin yung alak tapos ako hindi..

"Easy man, huwag mong sigawan ang girlfriend ko." Sabi ni Lucas at may tinawag siya.

"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Lucas kaya napangiti ako. Salamat at may maiinum na rin na walang magbabawal.

"Hmm..martini...pwede rin sigurong tequila--"

"Juice...Orange juice.."

Napatingin kay Draco, pareho kami ni Lucas na nakatingin sa kaniya. Bakit ba pinipilit niya ang juice na yan.

"Gusto mo ng juice bro." Sabi ni Lucas kaya lumingon si Draco kay Lucas.

"Not for me, for her..." sabi niya at sa akin ng tumingin.

"Bakit mo pinapayagang uminom ang girlfriend mo Lucas, hindi iyun tama.." sabi niya at uminom ito ng alak.

"Sige na, pagbigyan na natin ang juice.." sabi ko at pinalitan na ang order.

Napatingin ako kay Draco na nakangisi na habang umiinom ng alak.

Sa mga nagdaang minuto ay kanina pa ako umiinom ng juice habang nag-uusap sila. Lagi kong napapansin na napapatingin sa akin si Draco kaya wala naman akong magagawa kundi ngumiti dahil ayokong mapahiya sa harapan nila. Girlfriend pa nga ang drama ko dito.

Lost and Found Where stories live. Discover now