CHAPTER TWENTY-THREE

1.2K 34 0
                                    


⚠⚠ SPG ⚠⚠

Serenity's POV

Nagising ako na may naghahaplos sa pisnge ko. Maliit iyun kaya alam kong anak ko yun. Hinawakan ko iyun at napangiti ako na tama ngang sa anak ko iyun.

Nagising ako ng may lumapat na kamay pa sa kamay ko at malaki iyun. Ang familiar na pakiramdam na iyun ang makakapagsabi sa akin kung sino yun.

Napadilat ako ng mata at nakita ko ang anak kong nakangiti at dumako naman ang paningin ko kay Draco na nakakunot ang noo.

Tumayo na ako at hinila ko ang anak ko at niyakap ito.

"Morning baby boy..."

"Morning mommy!! Ang ganda po ng panaginip ko kasi kayakap mo daw ako at nagising akong kayakap ka nga!"

Napangiti sa sinabi nito. Niyakap niya ako pabalik at agad ding naman na humiwalay ito.

"Kain na po tayo mommy! Alam mo po kami nagluto ni daddy ng breakfast para sayo!"

"Talaga, thank you baby boy.."

"Pati rin si daddy nagluto nun. Dapat siya rin mommy.."

Napatingin ako kay Draco at balik sa anak.

Ngumiti ako at tumingin kay Draco.

"Thanks.." sabi ko lang at binalik na agad sa anak ko ang tingin ko.

"Mommy, nalimutan ko palang tawag ako ni mama. Kita nalang po sa mesa!" Sabi ng anak ko at tumakbo ito palabas sa kwarto.

"Son, be careful..." habol na sabi ni Draco at alam kung maririnig iyun ni Drake. Yung tunog na pagtakbo niya ay nawala.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto namin ni Draco. Dumeretso agad ako sa CR para maghilamos. Mabilis ang bawat kilos ko dahil yung pumasok ako sa kwarto ay nakasunod si Draco. Alam kong magtatanong yun patungkol sa nangyayari sa akin, unless kung natatandaan niya ang nangyari kagabi.

Nasa loob parin ako ng CR at alam kong naghihintay sa labas ng pintong ito si Draco. Ayaw ko pa siyang harapin. Sa lahat ba naman na nalaman ko ay wala akong kakayahang harapin siya.

Huminga muna ako mg malalim nago lumabas sa pinto. Nakita ko si Draco na nakaupo sa kama at bigla itong tumayo.

Lalabas na sana ako sa pinto pero napigilan niya ako.

Hinawakan niya ang braso.

"Serenity, anong problema?"

So, wala siyang naaalala sa nangyari.

"Serenity, tinatanong kita. Bakit doon ka natulog sa kwarto ng anak natin.."

Natin...ang sarap pakinggan mula sa kaniya pero....

Pero masakit din.

"Wala, hinahanap na ako ng anak ko sa baba. Bitawan mo ang kamay ko.."

"Serenity --"

"Please Draco, huwag ngayon. May pasok si Drake ngayon. Pwede bang sa susunod nalang tayo mag-usap.."

Hindi siya sumagot pero binitawan niya pagkahawak ng kamay ko.

Lumabas na ako sa pinto at pumunta na sa anak ko. Naayos na ni Draco ang school na papasukan niya. Ang kailangan nalang ay si Drake.

Napatingin ako sa anak ko na masaya sa suot niyang niyang bagong uniform at superman bag. Naayos na pala ni mama ang gamit ni Drake.

"Kain na tayo mommy!" Tumango nalang ako at umupo na sa upuan at nagsimula ng kumain.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Lost and Found Where stories live. Discover now