CHAPTER TWENTY-FIVE

1.3K 36 0
                                    

Serenity's POV

Maaga akong nagising dahil may pupuntahan daw na meeting si Draco. Ok lang naman sa akin yun at ok lang na ako lang ang maghahatid kay Drake sa school.

"Mommy, may napapansin ako.." sabi ni Drake habang inaayos ko ang buhok nito. Hinahanda na ng driver namin ang kotse.

"Ano naman yun baby boy.." tanong ko habang nilalagyan ng pulbo ang likod nito.

"Hindi po kayo nag-uusap ni Daddy, nag-away po ba kayo?"

Agad kong binaba ang pulbo at hinarap ito.

"Syempre hindi, minsan talaga ay hindi kami nag-uusap. Hindi lang nag-uusap ay away agad."

"Ganuun po ehh, kapag nag-away kami ng kaklase ko ay hindi ko siya kinakausap at gayundin sa akin.."

"May kaaway ka sa room mo?"

"Doon po sa dating school.."

"Ahh.."

"Ma'am, ayos na po.."

"Sige, tara na anak.." sabi ko at hinawakan sa kamay ang anak ko. Alam kong nagsisinungaling ako sa anak ko at alam kong balang araw ay maiintindihan niya ako.

Nang maihatid ko na si Drake ay dumeretso kami sa bahay ni Nicole. Total ay wala namang magawa sa bahay ni Draco.

"Nicole!!!"

Sigaw ko mula sa gate ng bahay niya. Kagaya rin ito sa bahay ni Draco. At dahil wala namang magawa ay hindi ko pinindut ang doorbell doon.

Gusto ko talagang isigaw ang pangalan niya.

"Nicole Irish Trinidad-Knight!!!"

"Serenity! Bakit ka sumisigaw diyan?" Sabi agad ni Nicole na kakalabas lang ng pinto ng bahay niya. Medyo magulo ang buhok nito at hindi maayos ang pagkabutones ng damit nito.

Nakakaamoy ako ng katatapos lang mag-ano..

"May naistorbo ba ako?"

"Wala naman.."

"Si Clay?"

"Tulog, pati rin ang kambal.."

"Ammm..pasok ka ulit sa bahay mo. Ayusin mo ang sarili mo"

Napatingin naman si Nicole sa sarili niya at ngayon niya lang napansin ang ayus niya. Agad-agad itong bumalik sa loob ng bahay nila.

Pinagbuksan naman ako ng gate ng guard nila dito.

"Pwede bang maghintay ka dito, teka!"

Kinuha ko ang wallet ko tapos ng abot ako ng 500 sa kaniya.

"Bumili ka muna ng gusto mo sa 500. Mag-uusap kami ni Nicole, baka matagalan.."

"Ahh sige po ma'am, Salamat..." sabi nito sabay abot sa pera.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at nakita ko pababa nang hagdan si Nicole at nakasunod ang asawa nitong bagong gising.

"Hi Serenity, kamusta kayo?" Sabi ni Clay at yumakap sa likod ng asawa niya.

"Ayos lang naman, may problema lang kaming hinaharap ni Draco pero magiging maayos naman..."

"Makakatulong ba ako?" Tanong ni Nicole na kinukurot ang tagiliran ng asawa niya.

"Kaya na namin iyun.." sabi ko at umupo sa sofa nila.

"Magigising na yung kambal doon. Ihanda muna na yung gatas nila dahil hahanapin nila agad iyun paggising.."
Sabi ni Nicole sa asawa nito.

"Yes boss..." sabi naman ng asawa niya at hinalikan ito sa pisnge bago pumunta sa kusina.

Lost and Found Where stories live. Discover now