CHAPTER FIVE

1.4K 42 2
                                    

Serenity's POV

"Boyfriend ako ni Serenity.." sabi ni Draco.

T-Teka..

Huh?

Agad akong napatayo at nilapitan si Draco.

Anong pinagsasabi ng lalaking to?

"Kaya pala, pansin kong may something na kayo. Hoy! Draco, huwag mong papaiyakin ang kaibigan ko, diyan pa naman kayong mahilig ng kaibigan mo. Ang magpaiyak ng mga babae."

Ngumiti lang si Draco sa sinabi ni Nicole at ako naman ay parang wala sa sarili.

Lumipas ang mga oras ay hindi ko na pinansin pa ang mga pinag-usapan lang kanina. Ayaw ko munang intindihin dahil sumasakit ang ulo ko.

Ginawa lang ni Draco na komplikado ang buhay ko.

Nagpanggap akong girlfriend ni Lucas tapos dito naman ay kay Draco.

Part time girlfriend na ako ngayon?

Napatingin ako sa oras at 2:30 na, kailangan ko nang mag-ayos dahil may trabaho pa ako sa bar ni Lucas.

"Nicole, aalis na ako. May trabaho pa ako ehhh.."

"Ahh, ganun. Bye na kayo mga anak" sabi ni Nicole sa kambal kaya lumapit sa akin ang kambal at niyakap lang ako sa tuhod at tumingala sa akin.

"Bye!!"

"Ba-bye!!!"

Hindi ko na maiwasang lumuhod at niyakap sila. Ang ku-cute nila, gusto ko talagang magkaanak ng babae pero yung lalaki ang binigay sa akin ni Lord kaya masaya na ako. Mahal ko ang anak ko, sagad-sagad.

Nang malapit na ako sa pinto ay nagsalita si Nicole.

"Oh! Draco aalis na ang girlfriend mo. Hindi mo man lang ihahatid sa bahay nila. Ay nakung boyfriend yan!"

Nabibigla parin ako sa nangyayari.

"Kaya ko naman, hindi na kailangan at saka hindi namang totoo na magboy--"

"Ihahatid ko na siya, sige bye na sayo Nicole at sa kambal.." singit ni Draco sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko at hinila na palabas.

Nang nasa labas na kami ay doon ko na siya binungangaan.

"Bakit mo sinabi yun kay Nicole, alam mong hindi totoo yun!"

"Ehh sa nasabi na nga, dapat nga ay magsaya ka dahil boyfriend mo na ako. Hindi ko ugaling magkaroon ng girlfriend, kaya maswerte ka.."

"Dapat palang matuwa pa ako, alam mong boyfri--"

"Wala akong pake, sa mata ng kaibigan mo ay ako ang boyfriend mo at wala akong pake kung may boyfriend ka. At alam ko namang maghihiwalay din kayo..." mayabang na sabi nito at binuksan ang pinto.

"Hindi ako sasakay, wala ka talagang kwenta!!"

"Come on, kung ako sayo ay sasakay na ako, nakatingin ang bestfriend mo ohh..."

Napatingin ako sa bahay at nakikita kong sumisilip si Nicole.

Wala na akong nagawa pa kundi sumakay na. Naiinis na talaga ako sa kaniya, kung hindi lang kapangalan niya ang ama ng anak ko ay sisikuin ko ito.

Nakakainis kasing kapag may nakikita akong kapangalan ng ama ng anak ko ay nakokonsensiya akong saktan ito ng pisikal dahil tinanggap niya ako sa bahay niya at nawala ang lagnat ko doon pero nawala din ang pinag-iingatan ko.

Pero mas mabuti na yun kaysa sa pagpiyestahin ako at patayin ng mga siraulong lalaki doon sa kalsada na yun. Ayaw ko pang mawala sa mundong ito pero kahit ganunpaman ay hindi mawawala sa isip ko lalo na puso ko na kailanman ay hindi ako magiging OK.

Lost and Found Where stories live. Discover now